CHAPTER 18
VIXIEN'S POV
I was dragged by the three witches papuntang Dean's office for something na di ko alam at wala akong ideya. Tch! Break Time na eh! Napurnada pa!
Nang makapasok kami ay naabutan namin ang secretary niya na si Ms. Vera na kausap si Dean and they look pretty serious. Nakuha naman namin agad ang pansin nila at sumenyas na tumuloy kami. Bumati naman kami sa kanila nang makalapit kami sa tapat ng table ni Dean.
"Take your seats ladies. " Si Ms. Vera.
Naramdaman ko ang bigat at pagiging seryoso ng atmospera sa loob ng office at di ko nagugustuhan ang pakiramdam na ito. Parang nasa hot seat ni Tito Boy ang feeling.
"So Dean.. Ano po ba ang problema at pinatawag niyo kami rito?! " usal ni Dianne nang makaupo kaming apat.
"Ladies, nakatanggap ako ng report na isang grupo ng mga estudyante ang bumasag sa mirrors at sumira sa sound system sa dance studio... Even the cctv ay nalusutan nila at kayo ang tinuturo ng mga nakasaksi. I don't want to accuse anyone but may ebidensya na kayo ang tunay na salarin. I instructed our maintenance na isara muna ang studio for renovation.Si Dean.
Sila Dianne, Kimmy at Ayesha ay di makapaniwalang nakatitig kay Dean. They look irritated sa dahilan kung bakit kami pinatawag ni Dean.
Gusto kong magwala sa galit at inis dahil sa kasalanan na di naman namin ginawa at ang nakakapanginig ng laman ko sa galit ay isa iyon sa serious offense na nasa rules ng MVU at di ko minsan binalak at inisip ang gawin ang bagay na iyon. Saka yung dance studio pa talaga ang sinira nila with our names in it. Whoever that bitch is... I'm going to rip their hands of their body!
May iniabot naman si Ms.
Vera kay Dean na isang ziplock na may lamang isang ponytail na may design na pink na heart.
"Ladies, this ponytail was recovered at the library after I investigated. Is this yours? "
"No Dean. We may like pink and girly things pero kahit minsan di kami nagponytail kasi we enjoy our hair na nakalugay at di namin kailangan magponytail." sagot ni Kimmy na halatang gigil na ang aurang lumalabas sa kanya.
"Saka Dean, if ever na kami nga ang sumira sa dance studio, sa tingin niyo ba na ganun kami ka stupido para mag-iwan ng ebidensya na magtuturo na kami ang gumawa?" dagdag pa ni Ayesha.
"Unless sinisiraan nila tayo. May nagreport kay Dean na sinira natin ang studio so paano naman nila nasabi na tayo? " singit ko sa usapan nila. " So Dean may I ask who are those girls na nagreport sa inyo at nadamay ang mga pangalan namin? "
"I can't.. It's confidential as they requested kaya di ko masasabi sa iyo Ms. Arellano. But since I heard your sides, I can say na di kayo ang gumawa nun. But who are those stupids na sumira ng Dance Studio? "
Sumagi naman sa isip ko ang mga taong naninira sa amin. Hmm.. The seafood clan lang ang pinaghihinalaan ko. Tch! Gawin ko na kayang sahog sa jjampong ang mga tangnang lamang dagat na iyon! Di talaga papatigil ha? Paktay kayo sa akin pag nalaman kong kayo ang gumawa nun.
"I don't have any idea but we'll investigate Dean.. At irereport na lang po namin sayo pag nakakuha kami ng impormasyon." ani ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun na may katulong ako sa imbestigasyon. But I have one request for you.. Please keep this issue a secret. Even those na nag report sa akin ay pinatikom ko ang bibig nila until mahuli ko ang sumira sa studio. Pinalabas ko lang na nirerenovate ang studio at hindi nasira. "
"Makakaasa po kayo Dean. " usal naming apat nang sabay-sabay.
"So you may go ladies. Take your break and I'll see you pag nahuli na ang salarin. Ms. Vera please assist them palabas ng building. " aniya at binuksan ang laptop niya at nagsimulang tumipa.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Teen FictionSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...