CHAPTER 22: Foundation Day

5 1 0
                                    

CHAPTER 22

AUSTIN'S POV

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tinawag ako ni Luxus habang abala sa pagaasikaso sa mga naglalaro sa booth namin.

"Break. Ipapahinga ko muna ang mukha ko." Kumuha ako ng towel at ipinunas sa mukha ko.

Marami pa rin ang nais maglaro sa aming booth at halos mamanhid na ang mukha ko dahil sa dami ng sumapol na water balloons.

Badtrip kasi ang Vixien na iyon.

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad ako papunta sa isang cubicle ng male's restroom.

"I'm going to fix my relationship with her." May boses at ilang yabag ng paa na galing sa labas ng cubicle.

"So, you think na makikipagbalikan siya sa iyo?" may isa pang boses.

"I messed up big time bud, but still I hope she forgives me."

"You still like Vixien after all these years."

"Yeah."

Ilang sandali lang ay natapos na ako sa pagpapalit ng isang pulang t-shirt at ripped jeans. Wala na rin ang dalawang lalaki na nag-uusap sa labas ng cubicle.

Dumiretso na rin ako sa ilang booths para makapagikot-ikot. Masyadong nagyayabang MVU sa sobrang garbo ng foundation day.

"Austin, wala ka bang kasama?" may pumulupot na kung sino sa braso ko.

Si Rhea.

"Ah.. wa..wala." nginitian ko siya nang pilit.

"Samahan mo naman ako dun." Tinuro niya ang wedding booth na nasa tabi ng jail booth.

"Ahm.. pangit dun." nagpalusot ako.

Ayoko yata makasal kahit peke pa 'yan.

"Sige na! Please!" Nakailang beses niya pa hinaplos ang braso ko at nagmakaawa na parang bata.

"Austin?!" Isang pamilyar na boses na naman ang nais makita ako.

Natukoy ko naman agad ang tumatawag sa aking pangalan. Si Nixiel?! At may hawak pang isang water balloon!

Patay!

"Excuse me!" mabilis kong paalam kay Rhea at binaklas ko ang kamay niya sa braso ko at sabay tumakbo papalayo.

Hinihingal akong napaupo sa hagdan ng Senior High building.

"Austin!" Si Iversoul?

May search and rescue mission yata sa akin ngayon

Hindi ko pa nahahabol ang aking hininga ay agad akong tumakbo pataas ng senior high building at dumiretso agad,.papunta sa rooftop.

Nagmamadaling tumatakbo ay saglit akong napalingon sa likod ko at nang makabalik ito ay isang katawan ang sumalubong na dahilan para mawala ako sa balanse.

Nang makamulat ako ay isang malambot na labi ang siya ring dumampi sa aking labi at ito ay galing kay Vixien na ngayon ay nababakas sa mukha ang pagkagulat.

"Vixien!" Isang boses mula din sa pinaglabasan ni Vixien at akmang hihiwalay na ako sa pagkakahalik nang hawakan ni Vixien ang panga ko at mas idiniin ang labi niya sa akin.

Hindi sa malamang dahilan ay hinayaan ko lang na nakalapat ang aming mga labi.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-alis ng presensya ng lalaki sa harap namin.

Kusa na ring humiwalay sa Vixien sa pagkakahalik at umalis sa pagkakaibabaw sa akin.

"Gee! That was-" isang tumataginting na sampal ang lumapat sa aking mukha habang abala ako sa pagpapagpag ng aking damit.

A Not So Flirty StoryWhere stories live. Discover now