Chapter 6

284 2 0
                                        

Buong taon silang nagsaya, buong taon silang nagsama. Ang sarap sa pakiramdam ni John at Brandon na kapiling nila ang kanilang mahal sa buhay. Kahit sabihing stressed sa klase, may quality time padin sila para sa isa't isa. Kasama na dun yung bonding kasama si Renan, Andrea at Kate. Sabi nga ni John sa kanyang sarili Masaya kapag laging masaya. Totoo naman. Na inaasam nating sasaya din tayo, na liligaya din tayo. Minsan nga eh, wala na tayong inisip kundi magpakasasa sa sariling kagustuhan at interes. 

Sa loob ng isang taon na iyon, madaming nangyari. Puro magaganda. Suportado si John ng tatatay tatayan nyang si Stephen. Gay at heart din si Stephen, pero never nagkagusto ang dalawa sa isa't isa. Talagang mag-ama lang ang turingan nila. Hindi lang iyon, mas tumaas yung grades ni Brandon. Si John kasi, natural na na matalino di tulad ni Brandon, pero si Brandon, mas sumipag at mas tumaas ang grades. Inspired daw eh. Natuwa nga ang kanilang mga magulang sa performance nila sa iskwelahan. Parang bigla daw umangat yung dalawa sa klase. Na hindi alam ng magulang na silang dalawa ang pakana noon sa isa't isa. Gumanda din ang tingin ni John sa buhay. Pati na din si Brandon, simula nun, si Brandon, hindi na galit sa mga bakla. Naintindihan na nya ang pakiramdam. Pati ang magiging mapusok ng kabataan, nasabak na rin nilang dalawa. Pumayag si John, ginusto ni Brandon eh. Magtatampo daw kung hindi, edi pagbigyan. Nasa isip kasi ni John, sila na habang buhay. Parang sa loob ng isang taon, umikot ang mundo nila ng matiwasay. Na, masaya sila. Na, lahat nasa ayos. Na, nagmamahalan sila. Sa loob ng isang taon. 

Napaisip din si Brandon noong isang gabi.

"Tulog na ko love ha? Night night! :*" text ni John kay Brandon

"Sige love! :) sleepwell, dream of me! :*" reply ni Brandon

Makakatulog na din! Yes!

Pero, baka nga tama si Kate, walang itatago kung hindi masama... Masama nga ba ginagawa namin? Masama nga ba magmahalan ang dalawang lalaki? Masama nga bang ganito kami? Ginawa ng Diyos ang babae para sa lalaki. Pero bakit lalaki ako at lalaki din sya? Nasisira ba ang pagkakakalaki ko? Dapat ko pa nga bang ipagpatuloy? 

Teka, bakit ko nga ba sya minahal? Kelan nga ba simula? Hmmm... nung 4th year high school ata. Pero, ewan. Di ko din alam eh. Masiyahan kasi yang love ko. Nakakadala yung ngiti. Nakakaluwang ng loob ang pagsasalita. Siya lang naman kailangan ko eh...

Pero bakit ako nagdududa? Bakit ko nga ba tinatanong sarili ko? Mahal ko nga ba sya? Oo. Tama nga ba ginagawa ko? Ewan ko... Ang gulo! Kate kasi! Pasimuno! Bwisit... Mag-iisang taon na kami. Tapos ganito pa? Bahala na nga...

Kinalaunan, dalawang buwan nalang bago ang anniversary nila. Atat na atat na itong si John samantalang lungkot na lungkot itong si Brandon kasi hindi alam kung ano ang gagawin. Susundin nya ba ang nararamdaman? O ang naiisip nya? 

March 16, 2012

Sa bahay ni Brandon:

Nanonood si Brandon ng TV, teleserye ang pinapalabas. Mahilig si Brandon sa ganyan kahit lalaki yan. Sadyang ganyan yan. Mahilig si teleserye. Mas nakikita daw nya ang mundo sa kung paano ito nag-iisip.

*ring ring* tumutunog cellphone ni Brandon, tinignan nya. Si John nanaman. Pang sampung tawag nya na ata ito eh

"Brandon! Kausapin mo naman ako! Ui... :( Bakit ayaw mo sagutin? You've been acting weird lately. Sobrang weird. It doesn't seem right. Don't you love me anymore? Gusto mo pa ba ipagpatuloy to? :( sabihin mo lang..." text ni John

I do love you. I don't know... Haaaaay! Ang gulo. Ano ba dapat sundin ko? Ano ba?

Usapan sa TV na pinanonood ni Brandon

"Ano ba tol?! Gusto mong away! Nakakalalaki ka na ah?"

"Palibhasa kasi di mo kaya magpakalalaki!"

"Akala mo lang!"

"Edi sapakin mo ko! Wag yung hanggang salita ka lang!"

Magpakalalaki?... Paano nga ba?... Paano?

Sa bahay nila John:

Brandon sumagot ka! Brandon! Brandon! Brandon! Wala na akong sinabi kundi pangalan mo Brandon! Bakit ba kasi pinaabot mo pa sa ganito? Bakit bigla ka nawalan ng pagmamahal para sakin? Kasi gusto mo babae? Eh kung pwede lang ako maging babae, sige lang. Para sayo. Para sayo. Jusko po! Ano ba!!!

-- Malipas ang isang oras -- 

Pagulong gulong na si John. Natataranta

Brandon! Ano ba talaga? Dati ko pa yan tinatanong sayo! Ano ba talaga? Bakit mo ako hinahayaang maging ganito. Ikaw lang naman eh. Ikaw lang. Bakit ka biglang nagdoubt? Bakit? Nagkulang ba ako? Saan? Sa pagmamahal? Sa pagpapakita ng pagmamahal? Ultimo katawan ko binigay ko na! Ano pang gusto mo?! Brandon!

Gulong gulo na si John. Hindi alam kung anong gagawin. Si Brandon lang kasi ang ginawa nyang mundo. Puro Brandon, sa school Brandon, sa bahay Brandon, pati sa panaginip Brandon. Sobra nyang minahal si Brandon. Ngayon, para siyang binaliktad ng tadhana, lahat ng saya na naranasan nya, doble namang sakit ang nakuha nya.

-- Malipas ang tatlong oras --

"Meet tayo tomorrow John. 2pm sa Trinoma ha?" text ni Brandon

"Sige... love you :'(" sagot ni John

Matapos noon, sinubukan nalang ni John na tanggalin ang isip nya kay Brandon at natulog nang natulog. Na sana, paggising nya, nananaginip lang sya.

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon