Kinagabihan sa bahay nila John, habang siya ay naglilinis
"Opo ma!"
"Teka 'nak, bakit ang saya saya at ang sipag mo ata ngayon?" tanong ng kanyang ina
"Wala naman po 'nay. Hindi kasi mapapalitan ng pera ang kasiyahan" sabay ngiti
"Asus. Mabuti naman kung ganon. Tara na, matagal pa daw bago umuwi tatay mo eh"
"Mga anong oras pa po?"
"Mga alas onse pa ata"
"Ah, sige, mauna na tayo"
Kumain at nagkwentuhan ang mag-ina. Di nga rin alam ni John kung bakit ang dami niyang nakwento sa kanyang ina. Nasama nga pati yung tungkol sa lakad nila ni Brandon. Kilala si Brandon ng magulang nya. Pinagkakatiwala pa nga ng nanay niya si John kay Brandon eh. Palibhasa kasi only child si John pero hindi spoiled. Kadalasan ganon, pero si John iba. Dulot ng kanyang pagiging only child ang kanyang pagsikap sa pag-aaral.
"Mabait talaga yang si Brandon noh?" tanong ng ina
"Oo nga po eh. Ang kulit kulit pa! Parang bata! Nakakatuwa"
"Parang ikaw?"
"Ma, hindi naman! Mas malala nga eh! Parang, basta! Nakakatuwa"
"O sige na, sige na! Matulog ka na! Ako na magliligpit"
"Wag na ma, baka mapagod ka pa. Ako nalang!"
"Maganda ang nadudulot sayo ng Brandon na yan ha?"
"Aba syempre ma! I choose quality friends! Hahaha!"
Pagdating sa kwarto
Status: "Ang saya ng araw na to! Salamat sa nakasama! Hahaha! I've never been this happy"
Like . Comment . 9 minutes ago
"Hm, nakapagstatus na ko, ano naman gagawin ko sunod? Parang inaantok na ko eh" bigla syang may naisip "Ayun! Teka, matignan nga kung nagstatus din sya"
Status: "Magsecond year na kame! New chapters in life!"
Like . Comment . 11 days ago
"Aw. Di pa nya binabago di bale, tulog na ko!" humikab si John at isasara na ang Google Chrome nang may nagmessage
Brandon Danillo: ui! ui! ui!
"Kung kelan naman inaantok na ko"
John Sarr: ano? inaantok na ko oh! >:(
Brandon Danillo: wala naman. namiss lang kita :)
"Ano ba yan" wika ni John pero pangiti ngiti
John Sarr: weh! inaantok ka na din! matulog ka na!
Brandon Danillo: paano ako aantukin kung ginigising mo ang natutulog kong puso? :'>
John Sarr: ano? nakainom ka ba?
Brandon Danillo: eeeh! sige na nga! good night na
John Sarr: aw! matampuhin yung doggie ko! :P wahahahaha xD joke lang peace!
Brandon Danillo: ayaw kasi ako lambingin ng amo ko 3:
John Sarr: hahaha! aminadong aso! :P
Brandon Danillo: basta alam kong sayo lang ako.
John Sarr: matulog na nga tayo! bukas nalang inaantok na ko eh. good night!
Brandon Danillo: good night! :D
"Ano bang nangyayari kay Brandon? Parang ang sweet nya? Nakakainis na nakakatuwa. Para akong biglang nabuhayan. Parang, I finally felt what it feels to be alive. Pero nakakainis. Kasi di ko alam kung nambobola lang ba sya. I don't want to jump into conclusions, eeeh! Basta! Tignan mo nga naman, pati ba naman sarili ko kinakausap ko na dahil sa lalaking yan! Pasakit sa ulo! Pero pampagaan sa puso... AGH! Tama na nga! Pati ako nadadala eh! Makatulog na nga"
Samantala, kela Brandon
"Hay nako John, kung alam mo lang. Kung alam mo lang..." tuluyan nang i-off ng laptop
