Agad agad tinawagan ni John si Renan at tinanong kung anong nangyari at bakit naghihintay si Renan ng oras kung kelan pwedeng siya'y tumawag.
To: Renan
Sige na po. Tawag ka na po
10/29/12 3:50pm
Malipas ang ilang segundo, agad namang tumawag si Renan.
Walang narinig si John kundi hagulgol
"Huy, anung nangyari?" nag-aalalang tanong ni John
Nanahimik saglit si Renan "Hindi ko na alam gagawin ko"
"Ha?"
pagalit ni Renan na sinabi "Hindi ko na alam!"
"Teka, hinay lang. Ui."
"Ayaw na kasi nya akong kausapin!"
"Ni Andrea?"
"Sino pa ba?"
"Bakit nanaman?"
"Ang childish ko daw kasi masyado."
"Yun lang?"
"Tsaka ang dikit ko na daw masyado"
Ay, oo nga. May pinapabilin pala si Andrea "Sa totoo lang, napansin ko din naman..."
Napatahimik ng kaonti si Renan "Ha...?"
"Kasi naman, hindi kayo diba? Magkaibigan lang kayo pero bakit ganyan ka makadikit?"
"Eh..."
"Eh ano? Rumespeto ka kasi sana."
"Gusto ko padin kasi maging kami..."
"Tapos iiyak iyak ka ng ganyan ikaw din may sala bakit siya nagalit"
"...."
Bakit di nalang kasi ako? "Bakit di nalang kasi pumirmi ka sa isang lugar at tulungan mo sarili mo."
"Ang hirap..."
"Lahat ng tao nahihirapan? Anong gusto mo puro ka pasarap? Yan problema sayo. Gusto mo, lahat ng gusto mo nasusunod. Di mo na iniisip nararamdaman ng ibang tao!"
"Ang sakit naman nun..."
Napasobra ata ako "Sinasabi ko lang ang totoo."
"... sige na beb, salamat."
"Ui wag ka magtampo..."
"Hindi naman po... sige na po. Bye na. Thank you"
"Ge po. Bye"
Binaba ni John yung phone. Tumingin sya sa likod para silipin si Cleave ngunit nadatnan nya itong nakaupo't nakatingin sa kanya na tila nagtataka
"Ano yan kuya?" tanong ni Cleave
"Ay, nagising ba kita? Sorry!"
"Oo. Ingay mo kase" nagpout si Cleave "Joke lang. Nagising lang talaga ako bigla"
"Narinig mo yung pinag-uusapan namin?"
"70%"
"Oh."
"Ano yun? Sino yung Renan?
Nagkwento si John kay Cleave. Nilahad nya yung buong storya sa kanya
"Hindi sya deserving sayo."
"Hindi naman sa ganun pero..."
"Pero ano? Nagpapaabuso ka naman? Hay nako kuya. Inutil ka talaga forever!"
"Grabe to!"
"Haha! Joke lang. Pero, totoo. Hindi mo naman siguro kailangan magpakatanga para lang maparamdam sa tao yung pagmamahal mo"
"Hay... sa bagay... pero kasi..."
"Hay nako. Puro ka pero" tumayo si Cleave. "Kumain nalang tayo baka sakaling gumanda mood mo"
"Maayos naman ako ah?"
Hinatak ni Cleave si John "Eh para sakin hindi! Tara"
Best friends, they never let you down "Ok. Fiiiine!"
Samantala...
Sa bahay nila Brandon
"Andrea, tama desisyon mong makipaghiwalay dun" sabi ni Brandon kay Andrea
Galit na galit si Andrea "Kaya nga eh! Alam mo yung hindi ko na alam kung anung gagawin ko dun. Parang tanga lang kasi. Sinabi ko na friends lang pero bakit ganyan sya?"
"Tinutularan mo kasi."
"Eh kapag pinalayo ko magtatampo tapos magkekwento"
"Oh ano naman?"
"Nagmumukha na kasi akong masama Brandon"
"Teka malolowbat na ako Andrea. Sa susunod nalang ulit."
"Sige. Salamat ha. Buti ka pa nandyan palagi"
"Walang anuman"
"Si John kasi, hindi ko alam kung kanino ba pumapanig?"
"Bakit nasama sya sa usapan?"
"Ha?"
"Wala, sige. Bye na"
"Sige sige. Bye"
Naalala nanaman ni Brandon si John. Naalala nanaman nya yung nakaraan.
Tsk. Pesteng Andrea yan. Pinaalala pa sya sakin... Mahal ko pa ba si John? Mahal ko pa nga ba?