CHAPTER 7
VIXIEN'S POV
Nagising ako nang 7:30 at bumaba para mag-almusal.
"Good morning Mom!, Vibrance! " bati ko nang makababa ako at umupo sa tabi ni Vibrance.
"Good morning too!" bati ni Mom.
"Aren't you gonna greet your Dad a good morning?" banggit ni Mom at nilagyan ako ng kanin sa pinggan.
"Maybe next time pag may oras na ako. "sagot ko at nagsimulang kumain.
"I think I should go honey! " paalam ni Dad kay Mom at humalik sa pisngi niya at umalis.
"May lakad ka ba ngayon Vixien? " tanong ni Mom nang makabalik sa dining room.
"Yup! May practice kami para sa performance task sa PE. " tugon ko at kumuha ng dalawang slice ng ham.
"Just take care of yourself Vixien and I trust you so don't ever try to break it understand? " paalala ni Mom.
"I know Mom and I will" sagot ko at tinapos ang pagkain at bumalik sa kwarto para maligo .
Nang makalabas ako ng banyo ay tinawagan ko si Austin pero di sumagot. I tried to call him many times pero di pa rin sinasagot.
Nang matapos ako magbihis ng crop top with tube at black shorts at white sneakers ay tinext ko siya at tinawagan ulit pero wala akong sagot na nareceive.
Bwisit ka Aguas! Argggh!
Nang makalabas ako ng village ay tinext ko siya ulit at naghintay ng reply pero walang dumating. Nang makarating ako sa gate ay hinarang ng guard ang kotse ko. "Saan po ang tungo ninyo?" aniya.
"Aguas' residence. Did he put me on your visitors' list? " sagot ko sabay flip ng hair. "Vixien Laurice Arellano" banggit ko sa pangalan ko. Hinanap naman niya agad ang pangalan ko sa kanilang visitors list.
"Wala po sa list." aniya para tumaas ang kilay ko.
"Kuya paki-double check nga! " utos ko sa kanya na sumunod naman agad.
"Wala po talaga eh. " aniya nang bumaling ulit sa akin.
Punyeta kang bibo ka! Asan ka!
Itinext ko nang paulit - ulit si Austin at tinawagan pero wala akong nakuhang sagot.
Ilang beses ko rin pinakiusapan ang guard na papasukin ako pero nabigo ako and I've been waiting for about an hour dito sa labas ng Deluxe Heights and I look like a sh*t dito sa labas.
Kapag di pa siya dumating uuwi na ako at magsosolo ako sa performance task sa PE at di ako ang mawawalan!!
"Kuya kung ayaw niyo ako papasukin ay pakitawag na lang kay Austin Aguas... " ani ko pero di nila ako pinansin.
"Are you here to visit my son, Austin? " ani ng isang babae sa likuran ko dahilan para mapalingon ako.
She's not that old and like 40- 50 years old at parang may lahing korean at maganda pa and kakatapos niya lang magjogging.
"You're Austin's mom? " paninigurado ko.
"Oo hija! And you are? "
"Vixien Laurice Arellano po.. classmate ni Austin.. Nice to meet you po!" magalang na sagot ko at ngumiti sa kanya.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Novela JuvenilSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...