Hinde, hindi ko mahal si John. Wala. Wala tong nararamdaman ko
"Peste namang tong si Andrea! Ugh! Di ko tuloy matanggal sa isip ko yung lalaking yun! Ugh!"
November 5, 2012
Sa loob ng silid-aralan maraming nagkakagulo ang mga makakaklase. Hindi mawari kung bakit. Kalat kalat ang silya, nagwawala ang iba, nagsisigawan pa nga eh kahit magkatabi. Pumasok si Brandon sa klase at nakita nyang gulong gulo ang mga silya ngunit may napansin sya. Hindi magkasama si Andrea at Renan. Kasama ni Andrea si Diana, ang best friend nya na hindi nya pinahahalagahan noong sila pa ni Renan. May hinahanap siya, ngunit hindi nya ito makita. Hanap siya ng hanap. Ang gulo nga naman kasi ng classroom. Pano nya naman makikita. Hinayaan na lamang nya ito at umupo sa upuan. Naglakad sya papunta ng upuan nya, kalmadong kalmado nang may bumangga sa kanya
"Ay, sorry" paumanhin ni Brandon
Lumingon yung nabangga at sinabing "Sorry. Ang harot din kasi namin eh. Hehe"
Napatulala nalamang si Brandon dahil si John pala ang nabangga nya. Kahit si John din nabigla
".... ah, sorry ulit. sige sige" sabi ni Brandon. Sa lahat nga naman ng tao oh, bakit sya pa?! Nak ng...
Ayun. Hindi din dumating yung prof. Nag-alisan na ang lahat. Maliban kay John at Renan na naiwan sa loob na nag-uusap
"Renan! Tara na pare!" aya ni Jordan
"Sa susunod nalang dre. Sasamahan ko pa to"
"Sus, ikaw ah? Oi John, nababakla na ata to sayo eh! Hahaha!"
Baka baliktad? "Kami naman eh! Bakit ba!" biro ni John
"Ay, oo nga. Sorry naman. Sige, mauna na ko. Maglampungan na kayo dyan pare!" at tuluyan nang nagpaalam si Jordan
"Lampungan daw? Inggit lang yun! Hehe" sabi ni Renan
"Onga, oh bakit nga ba ako pinagstay dito?"
"Wala naman..."
"Oh, edi tara na" kinuha ni John ang bag nya ngunit pinigilan siya ni Renan
"Wait lang."
"Oh ano?" tanong ni Renan "Teka, teka. Magdadrama ka nanaman ba?"
"Hindi namaaaan! Haha! Masaya nga akong kasama ka eh"
Kilig, kilig. HAHA! "Ako nga ba o si Andrea? Hahaha. Teka, ano yung sasabihin mo?"
"Ano..."
"Bahala ka aalis na ko" pumiglas si John at nagtangkang umalis.
Hinawakan ni Renan ang kamay ni John "Bebs... wait lang po please"
Pasalamat ka hindi kita matiis! "Ano nga? Gusto ko na umuwi beeebs!" nagpout pa ito
"Ano kasi...."
"Ano?!"
"Pwede bang..."
"Pwede bang?" kinakabahan ata ako sa sasabihin netong mokong na to...
Shit may naiwan ako. Nagmadaling pumunta si Brandon si room nila. Naiwan nya kasi yung cellphone nya. Sana walang gumalaw nun! Tsk. Burara mo kasi Brandon! Palibhasa...
"Ikaw muna yung maging Andrea ko?"
Hindi ito yung inaasahan ko. "Ano?"
"Yung tipong ikaw kasama ko" hinawakan ni Renan yung kamay ni John "yung lagi kong pupuntahan at sasamahan. Ok lang po ba?" nginitian ni Renan si John at nagpacute
"Hahahaha!"
"Hindi ko ibig sabihin na ikaw yung magiging --"
Papasok na sa kwarto si Brandon. Dumudungaw sya sa salamin at nakitang magkasama yung dalawa si room kaya dinahandahan nya ang pagpasok sa kwarto.
"Boyfriend ko. Gets?"
"Opo"
"Thank you bebs" hinalikan ni Renan si John sa cheeks.
Medyo napangiti si John sa ginawa ni Renan "Kelangan talaga may ganun?"
Tumayo na sa silya si Renan at inakbayan si John "Onaman. Hahaha!"
Palabas na sila nang makitang papasok si Brandon.
"Oh, Brandon? Bakit ka andito?" tanong ni Renan
"Wala. May naiwan lang" iritable ni Brandon sinabi
"Bad mood ka ata pre?"
"Wag mo na nga lang akong pakielaman!"
Bakit naman to badtrip? Tsss... nakakainis talaga tong lalaking to. Hindi naman sa bitter ako pero. Basta! "Tara na Renan" bulong ni John
Nagpaalam si Renan kay Brandon at hindi nya ito pinansin. Lumabas silang dalawa sa kwarto ng magkaakbay.
"Asan na yung cellphone ko?" hinanap ito nang hinanap ni Brandon at hindi niya ito makita. "Peste!" nagdabog si Brandon sa silid. Galit na galit. Akala mo namatayan ng kamag-anak.
Sinipa nya ang upuan, hinagis ito, tulak ang lamesa. Lahat na ng nakita nya.
Umuwi na si Renan at John. Sumakay sila ng jeep at si Renan na ang nagbayad ng pamasahe nila. Ang galate ng mokong no? Wala naman sila pinag-usapan na mahalaga. Puro kalokohan at kasiyahan lang. Malaking tuwa ang nadarama ni John noong oras na yon dahil nakikita nyang nakangiti itong si Renan. Halatang masayang masaya siya. Hindi rin nya alam kung bakit. Hindi sya umaasang magkakagusto rin sya sa kanya pero masayang masaya na siya.
Nang makauwi na siya, inayos na nya ang gamit nya at hinugasan yung baunan nya.
"Oh nakangiti ka ata ngayon kuya?" tanong ni Cleave
"Eh, wala. Haha! Teka, si Mama?"
"Wala pa si Tita eh. Oh, dali na kuya! Kwento na!!!" hinatak ni Cleave si John at dinala sa kwarto.
"Yan, para private! Hahaha!"
"Magkaedad tayo bunso. Siguro naman may idea ka bakit ako ganito"
Sumimangot bigla si Cleave "Hay nako kuya, dahil kay Renan nanaman ba yan? Mas boto ako kay Brandon!"
Nagkwentuhan ang dalawa. Nilahad na din ni John ang buong storya.
"Peste!" sabay hagis ng upuan.
*crack*
"Ano yun?" nakita nya ang cellphone. Nabasag ang LCD dahil rin sa kagagawan nya. Napagtanto ni Brandon na siya rin mismo ang sumisira sa buhay niya. Hindi nya na alam kung ano ang gagawin nya. Hindi rin nya alam kung bakit sya nagkakaganito. Pinulot nya ang kanyang cellphone. May nakita syang papel sa likod. Nagtaka sya kung ano ang laman nito. Luma na ito tignan. Madumi dumi na rin, punit punit pa. Wag na nga lang. Matapon nalang to.
Lumabas na si Brandon, itatapon na sana ito sa basurahan ngunit hindi nya alam pero binuksan padin nya yung maliit na papel na iyon.
Nagulat sya sa nakasulat dito. Ang nakalagay ay:
"Love ko, bakit nagkakaganyan ka? Kalma lang ha. I love you!"
Tulala na lamang si Brandon. Walang imik.