Chapter 5

286 2 0
                                    

June 12, 2011

Nagsimula na ulit ang pasukan sa mga paaralan ng Pilipinas. Umaasang ito'y mapatagal pa, wala silang magawa. Sadyang gusto na ng DepEd mag-aral na sila. Papunta si Brandon at John sa kanilang kolehiyo. 2nd year na sila.

"Pasukan naaaaaaa! Ano ba yan!" sabi ni John habang nasa daan

"Oo nga eh, parang kelan lang"

"Yun na nga eh! Parang kelan lang! Nakakabwisiiiiit! Hmph"

"Oo nga eh, parang kelan lang, tayo na" sagot ni Brandon

Napangiti si John "Che! Nambobola ka nanaman eh!"

"Eh totoo naman ah? Hahahaha! Sabihin mo kinikilig ka lang!"

"Kasi naman, sino bang hindi kikiligin sayo! Hahaha!"

Nagdadaldalan ang dalawa habang papasok sa kanilang silid aralan, kwentuhan, at kulitan. Napaisip nga si John. "Sana, lagi nalang ganito, yung walang iniintindi, masaya. Sana magkatotoo yung sa pelikula na napanood namin na Brandon. Sana ganun din kame. Magmahalan habang buhay" . Sa ingay nilang dalawa, di nila napansin nalagpasan na nila ang silid aralan

"Hay nako Brandon! Ang daldal mo kasi! Lumagpas tuloy tayo, buti maaga tayo pumasok"

"Eeeeeh!"

"Eeeh ano?"

"Masama bang gusto kita kausap?" patampo effect si Brandon

Naapektuhan naman si John "Hindi!!! Hindi naman, joke lang"

"Hahahahahahaha! Lagi kang nauuto dun! Bleh!"

"Ang cute mo kasi eeeh" sabi ni John "Kainis!"

Biglang may sumabat "Sinong nakakainis?"

"Parang kilala ko yang boses na yan ah?" lumingon si John sa likod at nakita nya ang kanyang matalik na kaibigan

"Daaaaaaddy!!!!!" sigaw ni John sabay yakap

"Oh, kamusta na anak?"

Nakaramdam ng kaonting selos etong si Brandon "Sino yan? Este, bakit daddy? Hindi naman si tito yan ah?"

"Ah, hindi, tatay tatayan ko yan! Hahaha! Matagal na kaming magkaibigan"

"Ako nga pala si Stephen,.Hehe. Gagraduate palang ako nang magkakilala kami"

"Yup, 4th year palang siya nun"

"Oooh. Kaya pala" mungkahi ni Brandon

"Oh, siya nga pala dad, bakit ka andito?"

"Eh, dito na ko magtatrabaho"

"Weeeh?! Hahahaha! Yaaaaay!"

"Itong si John ang ligalig!" asar ni Brandon

"Bakit ba? Hahaha! Oo nga pala dad, si Brandon to"

"Nice to meet you!" nakipagkamay si Stephen kay Brandon

"Pagpasensyahan nyo na po yang si John, bungangero eh"

"Hahahaha! Tyaka nga pala dad, boyfriend ko nga pala si Brandon"

"Ows?! Di nga?! Hahahaha! I'm so happy for you!"

Ngumiti na lamang si Brandon habang nag-uusap ang dalawa.  Tatay tatayan nya pala eh, wala naman palang masama. Onti onting naiinip si Brandon habang nagpaspasan ang mag-ama sa pagkwentuhan hanggang sa magring na ang bell

"Kita kits nalang dad!"

"Sige nak! Pasok ka na. Baka malate ka"

Pumasok na ang dalawa. Nagsimula na ang klase. Naninibago pa si John. Parang di sya sanay na nakaupo lang at nag-aaral, palibhasa, walang ginawa kundi kausapin si Brandon, halos mundo nya na si Brandon eh, laging iniisip, laging inaalala. Sweet niya noh? Binibigay lahat sa taong mahal nya. Alam nya kasi, magtatagal ito. Na hanggang sa dulo ng mundo hindi magwawakas ang ibigan nilang dalawa. 

Nagkaklase na, maingay ang kanilang section dahil galing lang sa summer. Si teacher nagagalit kasi ang ingay, dedma naman ang mga mababait na estudyante. Parang binging walang narinig. Kelangan ni John ng mataas na grade, kaya kahit ganun pa man, nakikinig padin sya sa kanyang guro. At kahit gano kagusto kausapin ni Brandon si John, wala syang magawa kundi makinig na lamang dahil naiintindihan nya yung mahal nya. 

Lunch na at kumain ang dalawa sa cafeteria kasama ang iba nilang kaibigan. Syempre, magkatabi silang dalawa. Hindi pa alam ng mga kabarkada nila. Kahit sila Andrea at Renan gusto muna nilang ilihim parang hindi kumalat sa school at sa pamilya. Noong oras na iyon, nauso ang usapang lovelife. Lima sila magkakasama sa isang table. Si Brandon, John, Andrea, Renan at Kate.

Habang kumakain "Oh, Andrea! Kamusta na lovelife mo?" tanong ni Kate

"Huh? Ah, well, yung lovelife ko, parang iPad"

"Bakit naman?"

"Kasi wala akong iPad"

"Teka teka, di ko gets" sagot ni Renan

"Slooooooooow! Hahahahaha!" komento ni John

"Wait, AH! Wala siyang iPad meaning wala syang lovelife... gets..."

"Ay hindi" sagot ni Brandon at nagtawanan ang lahat

"Eh ikaw naman Brandon? Sa gwapo mong yan, siguro may girlfriend ka na" panukso ni Kate

"Ah. Eh ---" sabay tadyak si John sa paa ni Brandon "Aray! Hinde, I mean, wala"

"Sus! Eh bakit ka umaray?"

"Naapakan ko paa ko eh. Tanga ko noh? Eh ikaw? Lovelife mo?"

"Well, sige, kung gusto nyong malaman, eto, kami na ni Kenneth"

Lahat ay nagulat "Ows? Di nga?" sagot ni Andrea

"Oo kaya! Sarap ng pakiramdam na pwede kong ipagkatiwala ko sa inyo. Wala naman kasing masama eh"

Pinapatamaan mo ba kami Kate? muni muni ni John. Nagtinginan si John at Brandon

"Kwento pa!"

Nagkwentuhan pa sila hanggang sa magring ang bell at sila ay pumasok na. Napaisip tuloy si BrandonMay masama nga ba sa relasyon naming dalawa? Bakit namin kelangan itago? Kasi alam naming madaming kokontra? Eh ano ngayon kung mahal ko sya? Eh bakit ko kelangan itagong mahal ko sya? Bakit ko nga ba siya minahal?

Matapos ang klase...

"Hatid na kita John" sabi ni Brandon

"Wag na. Oks na ko"

"Sus, sige na! Official naman na eh"

"Official na?"

"Official na na boyfriend mo ko, pagbigyan mo na ko"

Kinilig naman si John "Sige na nga"

"Hahaha! Boyfie!" 

"Che! Hahahaha!"

Nagsama ang dalawa pauwi. Kulitan, kwentuhan at lambingan. Muli nanaman napaisip si John

Sana, ganito nalang palagi. Sana 

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon