"Good morning John :D" text ni Brandon ng mga alas dyis ng umaga
Ang aga aga nanggugulo na kagad to tsk. Di ko nga replyan. Ano bang meron sa kanya? Nakakapagtaka. Pero nakakatuwa...
Matapos kumain ng almusal. Nangulit ulit si Brandon
"Di nagreply..."
Ano ba yan! Drama drama! Tsk. Replyan na nga
"Oh bakit?" reply ni John
"Kita kits tayo nila Andrea at Renan bukas"
"Next week nalang!"
"Sige! :D"
April 20, 2011
"Renaaaaaaaan!" sigaw ni John
"Ang ingay mo naman!" sagot ni Renan habang papasok sa mall
"Paki mo ba! Hahaha!"
"Papasok palang sa mall eh! Ingay ingay talaga neto!"
"Di ka pa nasanay!"
"Hahahaha! Asan na nga ba yung iba?"
"Papunta na yun!
"Sure ka? Bakasyon ngayon dre! Tulog pa yung mga yun!" biro ni Renan
"Che! Hahahaha!"
"Sabi ko sa tapat sila ng Mango pumunta eh. Hintayin nalang natin" sabay tanaw sa paligid si Renan
"Anong oras na ba? Baka maaga pa!"
"Teka! Ayun! Si Brandon!"
"Ha? Saan? Di ko makita"
"Ayun oh!"
"Ah, yung papalapit? Kasama ata si Andrea!"
"Ay! Oo nga dre! Hahaha! Di rin tayo naghintay ng matagal"
"Oo nga naman"
Nagkita na din ang apat
"John!"
"Brandon!"
"John!"
"Brandon"
"Jo-"
"RENAN!" sigaw ni Renan sa sarili nya "Hahahaha! Parang kayong dalawa lang kasi magkausap eh"
"Oo nga naman" komento ni Andrea
"Hahahaha! Natuwa lang ako" depensa ni Brandon "Oh, tara, san tayo?"
"Hmm... San nyo ba gusto?" tanong ni John
"Tanong mo yung nag-aya" sagot ni Renan
"Tama! Siya ang may pakana nito!" dagdag ni Andrea
"Laro muna tayo" sabi ni Brandon "Hahaha! Parang bata eh no?"
"Saan? Quantum tayo! Dali! Hanggang maaga pa!" aya ni John
"Gusto pala ni John eeeh! Tara" sabi ni Brandon
"Hahahaha! Edi tara" dagdag ni Renan
Habang naglalakad papuntang Quantum
"Uy oh! Sale daw! Tomato!" banggit ni Andrea
"Eh! Laro muna!" sagot ni John
"Eh sale eh!"
"Laro!"
"Sale!"
"Laro!"
"Oo na, mamaya na nga. Kapag yung mahaba ang mila. Patay ka sakin John!"
