June 14, 2012
Isang linggo palang ang lumilipas, pero parang ang tagal tagal na. Parang isang buwan na. Isang buwan na di kami nag-uusap... pero isang linggo palang. Ang hirap ng ganito. Hindi ko ma-enjoy ang pagiging mataas ko sa quizzes ngayong first sem. Yung iba mejo bumaba nga grade ko. Nakakatamad kasi mag-aral. Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Diba common problem to ng teenagers ngayon. 3rd year pa man na ko. Kailangan ko magsumikat. Dalawang taon nalang gagraduate na kami. Dalawang taon nalang, di ko na siya makikita araw araw... Tsk, eto yung hirap eh. Wala ka na ngang kausap, walang masandalan pero kailangan kong mag move on. Andito naman si Renan at Andrea. Di hamak naman na nasasamahan ako lagi ni Renan. At least kahit papaano may nayayakap pa ko tuwing malungkot ako. Kahit na joke time lang na kami ni Renan. Nakakatulong sya. According to facts and to experience as well.
June 15, 2012
Kinaumagahan,
"John! John!" bati ni Renan
"Ow?" sagot ni John
"Good news!"
"Oh?"
"May girlfriend na ko!"
"Oh? Sino?" Girl...friend?
"Take a guess" sabay ngiti si Renan
"Wala akong idea, alam mo namang medyo hindi ko napapansin yung mga ganyan ngayon, wala ako sa sarili ko dre eh"
"Si..."
"Si?"
"Si Andrea"
"Ha?!... I mean, ah. Congrats! Since when mo siya niligawan?" Ano na nangyayari sa mundo?
"Actually matagal na, we had a deal na wag namin sabihin sa inyo para masurprise kayo"
"And, successful kayo" May lihim din pala tong dalawa ha.
"So, uh, what now?"
"I really don't know, pero happy na kami together"
Cheesy...? "Mabuti naman"
Nagring na ang bell at pumasok na ang guro. Nagsimula na ang klase.
"Class, dahil nirereview natin ang Intermediate Algebra, magrereview tayo saglit through an activity, so please pick a partner" utos ng guro
Tumingin ako sa upuan ni Renan kaso si Andrea na ang kapareha nya. Ah, oo nga pala no, sila na. Kailangan ko nang masanay na wala sya. Halos ang buong klase ay nakapili na ng kapareha pwera na lamang sa akin at kay Brandon. Napalingon ako sa kanya ngunit, may napili na syang kapareha...
"Lahat ba may kapartner na?" tanong ng guro
"Ma'am ako po wala pa" sagot ni John
"Ah, sino dito ang wala pang kapareha?" muling tanong ng guro at napalingon si Renan at Andrea kay John
Hindi nga pala magkaayos si Brandon at John... di bale, alam naman na ni John na kami na ni Andrea.
"Sige, magsolo ka nalang muna. Unless may gustong magtriad, meron nga ba?"
Walang umimik.
Deserted by Renan and Andrea. Yehey... Hay...
"Ako nalang po mag-isa ma'am. Ok lang po"
"Sige, pero kasi dapat may kapareha ka. Please sit down"
Umupo na si John at nagsimula na mag-explain ang guro
"Kaya kailangan nyo ng kapareha dahil sa mga iba't ibang love stories ng Intermediate Algebra. Tulad ng Tangent. Though we met once, we parted forever"
Ouch... isip ni John
"At ng Asymptote, could have been, but never was"
Tagos na masyado!
"Ng Parallel Lines, we are on the same direction, but we never met"
Strike 2!!! Kailangan lahat patama sa akin?
"At Perpendicular Lines, we both met at one point, and it was just right" napangiti na lamang si Renan at Andrea
I'm dead... Wooh...
Nagpatuloy sa discussion ang guro habang ang sugat sa puso ni John ay muling nasasaktan. Di tulad ni Renan at Andrea.
Natapos ang ang mga klase. Uwian na.
"Hay salamat uwian na. Kapagod. Rena--n..." noong tinawag ni John si Renan ay paalis na sila ni Andrea. Magkasama at magkahawak kamay. "Ah, sila na nga pala..."
Wala na lamang nagawa si John at umuwi mag-isa.
Habang siya ay pauwi, napaisip nanaman si John
Pano na yan. Wala na si Renan. Tsk, kahit sabihin mong mas nauna maging kami, joke time lang naman. Si Andrea naman talaga mahal nya. Buhay nga naman. Teka, hindi pa pala ako kinakausap ni Andrea ngayon ah?
July 2, 2012
Halos isang buwan na akong mag-isa. Ok na din naman to kasi may mga narerealize ako about myself along the way, pero sana I realize things with someone walking with me along the way. Hindi ko alam kung paano din ni Brandon namamanage na siya lang mag-isa. Sa bagay, noon palang sanay na siya mag-isa. Pero, kahit ba. Di ba sya nasanay sa mga bati ko every morning and evening? Hmm... Di bale na.
"Bebs" sabi ni Renan
"Oh?" sagot ni John
"Favor?"
"Ano?"
"Tanong mo nga bakit galit sakin si Andrea"
"Nag-away nanaman kayo?"
"Oo eh."
"Sige sige. Mamaya"
"Last na favor"
"Ano?"
"Pagawa ng homework ko sa Physics"
"Yung ten pages?"
"Opo. Kung okay lang?"
"Sige."
"Yay salamat! Kaya love na love ko tong bebs ko eh" sabay yakap ng saglit
"No problem" Big problem...
Ano ba tong si Renan, umagang umaga favors kagad. Sanay naman na ko, pero para na kong tanga. Ten pages na homework + pagtatanong kay Andrea kung bakit sila nag-away + yung homework ko rin. Di naman kaya ako tanga?... Kainis. Hindi ko alam bakit ako nagpapakatanga kay Renan. Pinapangatawanan ko na ba yung pagiging kami, wala lang ba akong mapagbigyan ng pagmamahal at effort o sadyang... sadyang...
Napapamahal na ko sa kanya?
Malabo, isang buwan palang naman halos kami naging ganito kaclose. Pero...
Ewan...
