November 23, 2013
Parang gusto ko uli sya makita... Matangkad. Cute. Matangkad. Gwapo. Mabait. Cute. Matangkad. Gwapo. Mabait. Cute. Pete? Tama ba? Cute. Matangkad. Mabait. Mabait. Matangkad. Matangkad. Magaling. Cute. Gwapo. Singkit. Cute. Singkit. Cute. Mabait. Matangkad. Gwapo. Cute. Singkit. Matangkad. Gwapo. Uuuugh!
"Huy! John! Tulala ka nanaman!" tinapik sya ni Fidelity
"Ha? Ano?"
"Loko! Tulala ka nanaman. Tapos na klase mo! Jusko. Kanina ka pang umaga dude!" sabi ni Fidelity
"Tsk. Eeeeh!"
"Hay nako. Ano nanaman yan? You make kwento!"
"Walaaaaa! Basta!" napangiti na lamang si John
"Nako John! Iba yan! Ahmmm. Nakangiti ka! Hahaha! Osiya, kakain ka ba with us?"
"Hindi na. May pupuntahan pa ko eh!"
"Sure. Next time ha? Babye!"
Matapos magpaalam kay Fidelity, sumigaw si John "Greeeeeeeeeg!"
Sabi ni Greg "Ano? Anong plano?"
"Laro? G ka?"
"VBall?"
"Syempre"
"Sige sige. Hatid ko lang tong gf ko tas, tara"
"Sure! I'll wait for you dun sa may garden ulit?"
"Hahahaha! Sure sure!"
Umalis ang dalawa sa classroom. Eto nanaman si Brandon, nagmamanman. Muling sinundan si John. Mag-isa lang si John naglalakad sa hallway. Walang maisip na magandang gawin si Brandon kaya sinundan nya nalang ito. Daredaretso si John sa labas, mukhang kakain. Lalapitan na sana ito ni Brandon at aayain nang biglang dumating si Renan.
"Bebs!" sabay akap kay John
"Bebs!" sabay akbay kay Renan "Oh bakit po?"
"Tara kain tayo! Hehe!"
"Libre mo?"
"Hindi ah! Hahahaha!"
"Sows! Haha! Si Andrea?"
"Uuwi na daw ng maaga"
"Ganyan ka naman eh. Napapansin mo lang ako kapag wala sya" nagkunwaring umiiyak. "Huhu"
"Weh, bebs naman eh! Alam mo namang mahal padin kita eh!"
"Aaaaw. Sige na nga" ngumiti na lamang si John at sumamang kumain kasama si Renan
Habang nag-uusap ang dalawa, unti unting lumayo si Brandon at nagdesisyong umuwi na lamang mag-isa.
Tanga tanga. Tanga tanga!!! Ayoko na nga. Wag nalang... Hay.