November 24, 2013
Nakahiga si John sa kwarto, nakatingin lamang sa dingding. Di mawari kung ano ang gagawin. Lutang ang diwa niya. Dulat siguro ng bagong gising. Mga alas otso palang nun.
Biglang may nagtext kay John, "John! Laro daw tayo ngayon ng Volleyball. Wala namang pasok eh. Mga 2 ng hapon. G ka ba?" nagreply si John "Sige Greg, sama."
Makikita ko nanaman siya. Medyo nabuhayan si John. Nagsimula na siyang gumalaw galaw sa kwarto. Naglinis na ng kwarto. Inayos yung kama at pumunta na agad sa hapag kainan.
"Hi Mommy! Good morniiing!" sabi ni John na nag-uumapaw sa ngiti.
"Oh anong meron anak? Bakit parang maganda ata gising mo?"
"Wala naman Ma, sakto lang. Di lang masamang ngumiti paminsan minsan diba?"
"Oo nga eh, napansin ko kasing malungkot ka noong nakaraang araw anak"
"Hahahaha! Ma, wala yun. Tara kain!"
Kumain ang mag-ina habang nagkekwentuhan. Matagal na din silang di pa nag-uusap ng ganto. Madami na kasi masyadong dinadam si John itong mga nakaraang buwan. Matapos kumain, agad naligo si John at nag-ayos ng gamit para sa laro. Alas dose palang nun pero handang handa na siya umalis.
Lumpias ang trenta minutos, nagpasya na si John na umalis at pumunta sa covered court. Malapit lang naman eh. Mga 15 minutes lang ang biyahe pag nilakad. Lumalakad nalang siya ng kusa. Di nya din alam kung bakit siya nagmamadali. Naglalakad si John, patawid siya nang biglang nag go bigla yung stoplight. Humarurot ang mga kotse at bigla siyang napaatras. Bakit naman kasi biglang nag go. Nang umilaw na ang red na ilaw, nagsimula na siyang tumawid. Maraming siyang nakikita sa daan. Mga kainan, na nakakagutom. Mga magkakabarkada, na nagkukulitan. Mga magnobyo... na nagmamahalan.
Natanaw niya na ang court. Tinignan nya ang oras at ala una palang. May isang oras pa, pero tinignan na niya kung may tao. Pumasok siya sa covered court. Mukhang wala pang tao. Tumingin siya sa kanan at kaliwa, wala siyang nakita. Lalabas na sana siya nang makita niya yung cute na matangkad. Nagtetext. Ang cute. Ang cuute. Ngunit hindi niya pinansin, at nagkunwaring umalis nalang.
"Uy!" tawag ni cute kay John
Napailing si John, tumalikod at lumingon "Hi."
"Hello!" nginitian niya si John. "Anong pangalan mo?"
"John po! Ikaw po ba?"
"Pete. Maglalaro ka din ba later?"
"Opo. Hehe"
"Nakalaro na kita before right?" tanong ni Pete kay John
"Opo! Nung sa field? Hehe. Labas lang po ako. May bibilhin lang"
"Sure sure. Ingat ka!" at nagpaalam na si Pete
Shit. Shit. Shit. Kinausap nya kooooo! Tuwang tuwa si John sa naganap. Nakausap niya siya. At nakilala pa. Siguro abot langit ang ngiti nya. Bumili muna siya ng tubig sa labas. Pagbalik niya, nagsimula nang magdatingan yung mga tao.
"John! Tara laro na!" anyaya ni Greg.
Naglaro sila ng volleyball simula alas dos hanggang alas singko. Nagpakapagod sila. Tanggal stress din dahil sa pasukan at dinadama na nila ang Christmas Vacation. Habang laro, nagkakatitigan si John at Pete. Paminsan minsan. Titigan talaga. Hindi lang halata.
Dumating na ang alas singko at halos lahat pagod na pagod na. Lumapit si Pete kay John. "John, may tubig ka pa ba?" agad binigay ni John ang tubigan niya ngunit uminom na agad si Pete. Di niya nasabihan na wag idikit ang bibig. LC pa man din si John. Di na lamang niya pinansin. "Salamat John."
"Danny!" tawag ni Greg
"Oh bakit?"
"Naalala mo si John diba?" sabay tawag kay John
"Oo naman. Nakilala ko na siya before."
"Hi Danny!" bati ni John
"Kamusta na Danny?" tanong ni John
"Buhay pa naman! Hahaha"
"Danny! Tara na uwi na tayo" anyaya ni Pete
"Magkakilala kayo?" tanong ni John
"Ay oo. Bakit?"
"Wala naman."
"Sige Greg, John, mauna na kami"
"Wag muna! Bata pa kayo" biro ni Greg
"Mas matanda kami senyo no! Hahaha" sagot ni Danny
Nagpaalam na sila sa isa't isa at umuwi na rin ang lahat. Magkaibigan pala sila ni Danny! Masilip nga ang Facebook. Agad si John pumunta sa kanyang kwarto nung umuwi na siya. Siyempre, inayos nya pa yung gamit nya at naghanda na ng pantulog. Siguro mag alas sais na nun kaya medyo madilim na. Binuksan nya ang kanyang laptop, pati na din ang ilaw kasi madilim at nag log-in na sa Facebook. Pinuntahan nya agad profile ni Danny. Tinignan ang friends list at nakita niya nga si Pete. Inadd niya ito agad. Nakita niya ang profile picture nito. Ang gwapo. Shit. Matangkad pa. Mas matangkad pa kay John kaya swak na swak sa taste ni John.
Buong gabi niya ito stnalk at naghalungkat ng pictures. Crush ko na kaya siya? Hahahaha.
Samantala, si Brandon naman, nasa bahay. Online din. Nakatambay parin sa profile ni John.