CHAPTER 26: Drunk Issues

3 0 0
                                    

So ayun inuuna ko ang paggawa ko ng chapters bago ang mga nakatambak na essay sa google classroom. Pakipalakpakan ako😂

Enjoy😉

CHAPTER 26

AUSTIN'S POV

"Luxus, do you like Dianne?" tanong ni Kimmy kay Luxus dahil sa kanya napatapat ang bote.

"No. I would like Dianne to be my friend." aniya bago ininom ang isang shot ng whiskey. " 'Di ba beshie?" dagdag pa nito. Nakipagbanggaan naman si Dianne ng baso sa kanya.

Iniikot ni Luxus ang bote at iyon ay tumapat kay Kimmy.

"Truth." aniya at parang batang hinintay ang tanong.

"What's the cutest part you can see from my cousin, Nixiel" inunahan ko na magtanong si Iversoul na nakabuka na ang bunganga at handa nang magtanong.

"I love his eyes. It's cute." aniya at bago ininom ang shot ng soju. Nilingon ko naman si Nixiel na ngayon ay namumula na ang pisngi at hindi ko matukoy kung ito ba ay gawa ng alak o ng mga sinabi ni Kimmy.

Inikot na ni Kimmy ang bote at ito ay tumapat sa akin. Akmang aalis ako para makalakad nang pigilan ako ni Iversoul na makatayo at iniupo ako ulit.

Napabuga ako ng hangin. "Dare." Walang gana kong sagot. Pinukol nila ako agad ng mga nakakainis na titig na tipong may masama silang balak.

"Magsexy dance ka sa isang table." suhestiyon ni Iversoul. Hindi na ito nasundan ng iba pang suhestyon dahil nag-ingay na silang lahat at tipong sumang-ayon sila sa lahat. Seriously? Nakakahiya.

Wala na akong nagawa kundi magmartsa sa kalapit na table namin. Hinubad ko ang t-shirt bago sinimulan igiling ang katawan. Tipong ramdam ko na para akong stripper sa club. Nagsigawan naman ang lahat ng mas lalo ko pang ginalingan ang pagsayaw. Mas lalong lumuwa ang mata ng tatlong kaibigan ni Vixien sa sobrang gulat. Kulang na kang ay hagisan ako ng pera habang nagsasayaw sa mesa.

Nang makabalik ako sa table ay napansin kong nagsasalin sa baso si Vixien ng whiskey at kitang-kita ang namumula niyang pisngi. Hindi ko alam na hard drinker siya at pag-iisip na yun hindi ko na siya pinigilan pa. Tch. Malaki na siya. Alam naman niya kung anong klaseng alak ang iniinom niya. Pinaikot ko na ang bote at ito ay tumapat nama kay Iversoul.

Ilang ikot pa ng bote at kung kani-kanino tumapat ito. Hindi naman nakatakas sa paningin ko na bawat ikot ng bote ay umiinom na si Vixien at mukha pa siyang normal kung titingnan. Hindi ito napapansin ng mga kaibigan niya.

Pinaikot ni Nixiel ang bote kay Vixien na unang beses pa pang matapatan. Napahawak siya sa ulo niya. Doon po lang ay hinuhulaan kong may tama na ang whiskey na kanina pa niyang iniinom.

"Vixiennnn! Ikaw na!" Kinalabit ni Kimberly si Vixien na pasimpleng ibinaba ang hawak niya na baso nh tubig.

"Dare!" sigaw niya at doon pa lang ay nagkagulo na ang lahat kung ano ang iuutos kay Vixien. Si Vixien naman sa kabilang banda ay hinintay kung ano ang iuutos sa kanya.

"Kiss mo si Austin. Sa cheeks kasi baka 'di kaya ni Vixien sa lips " narinig kong utos ni Iversoul. Awtomatiko ko naman tinitigan si Iversoul. "Pakyu." sambit ko nang walang lumalabas na tunog. Sinagot naman niya ito ng pagpapakita sa akin ng middle finger bago ininom ang alak sa baso niya.

Matinding diskusyon ang nangyari dahil unang beses ni Vixien matapatan at gusto nila na maganda ang dare. Naghalo-halo ang mga boses nila at maging ako ay naiirita ang tainga dahil sa ingay.

Sinundan ng mata ko si Vixien na tumayo mula sa upuan niya at tinawid ang pagitan namin. Ibinaba niya ang ulo at idinampi ang labi niya sa pisngi ko. Natigilan ako at ilang lunok ang pinakawalan ko dahil sa ginawa niya. "H..hey, you're drunk. " Naiilang na inalalayan ko siya pabalik sa upuan niya. Naiupo ko na siya at tinalikuran na para bumalik sa upuan ko.

A Not So Flirty StoryWhere stories live. Discover now