August 3, 2015
Alas dos na, madilim ang gabi at lahat ay mahimbing na natutulog, maliban nalang sa isang bahay sa Quezon City. "Asan kaya sila nakatira dito?" sabi ng isang binatang nagmimistulang may hinahanap
"Ayun! Nagpakita na din! Di ko aakalaing andito lang pala kayo nakatira"
Pumasok ang binata sa bahay. Mukhang malakas ang buenas kaya nakalimutan ng amo ilock yung pinto. Dahan-dahan syang pumasok sa bahay. Nang sya ay makapasok, di nya malaman kung saan sya pupunta. Madilim. Wala syang makita. Kung bubuksan nya yung ilaw, baka mapagkamalan syang magnanakaw, kaya pinagtiisan nalang nyang madilim at nagtiyaga syang maghanap. Nung tinignan nya ng pangkabuuan ang bahay, katamtaman lang ang laki. Bungalo house lang. May tatlong kwarto. At malamang sa malamang, nasa sala sya. May maliit na Sony TV sa gitna. Mga sofa galing ng SM. Yung kulay itim. At may isang coffee table sa gitna. "Ah, dalawa palang pala sila. Wala pang pamilya. Ayos to."
Matapos nyang tignan ang sala, pinasok nya ang unang pintuan. Dining room at kitchen pala nila. Nakatiles. May isang table for four sa gitna. As usual, may gasul, lababo, at kung ano ano pa. Lumabas sya at pinasok yung ikalawang pinto. CR pala to. Agad agad na syang pumunta sa ikatlong pinto at nakita nyang nakahiga sa isang King Sized bed ang isang babae. "Andyan ka lang pala eh" sabi ng binata na mistulang napangiti. "Wala ata yung isa pa? Siguro umalis". Wala nang isip isip at nilapitan nya na ang dalaga. Tinitigan nya ito at dahan dahang nilapit ang mukha nito sa mukha nya. At binulong sa kanya "sabi sayo eh. magbabalik ako, magsisisi ka sa ginawa mo". Nilabas nya na ang kanyang kutsilyo. Itinaas ito at handa nang saksakin ang babae na nasa kanyang harapan. Biglang nagising yung babae. Pero huli na. Isang malakas na sigaw na lamang ang kanyang naibitaw matapos ang kanyang huling hininga. "Kahit kelan talaga mabunganga ka noh?" sabi ng binatang duguduguan.
Narinig ito ng asawa ng babae na nasa kabilang kalye lamang "Jobelle? Sigaw ni Jobelle yun ah?" agad agad syang tumakbo papunta sa kanilang bahay. Di nya na alam kung anung gagawin nya matapos nyang marinig itong sumigaw. Kung may ipis at daga lang o may nangyari nang masama. Tumakbo sya. Nakita nyang nakasara ang pinto. May kaonting ginhawa syang naramdaman, ngunit, nang pumasok sya "Nakalimutan kong ilock yung pinto!" "Jo?! Gising ka ba?! Jo?!" umaasang mahimbing itong natutulog. Di na nya nabuksan ang ilaw sa sobrang pag-aalala. Pumunta na sya sa kanilang kwarto at nakitang nakapikit si Jobelle "Nanaginip lang pala tong misis ko eh" Humiga ang lalaki sa tabi nya at niyakap nito nang may naramdamang basa "Jobelle? Basa ka" di gumising si Jobelle kahit anong salita ni mister sa kanya "Jobelle? Uy, gising, magpalit ka nga" hindi na natiis ng mister at binuksan ang ilaw at kinuhanan nya sya ng pamalit. Pagtalikod nya, nakita nya nang duguan ang asawa nya.
April 2, 2011
"2nd year college na ko! Wooo!" sabi ni John.
"Ako din naman! Hahahahaha!" sabi ni Brandon
"Edi 2nd year college na tayo! Hahaha!"
"Parang ang hirap mag2nd year eh noh?"
"Di naman, masarap lang magpakabaliw. Tara dali kain tayo Brandon!"
"Sure" sagot ni Brandon na ngiting ngiti