April 13, 2011
"Dre! Nood tayo sine!" aya ni Brandon
"Kain muna! Sayang punta natin sa mall oh!" sabay tawa ni John
"Mas sayang kaya yung di manuod ng sine!"
"Eeeeh! Haba ng pila oh!"
"Sige na! Please?" makaawa ni Brandon
"Eeeeeeeeh!"
"Libre kita"
Nanlaki mata ni John at napangiti "Game!"
"Hahahaha! Sabi na nga ba di ka makakatiis ni libre eh"
Naglakad na ang dalawa at pumunta sa sinehan. sa Cinema 2. Pinanood nila ang The Notebook. Ito panoorin ni John, kaso libre. Sayang naman. Kaya pinagtiyagaan nya na. Para din naman sa kaibigan nya eh.
"Di ko aakalaing gusto mo manuod neto Brandon! Drama mo!" sabi ni John
"Sssssh! Bawal maingay sa sine" sita ni Brandon
"Opoooo" bulong ni John sabay patong ng mukha nya sa kanyang kanang kamay na halatang naiinip na
Matapos ang ilang minuto at napansin na ni Brandon na naiinip na ito.
"Dre, wag kang ganyan! Yang gesture na yan, pang bored eh. Yung nakapatong yung mukha sa palad ng kamay. Ganyan na ganyan!"
"Kaya nga. BORED nga eh!"
Dahan dahang tinabig ni Brandon ang kamay ni John at nagpatuloy sa panunuod ng pelikula. Matapos uli ang ilang minuto, ginawa ulit ni John ang gesture na iyon.
"Dre, wag mo na nga gawin yan eeeeh!" angil ni Brandon
"Eeeeeh!" sagot ni John
Muli, dahan dahan itong tinabig ni Brandon at nanuod ng pelikula. Habang nanunuod, inisip nya "Mangyayari din kaya ito sakin? Tipong, may magmamahal din sakin ng ganyan, na kahit kalimutan ko, kahit hindi ko maalala, mamahalin padin ako ng tapat?" nawala sya sa pagmumuni-muni nang makita ulit ang gesture ni John
"John naman eh!" sabi ni Brandon
"Eh! Kasi naman eh"
"Kapag di mo tinigil yan, bahala ka!"
"Bahala talaga ako!"
"Ah ganon?" kinuha ni Brandon ang kamay nito at hinawakan "Yan! Nang matigil ka na"
Napatulala nalang si John sa ginawa ni Brandon.
Hinawakan ni Brandon ang kamay ni John hanggang sa dulo ng pelikula dahil sa irita ni Brandon, samantalang si John ay natuwa sa ginawa ni Brandon. Parang ito daw yung sinasabi nilang "spark" ngunit, di ito pinansin ni John at nanatiling naiinip
"Oh! Maganda naman diba?" tanong ni Brandon
"Yung ano?"
"Yung pelikula"
"Di ko naman pinanuod ng husto eh"
"Ano ba yan! Ang galing kaya nila umarte!"
"Kahit ba"
"Bakit ba kasi naiinip ka?"
"Boring kasi"
"Parang ikaw?" tukso ni Brandon
"Oy hindi ah! Hahaha!"
"Eh bakit?"
"Kasi nakahawak kamay mo sakin" bulong ni John
"Ha?"
"Sabi ko kasi nakahawak ako sa pagkain"
"May pagkain?! Di mo man lang ako binigyan! Di ko namalayan! Ano ba yan!"
"Oo kaya"
"Bumili ka?"
"Oo"
"Bakit di ko napansin?"
"Kasi busy ka sa movie!"
"Ay, oo nga naman
"Buti uto-uto tong si Brandon. Hehehehe!"
Maaga aga pa naman may dala si John na camera, nag-ikot ang dalawa sa Mall, kumain. Syempre, kanina pa atat si John. Sa Jollibee sila kumain. Favorite ni John eh. Burger Steak. Yun lang daw habol nya at sa oras na iyon, si Brandon naman ang walang makain. Habang kumakain "Picture!" Nagpunta sila ng Quantum, pero si John lang naglaro. Habang naglalaro "Picture!" Namili sila ng damit pero si Brandon lang namili. Habang namimili "Picture!" Nagkaraoke sila, pero si John lang kumanta. Habang kumakanta "Picture!" May poster ng idol ni Brandon. MCR. "Picture tayo dun!" Ang galing noh? Salungat na salungat ang dalawang binata pero di nagagawang paghiwalayin
"Mauna na ko ha?" paalam ni John
"Hatid na kita"
Parang natuwa si John sa sinabi nya. Napa-SMS sya (Slow-Motion Smile) "Malaki na ko"
"Sus, di mo nga kaya sarili mo eh. Sige na!"
"Bakit ba?"
"Ayaw ko pa umuwi eh"
"Baka hinahanap ka na ng magulang mo! Uwi na! Uwi!"
"Ito naman, para akong aso"
"Anung parang aso? Talagang aso"
"Hahahaha! Sige na nga. Bye! Ingat"
"Ingat" sabi ni John "Hug ko?"
"Anung hug ka dyan!"
"Sige na"
"Ayaw"
"Sige na doggie! Hug na! Hahaha!"
"Psssh. Oo na!" niyakap ni Brandon si John ng mahigpit "Kapag tinawag mo kong doggie wala ka nang makukuhang hug sakin"
"Hahahahaha! Opo! Bye! Ingaaaat!"
"Sige! Ingat!" paalam ni Brandon