CHAPTER 29
VIXIEN'S POV
F*ck you Austin!
Napasang-ayon ko ang buong sistema ko na si Austin lamang ang salarin kung bakit nalaman ng three witches nang maaga ang muling namamagitan sa amin ni Kieron. Siya lamang ang nag-iisang may alam. Siya lamang ang maaaring gumawa nito.
Bago pa man ako makatungo sa cafeteria upang maharap si Austin ay nakasalubong ko na si Dale na may dalang ilang chips.
"Where's Austin?" I tried to be normal and calm.
"Nasa rooftop. Gusto mapag-isa."
Hindi ko na sinundan pa ang simpleng tanungan at agad na tinungo ang rooftop. Hindi naman ako nabigo at naabutan ko siya na naka headphones at naghu-humm habang nakatitig sa malayo at nakatuon ang mga braso sa railings.
Agad ko siyang nilapitan iniharap at inilapat sa mukha niya ang palad ko. "Walang hiya ka!" I let all of my anger out.
Lalo akong nairita nang bigyan niya ako ng blankong titig. Mukhang hindi rin siya natinag sa sampal na ibinungad ko sa kanya. Nanatili siyang ganun ng ilang segundo.
"You told them about me and Kieron!"
Wala akong matibay na pruweba ngunit kung pagkokonektahin lahat ng rason ko, siya lang ang sagot. Siya ang salarin.
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ulit ako nakatanggap ng mga salita sa kanya.
Sa sobrang pagkairita ay pinaghahampas ko siya sa dibdib habang pinapaulanan ko siya ng mura. Hindi ko na nagawa pang titigan ang mukha niya dahil sa galit at luha na pilit na nagpapalabo sa paningin ko. Hindi rin ako nakatanggap ng pagpigil sa kanya o pagdepensa mga hampas ko. Nang mapagod ako ay kusang tumigil ang mga braso ko sa pag-atake sa kanya.
"Tapos ka na?" Buo ang boses niya. Pinagpag niya at inayos ang uniporme na ngayon ay mukhang nagusot dahil sa galit ko.
"This is all your fault! They left me! Dahil sa pangingialam mo!"
"Cursing and blaming me because you 're thinking that I am the reason why they hate you?" he laughed sarcastically. "I'm not the one who lied to them in the first place."
Natigilan ako sa sinabi niya. May punto siya. Oo, ako ang nagsinungaling at nagtago ng sikreto.
"You are the one who lied and made a fool out of them. You smile and laugh with them, but you make them clueless about your lies. You hide things behind their back. Do you even call yourself 'friend'?"
"Pinangunahan mo ako! You should let me told them! Ikaw ang may kasalanan nito!" My voice reflected how mad I am. "Aminin mo na! Ikaw ang nagsabi sa kanila."
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay umiwas siya ng tingin.
"Aminin mo na!" I exploded again.
Ilang sandali lang ay sinalubong niya ang mga tingin ko. "What if I did? Anong gagawin mo?"
Hindi ko na napigilan ko ang sarili ko at hinayaan na lumapat ulit ang kamay ko sa mukha niya sa pangalawang beses bago tinalikuran siya.
Sapat na ang sinabi niya para makumpirma lahat ng hinala ko. Hindi niya itinanggi iyon kahit isang beses. Hindi niya pinagtanggol ang sarili niya. At lalong, hindi ko narinig ang pagsisisi niya.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumitipa sa group chat at bago ko man maisend ang chat ay tinanggal na nila ako sa groupchat. Sinubukan ko pa silang ichat nang isa-isa ngunit hindi na ito naging posible dahil nakablock na ako sa lahat ng social media.
Sa huli ay nagawa kong padalhan sila ng mensahe sa text si Kimmy na laking pasalamat ko naman. Hindi man niya ito sinagot ay sapat na ito sa akin. Sinubukan kong paniwalain ang sarili ko na kailangan lang nila ng espasyo at oras at bukas ay kakausapin din nila ako matapos mawala ang galit nila. Magkakaibigan kami.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Teen FictionSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...