In life, sometimes risks and chances are what makes us what we are now.
Lumipas ang ilang linggo, mas naging malapit sa isa't isa si Brandon at John, laging magkasama, at magkausap. Nakasanayan na ding maglambingan sa text, pati na rin minsan sa daan. Banat dito, banat dyan na hindi nila alam onti onti nang nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Hanggang sa...
May 21, 2011
Kaumagahan, magkasama ang magkaibigan sa isang parke malapit sa bahay nila Brandon
"Oh, bakit mo ako pinapunta? Miss mo lang ako noh?" tanong ni John
"Hahaha! Di naman John, sadyang gusto lang kita makasama. Hehe! Joke, may sasabihin kasi ako sayo" sagot ni Brandon
teka, parang malalaman ko na...
"Kasi John, matagal ko na itong tinatago pero..."
pero? ano? ano?
"Matagal ko nang gusto sabihin sayo na..."
"Na?" na ano?! pabitin naman to oh!
"Na, may XBox 3 na ako sa bahay!" sabay ngiti si Brandon
"Ah, ganon ba?..."
"Di ka ba masayang makakapaglaro na tayo sa bahay? Hahaha!"
"Ah, hindi, hindi naman. Hehe..."
"Bakit ang lungkot mo? Parang may inaaasahan ka noh?"
"Huh? Wala noh"
"Bakit?... Inaasahan mong sabihin ko sayong 'I love you'?"
"Ha?! Baliw hindi!"
"Yun naman pala eh, tara na laro tayo!" sabay ngiti ulit itong si Brandon
"Sige, sige" napaasa ako dun ah...
May 23, 2011
Kumakain ang magkaibigang si John at Brandon sa isang carinderia malapit sa kanila.
"Bilisan mo, pagabi na! Kupad mo kumain!" sabi ni John na inip na inip
"Eh pano kung ayoko?" sabay dila si Brandon
"Iiwan kita diyan mag-isa!"
"Sus, di mo nga ako kayang iwan eh"
"Ano ka? Kayang kaya ko"
"Sige ngaaaa! Gawin mo!" asar ni Brandon "Hahahaha!"
Walang pahintulot na umalis nga itong si John. Di inakalang ni Brandon gagawin ito ni John. Nagmadali itong tapusin ang pagkain at hinabol si John.
"HOY! John! Teka lang!" tumatakbo ni Brandon papunta kay John
Nagmadali lalo ng lakad itong si John
"Hooooy! Teka nga lang diba" malapit na itong maabutan ni Brandon.
Nang maabutan na siya ni Brandon, agad agad niya itong hinawakan sa balikat, at hinarap sa kanya
"Ano bang problema? Ha? Bakit ka nagkakaganyan? Ilang araw ka nang parang napupuno sa akin eh"
"Ha?"
"Anong ha? Ano ba talaga?"
"Ano ba! Gusto ko lang umuwi! Alis!" sabay piglas nito sa hawak ni Brandon
"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Brandon
"IKAW BRANDON! IKAW LANG NAMAN"
Napatigil si Brandon "Ha?... kasi ang tagal ko kumain? Yun lang? Nagkakaganyan ka na? Yun lang magagalit ka na? Yun lang tatalikuran mo na ako?"
"HINDE! Kasi PINAASA MO AKO! PINAASA!"
Napatulala na lang si Brandon "Paano kita pinaasa?"
"Akala ko, may ibigsabihin lahat ng paglalambing mo, lahat ng pagsasalita mo, nung isang linggo, nung akala ko sasabihin mong may gusto ka sakin, akala ko yun na yung oras na yun. PERO HINDI PALA! Masakit lang sa side ko. Kaya ako na tong lumalayo para hindi na ako masaktan sayo"
"Ako pala may kasalanan..."
"OO" paiyak na si John
"Kasi dapat pala noon ko pa sinabi..."
"Huh?" napatigil ang magluluha ni John
"Matagal na akong may nararamdaman sayo John, matagal na..."
"Bakit... hindi mo pa inamin? Bakit?"
"Kasi naduwag ako baka hindi rin ito ang nararamdaman mo... Baka itaboy mo lang na nabakla ako sayo"
Lalong naiyak si John at niyakap si Brandon "I love you Brandon..."
"I love you too"