Resting my eyes.👁️👄👁️
Enjoy.😉
CHAPTER 30
AUSTIN'S POV
I carried Vixien to my car. She lost consciousness because she got drunk. I just asked Kuya Ryle to take care of Vixien's car. She's a little bit heavy but I have easily managed to take at the backseat. I even tripped a little when I was about to lay her at the seat. Our lips even touched a little and I put a distance at once.
She just kissed me a while ago and she even inserted his tongue inside my mouth. I never kissed back but those kisses gave me butterflies in my stomach. I can't explain it. Maybe I'm just tipsy. Vixien drank more than half the bottle.
Nagulat ako nang bumangon siya mula sa likuran ang biglang pinagtatapik ang likod ko. Nang tanungin ko siya kung anong problema ay sumenyas siya na masusuka.
Agad ko namang tinigil ang sasakyan sa gilid ng highway at hinayaan siya na tumawag ng uwak. Agad ko rin siyang inabutan ng bottled water nang matapos siya.
Iniupo ko siya sa front seat at inadjust ang upuan upang maihilig ito nang kaunti.
"Are you okay?"
She said yes. "Please don't bring me home." usal niya habang nakapikit.
"Baka magalit sa akin si Tita—
"Bring me somewhere else."
"Okay."
Wala na akong nagawa kundi dalhin si Vixien sa isang property namin sa Deluxe. Nakatulog na si Vixien at hindi nakatakas sa pandinig ko ang paghilik niya.
Ipinagpaalam ko si Vixien kay Kuya Ryle na naintindihan naman ang lahat ng sinabi ko at sinabihan ko na din ito na ipaalam rin kay Tita Vida. Maging kay Mommy ay pinaalam ko si Vixien. Nagawa pa akong tulungan ni Mommy na punasan at bihisan siya upang maging komportable siya sa pagtulog. Nang matapos na ay umalis na si Mom.
Pinalipas ko ang gabi at sinabukang matulog sa sofa na nasa loob din ng silid, ngunit naalimpungatan din ako nang magmadaling araw na dahil sa mahihinang tunog na nanggagaling kay Vixien.
Nang lapitan ko siya at pagmasdan ay tumutulo ang luha sa kanyang pisngi habang mahihinang binabanggit ang paghingi ng tawad.
Labis siyang nasaktan dahil nawala ang dalawang bagay na ayaw niyang mawala. Una ang pagkakaibigan, at pangalawa ang taong minahal niya at muling pinagkatiwalaan ngunit sa kabilang banda ay niloko pa rin siya nito.
Nagkuyom ang kamao ko nang maalala ko kung paano ako gusto palayuin ni Kieron kay Vixien. Kinompronta ako nito upang mabakuran na agad si Vixien. Lalo akong nainis nang maalala ko kung bakit sinunod ko ito at iniwasan si Vixien.
Kahit na may away sa pagitan namin at nasaktan ako ni Vixien ay hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya ay sa kadahilanang hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi siya muling ginulo ng lalaking iyon.
Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko namalayan na tinatawagan ko na si Kimmy. Nabanggit niya rin sa akin na magkasama silang matutulog ni Dianne at Ayesha. Laking pasalamat ko naman nang sumagot ito.
"What's up Austin?" she yawned.
"Vixien's here. She needs you now."
"A..anong nangyari? Okay lang ba siya?"
"Physically, yes. But emotionally, no."
She ended the call and after several minutes, she arrived at the address of the property I sent to her. She used her Ducati and she looked cool. It was almost sunrise when she came and she even bought a paperbag.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Novela JuvenilSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...