CHAPTER 2
VIXIEN'S POV
Riiing!!!
Riiing!!!
NAGISING AKO sa malakas na tunog ng alarm clock ko sa gilid ng lamesa. Pinatay ko iyon at galit na itinapon sa dingding. Putspa naman!! sigaw ko sa isip ko at akmang pipikit na ulit nang may kumatok sa pinto ko.
"Vixien!! Gising na! Maaga pa ang pasok mo. 6:00am na" Si Manang.
"Arggghhh!!! Manang, pababa na ako liligo lang ako! " sagot ko kay Manang .
Humihikab akong bumangon at tumungo ng banyo para maligo. At nang matapos ako ay tinitigan ko na naman ang sarili ko sa salamin at pinuri.
You look beautiful everyday Vixien!
Elegant and gorgeous
Queen snake reigns!
Ikaw na talaga Vixien!
You are the prettiest of them all!
Nang makalabas ako ay sinuot ko ang cute kong uniform at naglagay ng konting makeup at naglagay ng liptint.
I was about to put liquid eyeliner nang may sumigaw sa gilid ko na ikinagulat ko dahilan para magkalat ang liquid eyeliner sa mukha ko.
Whoever stupid that is, Ill kill her!
Inis akong tumingin sa likod at nakita si Kimmy na sapo ang tiyan kakatawa nang makita ang mukha ko na may eyeliner na kalat sa paligid ng mata ko.Tumakbo naman agad pababa si Kimmy nang akma ko siyang lalapitan.
Tsh! Paktay ka sakin mamaya! Di ka na maaalala ng mundo!
Humarap ako ulit sa salamin at binura ang nagkalat na eyeliner sa mukha ko gamit ang miscellair water at inayos ang sarili at bumaba.
Nakita ko si Mom, Vibrance, Kimmy at Manang na kumakain nang makababa ako galing kwarto.
"Good morning Mom! " magiliw na bati kay Mom sabay halik sa pisngi.
"Good morning Baby!" sagot ni Mom na nginitian ako nang pagkalaki-laki.
"Mom! I'm not a baby anymore. I'm already 18." reklamo ko at umupo ako sa isang upuan kaharap si Kimmy.
"I can be your baby Tita! " singit ni Kimmy habang nasubo ng pancake.
Tsh! Di pa ako nakakaganti sa iyo kaya umayus ka Kimmy! SSumasapaw eh.
Matalim akong napatingin kay Kimmy habang abala pa rin siya sa pagkain.
"Ayus ah! May bahay kayo pero dito ka pa rin nakikikain?! " pagtataray ko kay Kimmy.
"Vixien! Manners! " sigaw ni Mom na tumaas ang kilay dahil sa sinabi ko.
"Sorry Mom. " sagot ko at napatingin kay Kimmy na nakangisi at dinilaan ako. Inirapan ko na lang siya at nagtimpla ng kape at naglagay ng table napkin sa lap ko.
"Don't mind her Kimberly. Just feel at home." imik ni Mom na nagwink pa kay Kimmy.
"And here we go, pagtutulungan niyo pa ako! " sabat ko at ngumiti nang mapait sa kanila habang patuloy na hinahalo ang kape ko.
Tinawanan lang nila ako at nagfistbump pa at nang-aasar na tiningnan nila ako. Normal pa ba sila?
Ilang saglit din nanahimik ang lahat habang abala ang lahat sa pagkain nang mag-ring ang phone ni Mom na sinagot niya rin agad.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Teen FictionSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...