Chapter 8

244 4 2
                                    

Dahil sa akin?...

Dumarami na ang tao na pumapaligid sa kanila. Lahat nagtataka at nag-bubulungan. Dumating ang gwardiya ng Trinoma at agad silang tinulungan. Pinatabi niya ang mga tsismoso at tsismosang tao na nasa paligid at dahan dahan nila ni Brandon binubuhat si John papunta sa First Aid center sa Trinoma.

"Bakit nagkaganito itong kaibigan mo?" tanong ng gwardiya habang sila ay dumadaan sa dagat ng tao

"Sa totoo nga po hindi ko din po alam" bumwelo si Brandon para mabuhat ng maayos si John "Kasi po magkikita kami ngayon, tapos wala naman po siyang dinadaing sa akin. Tapos bigla pong ayun. Bagsak sya bigla."

"Ayan nga oh, magang maga yung binti nya. Pati tuloy siya nakatulog"

"Oo nga po eh, saan po ba yung First Aid dito?"

"Doon pa sa opisina" habang sila'y naglalakad sumigaw ang gwardiya "Pakiusap lang po! Padaanin ninyo kami! Injured ang batang buhat namen." at parang dagat na nahawi ang mga taong namimili sa Trinoma

"Kamalas malasan nyo nga naman, kung kailan pa sale. Ang hirap dumaan"

"Excuse us po" pakiusap ni Brandon sa kaharap nya "Oo nga po eh"

"Teka, kamag-anak mo ba ito?" 

"Hindi po eh" paparating na sila sa elevator

"Eh ano mo sya?"

Boyfriend ko po... "Matalik na kaibigan lang po" bumukas na ang elevator at sila ay pumasok

"Ah. Sige sige, ipapatingin natin ito dyan sa medic natin sa taas para malaman kung dapat ba syang ipadala sa ospital" nagsara na ang pinto ng elevator

"Ay, oo nga pala, kokontakin ko pa magulang niya!" umakyat ng dalawang palapag ang elevator at agad niyang tinawagan ang nanay ni John

"Nandoon lang kami sa loob ng Appliances, puntahan mo nalang kami doon sa opisina sa loob ha? Sabihin mo kasama mo itong nainjure"

"Sige po. Salamat" nagriring na ang telepono.

Pano ko ito ipapaliwanag sa magulang nya? Tsk. Nakakainis ka naman John! Ang gulo na nga ng buhay natin ginulo mo pa! Nakakainis kung hindi lang kita...

"Hello? Hello? Sino to?" sabi ng tinig sa telepono

"Ay, sorry po, si Brandon po ito tita"

"Oh, bakit Brandon wala pa ba si John?

"Ah, eh, andito po kami sa medic nila. Namamaga po binti ni John"

"Ha?! O sige sige, pupunta na ako."

"Sige po"

"Salamat ha? Alagaan mo lang yang bestfriend mo dyan."

Best... Friend...

"Sige po. Bye" binaba na ni Brandon ang telepono at pinuntahan na si John.  Pagpasok sa kwarto, nakita niya itong nakahiga. Agad syang sinabihan ng medic doon na dalhin siya sa ospital para ma-examine, hindi kasi nila matukoy kung malala ba ang sinapit ni Brandon dahil kulang sila sa kagamitan dahil pang mga minor na sugat at disgrasya lang ang mga meron sila. Onti onti nang nataranta si Brandon, hindi alam kung anung gagawin. Naalala na lamang niya nung una silang nagkita noong 3rd Year High School

Naglalakad si Brandon papuntang silid-aralan nang madapa si John na mukhang nagmamadali. Kumalat ang mga gamit ni John sa lapag

"Sorry" wika ni Brandon habang pinupulot ang gamit ni John

"Sorry, pasensya na, malelate na ako eh"

Binigay na ni Brandon ang gamit ni John sa kanya

"Salamat ah?":

"Walang anuman!"

Naglakad nang mabilis itong si John dahil lalo syang nalelate sa bawat segundong lumilipas. Tinignan na lamang ni Brandon ang binatang paalis. Habang siya ang papunta na din sa kanya sa kanyang klase, napansin nyang may bubble gum sa paa nya "Tsk, ano ba yaaaaan!" tinanggal nya ito at may nakita syang 2x2 picture na nakadikit dito. Kinuha nya ito at tinitigan. "Hmm... sino to?"

SImula noong araw na iyon sinubukan nyang hanapin kung sino ito, at dahil nga naman sa kapalaran, nalaman niyang ito ay si John. Napaisip tuloy siya kung ibabalik nya ba ito o itatago. "Itatago ko ba to? Para naman akong tanga... Eh kung ibabalik ko?... Mag-aabala pa kong hanapin sya." Nag-isip muna nang malalim itong si Brandon bago siya nakarating sa desisyong ibalik ito. Simula noon, naging magkaibigan na sila

"At hindi ko aakalaing magiging ganto ang kahahatnan namin..." wiki ni Brandon

"Ano po sir?" tanong ng Medic

"Ah, wala, wala. Kailan nyo po siya imomobilize?"

"As soon as possible po sana kaso wala pa po yung guardian nya eh"

"Ah ganoon ba..."

Wala na lamang magawa si Brandon kundi tignan ang mukha ni John na nasasaktan. Ganyan din kaya ang nararamdaman ng kanyang puso? Ganyan din kaya ang kanyang dinadamdam?... Pasensya na talaga John... di ko na din kasi kaya... di ko na alam... Hay...

Dumating na ang nanay ni John at pinag-usapan nila na sa Capitol nalang siya dalhin. Sumama ni Brandon sa biyahe kasama ang kanyang pamilya. Maraming tanong ang binitawan ng pamilya ni John ngunit hindi nila sinisisi o dinidiin si Brandon dahil para na rin nila itong kapamilya. Mga 25 minuto lang ang biyahe, sa loob ng oras na iyon, nakapag-isip isip din si Brandon ng gagawin matapos nito. Ng gagawin nya para sa kanilang dalawa. 

Nang makarating sila sa ospital, hinintay na lamang ni Brandon na mailagay si John sa kanyang kwarto at nag-iwan ng liham para sa kanya.

Umalis ni si Brandon bago pa magkaroon ng malay si John at sinabing

"I'm sorry..."

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon