Chapter 18

123 2 0
                                    

"Dude, bitawan mo ko. I'm not yung John na sinasabi mo" sabi ng hinawakan ni Brandon

Shiiiit! Kamukha lang pala. "Ay" binitawan agad ni Brandon yung braso nito "Sorry! Kamukha mo kasi"

"Next time make sure. It's disturbing" sabi ng lalaki at umalis na

Bakit ba ganon? Kapag may hinahanap ka parang dumadami kamukha't kahawig nya

"Makaalis na nga lang." Dahan dahang tumayo si Brandon, tumingin tingin ng kaonti sa corridor. At naglakad na paalis. Dahan dahan din syang naglalakad. Halos dalawang segundo bago sya umapak. Dahan dahan. Lugmong lugmo. "Siguro hindi pa ito yung tamang oras."

Sa pinto ng opisina, sumilip si John. Nakaramdam ng kaonting lungkot. Nakaramdam ng kaonting kirot. Ayaw ko na masaktan muli Brandon. MINAHAL kita. PINAHALAGAHAN kita. Panindigan mo ang desisyon mo dahil yung desisyong ginawa mo para sa atin papanindigan ko. Papanindigan ko...

Hinintay lamang nyang makalayo si Brandon bago umalis. Tuluyan na niyang binuksan ang kahoy na pinto ng opisina't lumabas na. Ayaw ko pa umuwi. Hmm. Ano kaya magandang gawin? Naglakad na si John sa tiled na corridor. Nadaanan na niya yung ibang classroom, sinisilip silip kung may prof para malibang. Para may magawa. Nilagpasan nya yung bulletin boards na puro picture lang ng officers yung laman. Daredaretso sya hanggang sa may pwede nang likuan, lumiko sya palabas ng gate ng building nila. Pumunta nalang sya sa garden na paborito nyang pinupuntahan. Naglakad lakad sya habang nag-iisip ng gagawin. Wala padin syang makita. Dumadaan na sya sa may bato batong daan. May mga bulaklak sa gilid. Mga lily and dandelion. Sinusundan nya yung daan hanggang sa makarating sya sa may bench na lagi nyang inuupuan. Umupo lang siya doon. Naghihintay sa kawalan. Nakita nya na nananahimik ang mga halaman. Kuntentong kuntento sa buhay nila. Sa simpleng pamumuhay nila... 

"John!" 

Napalingon na lamang si John sa gulat

"Uy! Pansinin mo naman ako. Wag mo lang akong tignan"

"Sorry! Eh kasi naman. Bigla bigla kang mangagaling sa kawalan"

"Tara!" anyaya ni Greg

"Saan?"

"Sa field! Laro tayo!"

"Ng?"

"Volleyball. Malamang. Nagbabasketball ka ba? Di naman diba?"

"Oo pero, tagal na kong di naglalaro"

"Ok lang yan pre! Dali naaaa!"

"Nakablack shoes ako"

"Edi tanggalin mo!"

"Eeeeh"

"Tara na!"

Wala din naman akong mapapala dito eh "Sige na nga"

Sampung minuto naglakad ang dalawa patungo sa field nila. Isa lamang ang may net doon sa ngayon at may naglalaro na. 3v3 lang naman. Nakita ni Greg mga kakilala nya at kinawayan.

"Greg, di ko kilala tong mga to. Nakakahiya"

"Di yan. Mababait yang mga yan! Promise!" sagot ni Greg

"Eeeh!" tinanaw ni John ang mga naglalaro. May nakita syang isa. Matangkad. Medyo pataas yung buhok. Matangkad. Medyo maputi. Makinis ang mukha. Singkit. Cute. Hindi sya sobrang payat. Di din sobrang taba. Chubby na hindi naman halata. Napatitig na lamang itong si John

"Tara na! Uy! Ano bang tinitignan mo dyan"

Napaalis na lamang tingin ni John "Ah, wala. Sige sige."

Lumapit si Greg sa court

"Sali ka-"

"Greeeg! Leggo na! Join na! Pati ba yang kasama mo?" sabi ng isang naglalaro

"Oo. Oks lang ba?"

"Sige! Go lang nang go!"

Sumali na ang dalawa at naglaro. Nasa magkabilang panig si John at yung tinititigan nya. Pati ni rin si Greg. Nagserve ang side nila John. Nireceive ng kabila. Sinet. Pinalo. Dumaretso kay John. Sinet ng kakampi papunta kay John sa Open. Pinalo ni John. Nakascore sya. 

Pagbagsak ng bola. Napatingin nanaman si John dun sa lalaking iyon. Napalingon din sya at nagkatinginan yung dalawa. Sumigaw nalang sila "Pete!" nagulat na lamang si Pete at sinalo nya ang bola. Pete pala pangalan nya. Nagpatuloy ang laro. Habang nagseserve ang kabilang panig, di maiwasan ng dalawa na magkatinginan. Paulit ulit.

Nang pumatak na ang alas sais, tumigil na sila't nagpahinga. Umupo sila doon sa pavillion na malapit sa field. Nilabas ang mga pamunas at tubig. 

"John, penge naman ng tubig" pakiusap ni Greg

"Sure. Walang problema. Wag mo lang dikit bibig mo" sagot ni John

Nang-asar ito na kunwari niyang ididikit yung bibig nya sa lalagyan ni John

"SINABI NANG WAG MONG IDIKIT!!!" sigaw ni John

"Hahaha! Alam ko namang LC ka eh! Chill"

Tumawa na lamang ang dalawa't nanahimik. Kinuha ni John ang tubig nya at siya naman ang uminom. Habang umiinom sya, dumaan yung lalaking pinagmamasdan nya. Napansin nya itong dumaan pero hinayaan na lamang. Nanghihingi sya ng tubig sa kakilala nya, wala daw itong maibibigay at humingi ng pasensya. Napansin nitong umiinom si John ng tubig. Tinignan nya ito't hinayaan na lamang. Natapos ang araw at kahit papaano natuwa naman si John sa pagpapawis

"Salamat Greg ah?"

"Sabi sayo eh. Hahahaha"

"Sabay na tayo"

"Sige"

Umuwi ang dalawa at nagpaalam na sa iba. 

"Dude, sino yung lalaking kasama ni Greg kanina?"

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Curious lang"

"Ikaw ah? Hehehehehe!"

"Sus! Wala nga lang. Hahahaha!"

----------

Author's Note:

Sorry. Been busy with college eh. Kaya nalate tsaka sobrang down na down ako. Pero ito po. Bawi ako next chapter. Parang intro lang to :D hehehe! Subaybayan nyo pa po!

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon