CHAPTER 6
VIXIEN'S POV
Nang maistart ko ang makina ng kotse ko nagmaneho ako papunta sa Almost Sweet Cafe at nagpark sa tapat ng Cafe.
Nang makarating ako ay wala pa si Austin at Rhea kaya umupo ako sa isang table na nasa pinakasulok ng cafe upang di madaling mapansin kung sakaling dumating sila Austin at Rhea.
Tumawag agad ako ng waiter at umorder ng isang cappuccino at isang slice ng black forest at mocha cake.
Nang mailapag ng waiter ang mga inorder ko ay napansin ko ang papalapit na bulto nila Austin at Rhea at masayang naguusap habang papasok ng cafe.
Awtomatiko kong naitakip sa mukha ko ang isang magazine na nasa table nang makapasok sila ng cafe at umorder.
Matapos nilang umorder ay umupo sila sa isang table na di kalayuan mula sa akin kaya naging madali sa aking pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"So Austin, thank you nga pala kasi sinamahan mo ako! " Si Rhea na malaki ang ngiting nakaharap kay Austin.
"No worries. " tipid na sagot ni Austin na isinandal ang kamay sa couch para marelax.
Ilang saglit lang ay dumating na ang order nila na cakes at latte at nagsimula na silang kumain.
I got bored sa pagmamasid sa kanila so I took a break at sumubo ng slice ng mocha cake at sumimsim ng cappuccino.
"Austin, may girlfriend ka na ba? " tanong ni Rhea kay Austin dahilan para itigil ko ang pagsubo ng cake at ituon ko ulit sa kanila ang atensyon ko.
Austin seemed stiffened at that question.
Letse kang Bangus ka! Shut your filthy mouth Milkfish!
"Nah! We broke up before I left Seoul. " matagal pero normal na sagot ni Austin.
"I see but do you have a crush or something in our school?" sunod na tanong ni Rhea na ikinarita ng mga tenga ko.
"Wala pa eh.." mabilis na sagot ni Austin.
"Austin......"
Di na naituloy ni Rhea ang sasabihin nang mag-ring ang phone niya na nasa bag niya na agad naman niyang kinuha at sinagot.
"Mom?.....nasa cafe po outside MVU.. What?! Si Lolo nasa ospital?.... Atienza's Hospital?... yeah I'm on my way Mom.. I love you Bye!..... " sagot ni Rhea sa phone.
Matapos niyang patayin ay bumaling siya kay Austin. "I'm sorry Austin... I have to go...because my Lolo is in the hospital and—"
"And it's an emergency and they need you there so hurry up and go! I'll be fine here. " putol ni Austin kay Rhea na parang nagpapanic at nagmamadali.
"I hope you understand and I promise, babawi ako next time! " paalam ni Rhea at umalis na ng cafe. At naiwan si Austin sa cafe na nakatingin sa paalis na bulto ni Rhea.
It's time to shine Vixien!!
Inalis ko ang nakatakip na magazine sa mukha ko at kinuha ang cappuccino at cakes ko at tumungo sa table niya at inilapag yun at naupo.
He looked shocked when he saw me and he didn't expect me to see here. Surprise babe!
"Nasaan na si Rhea? " tanong ko sa kanya at sumubo ng black forest cake.
"Are you following us? " aniya na parang hinuhuli ako.
"Technically, nauna ako dito sa cafe kaya I can say na I didn't followed any of you two. " confident kong sagot. "Saka are you two dating?.. You two looks sweet together at muntik ko na kayo sabuyan ng isang palangganang langgam para madama niyo ang kasweetan niyo! " dagdag ko at mapait na ngumiti sa kanya.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
JugendliteraturSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...