Chapter 12

168 2 2
                                    

"Brandon?" sabi ni John habang tinutulungan itong ayusin ang nahulog na gamit

"Ha? Brandon? Upakan kaya kita! Si Renan to" 

"Ha?! Ah. Ah, sorry, nahihilo lang siguro ako. Napuyat kasi ako kagabi eh"

"Hindi, ok lang, san ka ba galing?"

"Nagkita lang kami ni dad sa McDo, nanghiram lang sya ng libro eh. Ikaw san ka pupunta?" inabot na ni John ang mga nahulog na gamit

"Wala naman, naghahanap nga ako ng kasama eh, sakto andyan ka"

"Ah, ganun ba, may klase pa kasi ako eh."

"Wag ka na umattend! Samahan mo nalang ako bebs, pleaaase?"

"Renan..."

"Pleaaaase"

"San ba kasi?"

"Dyan lang tambay tambay lang."

"Eeh."

"Edi magcomputer tayo!"

"May klase nga ako" lumalakad na sya paalis pero bigla siyang hinawakan ni Renan sa braso

"Please..."

Kung hindi lang... "Oo na"

"Yay!" pumalakpak si Renan

napangit si John "Oh, sge tara"

Hindi na pmunta sa klase itong si John dahil sadyang hindi nya matanggihan itong si Renan sa kahit anong hiling nito. Buong araw nagsama ang dalawa sa pagpapakasarap, puro laro, laro, laro, laro. Wala nang ginawa kundi maglaro.

Una, pumunta sila ng Netopia at naglaro. Naalala ni Renan na nasira ang kanyang relo at naisipang ipagawa na rin total nasa mall na sila, tinulungan siya ni John maghanap ng magandang pwedeng pag-ayusan ng relo. Nakakita naman sila at sinabing balikan ito matapos ang isang linggo. Naglaro ulit silang dalawa sa TimeZone na mistulang parang mga bata.

"Bebs! Tulungan mo ko dito!" aya ni Renan

"Saan? Maglalaro pa ko eh!" angal ni John

"Dito oh, gusto ko makakuha ng tickets! Gusto ko mapanalo yung hat na yun oh"

"Ah... eh maglalaro pa ko"

"Ge na pleaaase"

Nakakaawa kang tuta ka noh? "Oo na! Pasalamat ka!"

"Yay! Dali" agad agad ipinaliwanag ni Renan kung paano laruin ang larong iyon. 

Matapos ang tatlong oras, nanalo din sila ng tickets at nakuha nila ang gusto ni Renan

"Yeees! Salamat bebs" sinuot ni Renan ang hat na binili nila

"No problem" ngumiti na lamang si John

Bumelat ni Renan at sinabing "Thank yoou!"

Ngumiti na lamang uli si John at nagpasyang umuwi na. Pumunta ang dalawa sa sakayan at nag-aabang ng jeep.

"Wala pang jeep, magtaxi nalang tayo" aya ni Renan

"Hala! Grabe to. Sayang pera"

"Sige na please? Ngayon lang to. Pramis!" makaawa ni Renan

"Bebs naman eeeh."

"Hati tayo sa pamasahe"

"Ah, talagang gusto mo magtaxi"

"Tinatamad na talaga ako eeeh! Hahahaha!"

Pumayag na rin si John at sinabing "Oo nga, pasalamat ka, malakas ka sakin eh"

"Yay!" at pahapyaw ni Renan niyakap si John

Umuwi si John sa bahay ng may dalang ngiti

Masaya na akong kahit papaano nakikitang kong masaya sya kasama ako. Sana laging ganito nalang. Sana. Kung pwede lang ganito araw araw.  Makapag-online nga muna

Nag-online si John sa Facebook, nakita nya ang notifications nya. May dalawang nagmessage sa kanya. Ito yung kagrupo nya sa klase nyang inabsentan nya

Haile: Ui, anung plano mo bukas dude? Sa Monday na deadline nito, pag-usapan na natin to bukas ha? TY

07/03/12 9:12 pm

Haile: Paprint nalang nito. Thanks

Project.docx

07/03/12 9:20 pm

shiiiiiit. oo nga pala!!! may gagawin pa. Renan! Bakit mo pa kasi ako inaya. 

Nakalimutan na lahat ni John ang lahat ng kadramahang kinwento nya sa kanyang ama-amahan. Sadyang natuwa lang siya kahit anong oras na siya ng gabi nakauwi, at sa mabuting palad, hindi rin siya pinagalitan ng nanay nya. 

*beep beep*

From: Bunso

Kuya! Kamusta ka na! Long time! Nakita kita kanina sa mall kaya naisipan kong itext ka. Mukhang masaya ka :) kwento naman. Hehehe! Ingat!

07/03/12 10:47 pm

Aba, nagtext si bunso? Anong meron. Di bale na. Long time na din naman. 

------------

AUTHOR'S NOTE:

Sorry po kung ngayon palang nakapag-update. Babawi po ako. Sobra lang po naging busy. Graduating po kasi eh :) subaybayan nyo pa po sana itong story ko kasi papagandahin ko na po sya. Babawi po ako sa inyo! Thank you po for patiently waiting 

--- akositanga02

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon