Chapter 16

126 2 4
                                    

di na lamang nakaimik itong si Brandon...

sa paghingi ngpabor ni Renan kay John, lalo pang napalapit ang loob ng dalawa sa isa't isa. Araw araw na silang sabay umuwi, araw nag-uusap at araw araw ding ngkukulitan. masayang masaya si Cleave para sa kanyang kaibigan. Nakikita nya kasi itong masaya arawaraw galing sa bahay. Kabaliktaran naman ang nangyayari kay Brandon. Hindi sya mapalagay dahil hindi nya alam ang dapat nyang gawin ukol sa nararamadan nya para kay John. Hindi rin nya alam kung ano ba ang nararamdaman nya para dito.

Malapit na magPasko. Siguradong maraming na ditong namimili ng regalo. Marami na rong naeexcite sa Christmas Break.

November 21, 2012

"Class dismissed!" paalam ng guro.

Nagsitayo na ang lahat at nagsimulang ayusin ang kanilang bag para makauwi na.

"Hay! konti tiis nalang! konti nalang!" sigaw ni Jordan

"Oo dre! konti nalang bakasyon na!" pasigaw ring sagot ni Greg

Inaayos ni John ang gamit nya. Gayundin din si Brandon na nasa kabilang sulok ng silid.

"Ano ba to? Nawawala notebook koooo!" angil ni John habang masigasig na naghahanap sa iba't ibang sulok ng silid.

Hindi padin mahanap ni John ang notebook nya. Sa kahahanap nya, napadpad sya sa bang lugar nila Brandon. Tinignan nya ang taas ng upuan, wala. Tinignan nya ang sulok ng silid, wala. Tinignan nya ang ilalim ng table, wala. Tinignan nya yung mga ilalim ng bag. Pero may biglang humarang.

"Excuse me" sabi ni John

"Ayaw ko."

Lumingon si John sa harap nya't nakita si Kate.

"Bwiset!" sabay hawi kay Kate "Sinabi nang umalis eh. Hahaha"

Napahawak si Kate sa upuan dahil muntik na siya matumba.

"Oo na. Hahaha!"

Nagpatuloy maghanap si John. Huli na nyang sinilip ang ilalim ng upuan sa bandang inuupuan ni Brandon. Nang sumilip sya sa ilalim, nakita rin nyang sumilip si Brandon. Nagulat ang dalawa ngunit di nagpahalata. May nakitang isang notebook ang dalawa sa ilalim, sabay nila itong kinuha at sinabing "Akin to!"

"Akin to!" argumento ni John

Napangiti si Brandon "Akin nga eh!

"Anong nakakatawa? Akin nga to eh!" medyo naiinis si John

"Akin nga eh!"

"Akin nga eh!" sabay hila sa notebook si Brandon.

Lumaban din si John. Nag-agawan ang dalawa.

Naumpog ang dalawa sa upuan.

"Aray." sabi ni John.

Biglang may yumakap sa likod ni John.

"Basta ito, sakin to" sabi ni Renan.

"Late ka na! Kanina pa kami nandito" sagot ni John

Nakaramdam ng selos ni Brandon at unti-unting nawawalan ng ngiti.

"Amin na nga yang notebook." kinuha ni Renan ang notebook at binasa ang pangalan sa harapan.

"Sows, kay John pala to eeeh!" mungkahi ni Renan

Medyo may sama ng loob na sinabi ni Brandon "Edi kanya na." niligpit na nya ang kanyang gamit at nagmadaling umalis

Bago makalabas sa pinto sumigaw si Renan "You don't do that to my bebs! Hahahaha!"

Nagalit kaya yun? "Hahaha! Thanks Renan"

"Sows, wala yun. Anong plano mo ngayon?"

"Wala nga eh. Uwi na agad? Hahaha!"

"Ang aga mo naman umuwi. Wag muna. Lakwatsa muna tayo bebs!"

"Eeeeh"

"Sige na! Please?" hinawakan ni Renan kamay ni John at dinuduyan ito.

"Anong oras na kaya!"

"Ang aga aga pa! Alas tres palang!"

"Aga lang. Aga aga kanina pa yun! Hahahaha!"

"Korni mo! Tara na kasi!" 

Alam mo talagang di kita natitiis no? "Opo, oo na po"

"Yehey!" tara! 

Umalis ang dalawa nang nakangiti. Ngunit itong si Brandon, nakikinig galing sa labas. Nakita ni Brandon na palabas na ang dalawa sa pinto, agad itong nagtago sa likod ng pinto upang di mapansin. Lumabas ang dalawa ng nagkukulitan na hindi man lang napansin si Brandon sa likod ng pinto.

Ang saya nyo namang dalawa. 

Papasok pa sana sa loob si Brandon nang biglang may tumapik sa likod nya

"Hmm?" 

"Brandoooon!" sigaw ni Andrea

"Ikaw pala yan. Kala ko kung sino"

"May papagawa sana ako sayo."

"Ano?"

"Papagawan sana kita ng AVP"

"Para saan?"

Sumara nang mag-isa ang pinto.

"Para samin ni Renan"

Ha? "Teka, kala ko ba magkaaway kayo?"

"Walang mangyayari kung ganito lang kami. Kahit papaano naging mahalaga sya sa akin"

"Ah sure" ngumiti na lamang si Brandon

"Masaya ka yata?"

"Masaya naman ako lagi ah?"

"Leche, tulala ka lagi"

"Eh masaya ako bakit ba!"

Umalis na din ang dalawa habang pinag-uusapan ang plano para sa AVP na gustong ipagawa ni Andrea. Na-excite si Brandon dahil magbabati na ang dalawa at sigurado din si Brandon na kapag nagbati na ang dalawa, mababalewala si John. Yun na ang magiging hudyat para lapitan sya. 

"Sana umayon ito sa plano" sabi ni John sa sarili nya

"Ha?" tanong ni Andrea

"Wala. Asan na nga ba tayo sa pinag-uusapan natin?"

Hawak hawak ni Brandon ang pirasong papel na napulot nya noong isang linggo...

All Gone To Waste (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon