Chapter 9

227 4 2
                                    

Dear John,

Salamat sa lahat. Alam mo John, isa ka sa mga taong kilalang kilala na ako. Isa ka sa mga taong nagpaka-open ako. Ever since nung nagkakilala tayo, you gave my world a new meaning. You gave me something more than what I was hoping for, and that was love. I felt your love from the very beginning up to now and I can't thank you enough... Sadyang, maybe we were meant to fall in love together but not meant to be together... I know it's hard to explain, pero baka nga nung mga times na naging tayo kinailangan ko lang ng may kakalinga sakin and I was blinded by what I perceived as love. Now, I realized na maybe nga it was just infatuation... Di ko matanggap ang kinahatnan nating dalawa ngayon, di ko matanggap na naging tayo. I'm sorry... At least, what I know is true, is that I truly cared for you... as a friend. Nothing more, nothing less. I know it hurts but it's better to break it up to you rather to keep you hanging. I'm so sorry... I have one request... Sana wag mo ipagsabi ito sa mga kaibigan natin ha... Maghihiwalay muna tayo ng landas... Until then...

Brandon

Pumatak na lamang ang luha sa mata ko na parang wala ang nanay ko sa harapan ko

"Oh anak? Bakit?" tanong ng ina ni John

Di nalang nakasagot si John at tinago ang liham na binigay sa kanya. Pinikit na lamang nya ang kanyang mata at kinausap ang kanyang sarili

Hindi nga talaga nya ako minahal... Bakit? Bakit nya pa pinaabot sa ganito? Bakit nya pa pinagpatuloy? Bakit? Bakit hindi nalang dati pa? Bakit hindi bago pa sabihin ni Kate? Bakit? Bakit?! Hindi ko na din maintindihan eh... Sa lahat ba ng bagay kailangan ako talo? Ako laging iniiwan? Ako laging pinapalitan?! Nakakasawa na!

Natapos ang buong bakasyon na hindi sila nag-uusap. Ni contact sa FB, YM, text at kung ano pang form ng pag-uusap ay wala. Hindi na lamang alam ni John alam kung paano nya kinaya ang mga araw na iyon, pero alam nyang wala na siyang magagawa. Alam nyang hindi na talaga sya babalik sa kanya. 

June 7, 2012

Sa loob ng kanilang silid aralan noong umaga:

"Kaya nga eh! Kilala mo naman yun, pasaway!" banggit ni Kate

"Oo nga eh! Hindi na nadala! Hahaha!" sagot ni Andrea

"Mauna na ko ha! May klase pa ko sa kabilang building! Ciao!" paalam ni Kate

"Di na baleng mauna kang hayop ka..." isip ni John

"Sige!" sagot ni Andrea "John, ang tahimik mo ata?"

"Wala"

"Di ka ba nakapag-enervon?"

"Nakainom naman"

"Oh bakit ganyan ka?"

"Wala"

"Ah ayaw mo talaga magsalita?" tinawag ni Andrea si Renan "HOY RENAN!"

Lumingon si Renan at tinanong "Oh bakit?" 

"Pumunta ka dito! Ngayon na!"

Dumaan si Renan sa pagitan ng mga upuang monoblock "Oh, bakit?"

"Itong boypren mo ang tahimik!"

"Aw, bakit? May problema ba bebs ko?"

FLASHBACK 

Noong First year pa lamang si Renan at John, magkaklase na sila. Si Renan ay sadyang palabiro na noon pa at siya'y nagbabakla baklaan na. Kilalang kilala ito sa pagpapatawa at pagbibigay ligaya sa kanilang klase, habang itong si John ay lagi lamang nakangiti ng walang dahilan. Magkaibigan na sila ni Brandon at silang dalawa na rin ang laging magkasama.  May girlfriend na si Renan at napagtripan nya itong si John. Hindi pa man din sila ganoon kaclose noon. Noong 2nd Sem nila:

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon