Chapter 13

158 2 0
                                    

Brandon... siguro nag may kapalit ka na.

July 4, 2012

Nagsimula nanaman ang klase. Isang tipikal na araw. Ngunit tumatak padin ang ligayang nadarama ni John dahil sa biglaang lakad nila kahapon ni Renan. Siguro nga, worth it lahat. Naramdaman din naman niya na kahit papaano, isa siya sa mga nagpangiti kay Renan kahapon. 

"Okay class, yung projects nyo. Please pass it forward" utos ng guro

Sumesenyas si John kay Haile kung okay na ba yung ipapasa nyang project

"Oo, okay na yan" sigaw ni Haile.

Tumungo na lamang si John. Hindi niya agad pinasa ang project, ni-recheck nya muna ito. Hindi naman sa walang tiwala pero mainam nang sigurado. 

Sinuri nya ito ng maigi...

Parang may mali... "Ui, tungkol san nga ba ulit yung project natin?" tanong ni John sa katabi nya

"Research lang tungkol sa Apple at Mac Computers, Creators at Designers."

Parang iba to? "Sure ka ba?..."

"Oo naman."

"Sige, salamat" HALA! Iba tong ginawa ni Haile. Tungkol to sa Windows at iOS

Naramdam ng taranta itong si John. Hindi niya alam kung ipapasa nya pa ba ito o magpapalate

"Ma'am! Ilan po ang minus kapag late ipapasa?" tanong ni John

"Minus ten, so ang highest score nalang na makukuha mo is 40 out of 50"

Patay, mababa pa man din to magbigay. Ipasa na nga lang. Tsk. Ito ba ang kapalit ng saglit na ligaya?

Matapos ang subject nilang iyon, pumasok uli sa klase si John ng alas tres. Dito, kaklase nya sila Renan at may project din sila. Pero sya lang mag-isa ang gumawa. Dito, kampante si John dahil nagawa niya ito kahit individual.

July 14, 2012

Unang monthsary nila Renan at Andrea... ayun. Ako? Nganga. Chaperone lang. Pano, nagpasama ni Renan. May magagawa ba ko? Hindi ko matanggihan yung tao eh. Hirap ng ganito no? Buong araw siguro magkasama. Simula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon. Di naman siguro nakakapagod na wala akong kausap magdamag? Baka lang naman. Worth it nga ba tong lahat? Naappreciate kaya niya itong lahat?

"Salamat ah? Sinamahan mo kami" sabi ni Renan at ngumiti

"Sure, walang problema"

"Mauna na ko. Ingat"

"Sge. Ikaw din"

Umuwi si John. Pagod. Pagod dahil nakanganga magdamag. May nagtext.

Kuya. Punta ako dyan sa inyo! Siguro after two months. Nakapagpaalam ako kay Mama. Pwede ako magstay dyan sa inyo. Total kilala naman na ako nila Tita. :) hahahaha! Ingat ka dyan!

From: Bunso

07/14/12 6:02pm

Wow, kahit papaano may makakausap na ako ngayon. Thank God.

October 21, 2012

Naglalakad si John pauwi. Hinatid kasi ni Renan itong si Andrea. Patawid na sana sya nang may tumawag. 

Caller ID: Renan :)

Calling... ... ...

Sinagot ito agad ni John.

"Oh bakit?"

Umiiyak si Renan sa kabilang linya "Si..."

Nag-alala si John, napaisip kung anong nangyari kay Renan "Anong nangyari?

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon