Done resting my eyes for a while.
Enjoy. 😉
CHAPTER 28
VIXIEN'S POV
Binaba ako ng taxi at inabot ko agsd ang bayad ko sa driver. Dumako ang mata ko at pinagkatitigan ang isang restaurant na nagmumura at nagmamayabang sa sobrang gara nito.
Isang building ito na mukhang maraming floor at sa panlabas na disenyo at arkitekto nito ay isinisigaw na agad ng restaurant na pang mayaman ito at world class.
Pinagbuksan naman ako agad ng pinto ng security guard. Hinanap ng mga mata ko si Ayesha ngunit bigo ko itong makita dahil sa dami ng mga tao ang kumakain sa lugar na ito.
"Vixien? Am I right?"
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko mula sa likuran. Si Dale. Inalala ko kung tama ang pagkakaalala ko sa pangalan niya at tama naman ito. Matagal siyang nawala sa MVU at ilang beses ko lang siya nakitang pumasok. Hindi ko na ulit siya makita na kasama ang tatlo nila Austin.
"Are you here for Ayesha and Iversoul?" aniya.
Tumungo ako, tanda na oo ang sagot ko. "Nasa third floor sila. Let's take the elevator." aniya. Sinundan ko naman siya.
"T..teka tinext ka ba din nila?" Hindi ko napigilan magtanong habang naghihintay sa elevator na bumukas.
"Yeah." Tipid niyang sagot at bumukas ang elevator. Nauna siyang lumakad at sinundan ko siya.
Ilang paglingon lang ay nakita agad namin sa isang sulok ang mesa kung nasaan sila Ayesha. Nandoon din si Kimmy, Iversoul, Luxus, Nixiel, Dianne at Austin at kaharap nila ang isang babaeng nakaheels at may suot na chef's hat.
"Vixien!" tawag sa akin ni Kimmy nang makitang papalapit na ako sa kanila.
"Ate Ivory! Hi!" Nilingon ng babae si Dale at saka nakipagbeso. "Nice to see you again!" aniya nang makahiwalay sa pagkakayakap.
Tinitigan ko ang babae at masasabi ko na ang ganda niya. Maputi, matangkad, mapula ang labi at mukhang mabait. Hindi man ito naka make up ay maganda na ito agad. At agad ko din naman naikumpara ito sa mukha ni Iversoul na kamukhang-kamukha niya. Magkapatid siguro sila ni Iversoul.
"So who's the pretty lady here?" sa akin naman bumaling sa akin ang tinawag ni Dale na Ate Ivory. "Sino ang jowa nito sa inyo? " Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Maswerte ang jowa nito. She's as pretty as me."
Agad naman akong nakaramdam ng hiya. Maliit na bagay Ate Ivory.
"That's Vixien, Ate. Single na single." sagot ni Ayesha.
"Single? Quick! Austin! Go and court her. Baka maagawan ka pa." usal ni Ate Ivory na nakapagpalaki ng mata ko. "Sayang naman, napakagandang dalaga nito."
Parang sumosobra yata ang puri sakin ni Ate Ivory.
Hindi nakaimik si Austin. May lumapit na naka-apron kay Ate Ivory at bumulong. "Sorry, I have to go back to the kitchen. Don't worry. Your food is all free." aniya na kumindat bago umalis.
I like her. She's cool and gorgeous. I wish I had a sister like her.
Umupo ako sa tabi ni Kimmy. "So what's the occassion?" tanong ko sa kanila.
"Oo nga, kanina pa rin ako nagtataka kung bakit n'yo kami pinapunta dito?" dagdag pa ni Kimmy.
Ang iba naman ay parang parehas din ang sasabihin. Nanahimik sila at hinintay ang sasabihin nila Ayesha at Iversoul.
"Kasi, the truth is—
"Kayo na!" Singit ni Dianne.
Gulat na nilingon ni Ayesha at Iversoul si Dianne. "Bakit mo alam?"
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Teen FictionSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...