Kainiiiis! Kailangan ko ng makakausap... Busy si Renan kay Andrea... Wala nang kwenta si Brandon, sinong lalapitan ko? Tapos eto pa ko di alam kung anong gusto ko mangyari sa buhay... Hay
Lakad nang lakad si John sa kwarto, hindi malaman kung saan nagbabalak pumunta hanggang sa may nagtext
Beep... Beep...
"Kauuwi ko lang may nagtext kagad?" tinignan ni John ang kanyang cellphone, ang laman ng mensahe ay:
Nak, may libro ka pa sa Biochemistry nung 2nd year ka? Padala naman. Salamat nak! Kita nalang tayo sa McDo malapit sa campus
From: Stephen 7/02/12 6:37pm
"Ayun! Si daddy! Pwede ko syang makausap! Thank you Lord! Feeling ko sinadya mo to!"
Sge dad! Bukas ha?
To: Stephen 7/02/12 6:37pm
Nilapag na ni John ang kanyang cellphone sa lamesa sa tabi ng kanyang kama. "Hay... bakit kaya ganun?" Iniisip na lamang ni John kung bakit parang nawalan siya ng gana.
July 3, 2012
"Gutom na ko dad!!!" mungkahi ni John
"Ang aga aga gutom ka na kagad? Di ka ba nag-almusal?"
"Magtatanghali na kaya!"
"Oh, anong oras na ba?"
"9:53? Hahahahahaha!"
"Kitams!"
"Eh, daddy naman, pakainin mo na ko! Andito na tayo sa McDo oh!" McDo? May naalala tuloy ako... Hay.
"Wala pang sweldo anak eh. Sa susunod nalang" sagot ni Stephen ngunit hindi sumagot si John. "Nak! Sa susunod nalang, hindi ko pa sweldo eh"
Napagtanto ni John na natulala pala sya. "Ah? Ha? Ah, sige dad oks lang. Eto na yung libro."
"Salamat!"
"Alam mo dad, may kekwento ako sayo..."
"Ano?"
Kinuwento ni John lahat. Simula noong naghiwalay sila.
"Nak, ikaw naman kasi"
"Ano?"
"Masyado ka kasi nagpadala sa emosyon mo na akala mong hindi mag-iiba ng isip si Brandon"
"Eh..."
"Eh tignan mo nangyari. Anak kasi, hinay hinay lang. Alam mo namang kahit papaano lalaki si Brandon, natural na hahanapin nya babae"
"Oh, pano tulad ko, natin?"
"Eh kasi tayo, tanggap na nating ganito tayo. Iba kasi yung may duda ka pa sa sarili mo. Tsaka, isa pa. Ano yung isa mo pang ikekwento?"
"Ah, wala, tungkol lang kay Renan."
"Oh, anong meron dun?"
"Kasi alam mo naman na siguro na mag-on kami pero trip trip lang. Tapos, nung nawala si Brandon, ayun kami magkasama, tapos nagkagirlfriend sya nung huli lang tapos..."
"Hay nako anak, let me guess. Nahuhulog ka sa kanya"
"Di naman sa ganun pero..."
"Pero ano? Ayaw mo lang aminin kasi ayaw mo lang masaktan"
"Hindi eh..."
"O di naman kaya ayaw mo lang tanggapin kasi baka lokohin ka lang nya?"
"Di kasi yun yung kaso dad"
"Eh ano?"
"Kasi, parang nagpapakatanga nga ako sa kanya. Palibhasa, silang dalawa lang ni Andrea kasama ko tapos naging sila pa. San na ako lulugar? Wala na si Brandon oh."
"Mingle with other people."
"Eh kasi dad, kahit nung bago pa maging sila, mas madalas kaming magkasama ni Renan, tsaka feel ko dati parang may gusto si Andrea kay Brandon."
"Oh, so gusto mo syang isalba kapag nasaktan sya kapag hiniwalayan siya ni Andrea?"
"Di naman sa ganun dad, pero ayoko na maging tanga pa. Hirap kasi magmove on."
"Yun naman pala eh. Nasayo yan kung mag move on ka o hindi. Desisyon yan anak."
"Hay... sige dad. May klase pa ko. Bye!"
"Bye!" Naglakad na si John papunta sa kanyang classroom
Di ko na alam gagawin ko sa buhay koooo! uuuugh! Kainiiiiis!. Nabangga si John. "Ay sorry po... sorry"
"Hindi ok lang" sagot ng nabangga nya.
Lumingon si John at nakitang si Brandon pala ang nakatingin sa kanya
