March 17, 2012
Paggising ni John, akala nya panaginip lang yung kahapon. Akala nya lahat iyon ilusyon lang. Akala lang... Pagmulat ng mata nya, agad nyang kinuha ang cellphone nya at tinignan kung nagtext si Brandon...
Wala...
Tinignan nya ang inbox at nakita nya ang text ni Brandon na magkita sila mamayang 2pm sa Trinoma. Nagsimula na ulit gumuho ang mundo nya.
Hindi nga ako nananaginip... Nasobrahan ata ako... Binigay ko lahat... Tapos ganito... Brandon, ang sakit... Ang sakit sakit... Sana hindi magkatotoo yung nasa isip ko... Sana...
Kumain muna ng tanghalian si John at umalis na ng bahay. Alalang alala. Isip nang isip. Lumbay na lumbay. Tumatawid na si John, nasa gitna na sya ng kalsada. Nagtext bigla si Brandon
"2pm ha?"
Nagreply si John habang tumatawid, "Oo, papunta na ako... Ingat ka" hindi nya namalayan na go na pala.
Bumusina ang motorsiklo, wala nang oras si John para magreact at sya ay nasagasaan at nahulog ang cellphone nya. Agad syang pinuntahan ng driver.
"Iho! Iho! Nasaktan ka ba? Okay ka lang ba?"
Si John ay umiiyak lamang sa gitna ng daan habang nakahandusay.
"Iho! Bakit ka umiiyak? Nabalian ka ba? Saan masakit? Pasensya na iho..."
Pakonti konti na siyang pinalilibutan ng tao at patuloy padin syang umiiyak.
Ang sakit kasi manong, ang sakit. Hindi ko na alam kung anong balak nyang gawin pero nararamdaman ko na. Ayoko na... Ay... Kailangan ko pa pala syang puntahan....
Tumayo agad si John "Hindi po. Okay lang po ako"
"Sigurado ka? Eto yung number ko. Itext mo ako kung lumala iyan. Pasensya na" inabot ng driver ang numero nya kay John
"Naku, salamat po... Sge po, pasensya na po sa abala"
Nagbulungan agad ang taumbayan "Ano ba naman itong batang ito!" "Oo nga eh!" "Hindi man lang... Tsk"
Dahan dahan syang naglakad. Tsk, masakit pala... Aaaah!
Binalikan sya ng driver "Iho, saan ka ba pupunta, ihahatid nalang kita"
"Sa trinoma po" sagot ni John
"Ah, sakto, papunta na din ako sa SM North, ihahatid na kita"
"Sige po! Maraming salamat"
Dahan dahan ulit umangkas si John sa motorsiklo at hinatid na sya ng driver. Medyo dahan dahan magpatakbo ang driver kasi nag-ingat na sya. Ayaw na nyang maulit ang aksidente.
"Matanong lang kita iho, bakit ka umiiyak?"
"Ah, wala po yun"
"Masakit ba?"
"Hindi naman po, kaonti lang"
"Ah, pasensya na ha?"
"Hindi po, ayos lang po iyon"
Makalipas ang sampung minuto, naglalakad na si John sa Trinoma. Hirap na hirap maglakad. Nakita nya ang mga tao. May masaya, may seryoso, may malungkot. Nakita din nya ang mga pamilihan. Wala naman daw syang pakialam. Sa McDo daw sila magkikita ni Brandon. Malapit na si John at natanaw na nya si Brandon. Teka, hindi nya akong pwedeng makitang ganito. Agad agad syang umarte na parang di sya nabangga. Naglakad sya ng normal kahit masakit.
"Love ko..." sabi ni John "ano? Makikipaghiwalay ka na ba? Ayaw mo na?"
"Ha?..." sagot ni John
"Ano ba? Bakit mo ba ako pinapunta dito?"
"Kasi naguguluhan na ako love... Gulong gulo"
"Bakit? Bakit ba? Anong meron?"
"Alala mo yung sabi ni Kate. Yung tungkol sa hindi kailangan itago kung tama naman ang ginagawa mo, bakit natin kailangan itago to?"
"Dahil sa magulang. Yun lang naman eh..."
"Sigurado ka? O ayaw mo lang laitin tayo ng iba?"
"Ha?"
"Ayaw mong maasar tayo. Matukso tayo"
"Hindi. Dahil ako kaya ko, nag-aalala lang ako sayo"
"Eh yun na nga eh. Hindi ko din alam John!"
"Ano ba gusto mo mangyari?"
"Di ko alam..."
"Mahal mo pa ba ako? Mahal mo nga ba ako?"
"I care for you..."
"Oh bakit ka nagkakaganyan? Minsan kasi it's about love itself..."
"So anong pinapalabas mo?"
"Wala. Sinasabi ko lang"
"Parang sinasabi mong hindi kita mahal"
"Wala akong sinabing ganon Brandon ang sinasabi ko lang na---"
"Na ano? Na hindi kita mahal? Na hindi kita minahal kaya ako nagdududa? Na may mahal akong iba?"
"Wala nga akong sinasabing ganon!"
"Grabe ka John, mag-iisang taon na tayo wala ka pang tiwala sakin!"
"Eh sino kaya sa atin naguguluhan?"
"Sino sa atin namimintang?"
"Ako pa nagsimula?!"
"Eh kasi nga HINDI KO NA ALAM KUNG TAMA ITONG GINAGAWA NATIN JOHN!" napatingin na sa kanila ang mga tao sa McDo
"Ano?! Wala naman tayong ginagawang masama!!!"
"Eh ang pag-iibigan natin?! Hindi ba yon masama?! DALAWANG LALAKI TAYO JOHN! MAG-ISIP KA!"
"EH HINDI NAMAN KAILANGAN MAG-ISIP PAGDATING SA PAG-IBIG! WALA SA SAMPUNG UTOS NG DIYOS ANG BAWAL ANG DALAWANG LALAKI MAG-IBIGAN!"
"EH HINDI KO ALAM! HINDI KO NA ALAM JOHN!... hindi ko na din alam kung mahal kita..."
"Bahala ka na nga dyan!" sigaw ni John at nagsimula syang maglakad paalis. Galit.
Napatingin na lamang si Brandon Ang tanga tanga mo Brandon! Ang tanga tanga!
Naglalakad na si John, paalis na din si Brandon nang biglang bumagsak si John.
Hala. Teka nga lang. Agad agad pinuntahan ni Brandon si John. Tinanong nya ito "Bakit ka bumagsak? Nadapa ka ba?" hindi sumagot si John, tinignan ni Brandon ang mukha ni John at nakitang ito'y iyak nang iyak. Tinignan nya ang paligid kung bakit ito maaring nadapa. Tinignan din nya ang katawan ni John kung may mga pilay ba ito o kung ano at nakita niyang namamaga na ang buong hita ni John "John! Anong nangyari sa hita mo?!"
Sagot ni John: "Ikaw..."