I'm really trying to write in my free time and finish my target number of words. I don't want a chapter to be too short and unsatisfying to me. Trying to be productive eyy!
Enjoy! 😉
CHAPTER 25
VIXIEN'S POV
Tulog pa ang diwa ko nang makarinig ako ng kalabog sa pinto ko. Kumakatok si Manang at parang maliliit na ingay lamang ang siyang pumapasok sa tainga ko.
"Vixien! May bisita ka!" Tinanggal ni Manang ang kumot ko at marahan akong niyugyog.
"Ang aga, Manang. Wala naman akong natatandaan na lakad kasama si Kimmy." Binalik ko ang katawan ko sa pagkakabalot sa kumot at sinubsob ulit ang mukha sa unan.
"May bisita ka, Si Austin!"
Agad naman akong napamulat nang sabihin iyon ni Manang. Seryoso?!
Akala ko ba kasi magkikita kami sa mall na mismo?
Kahit blurred pa ang paningin ko ay nanlalambot akong nagmartsa papuntang banyo para maligo. "Manang, pasabihan ang abalang 'yun na liligo lang ako." bilin ko bago ko isara ang pinto ng banyo.
Ilang minuto rin ay lumabas na ako at naghanap ng outfit para sa pupuntahan namin ni Austin. Napaka-abala kasi dapat ilalaan ko ang araw na ito at ang Linggo para makapagpahinga.
I applied light make up only and brushed my hair. I wore my denim ripped jeans paired with white sando crop top and Nike white and black jacket. I used white sneakers as always. Nilagay ko lang ang wallet at phone ko sa Prada sling bag na dala ko at sumibat pababa.
Awtomatikong tumaas ang tingin sa akin ni Austin na hindi ko maikakailang gwapo sa porma niya. He looks good on his monster ripped jeans and harajuku style oversize white and blue stripe shirts.
"Oh ayan na pala siya!" Kinuha ni Mom ang atensyon ko. "Vixien, pinaghintay mo naman si Austin. Nakakahiya."
"Okay lang po, Tita." magalang na sabi ni Austin.
"You should eat first. Have breakfast with us." yaya ni Mom kay Austin.
"Nakakahiya naman po." Napakamot si Austin at tiningnan ako.
Kinalabit ako ni Mom at nakuha ko naman agad ang ibig sabihin niya sa pagkalabit na iyon."Tara na, wag ka na mahiya. Kumain na tayo." hinila ko na si Austin papuntang kusina at saktong tapos na maglagay si Manang mga table mats at mga pinggan pati na rin ng mga pagkain.
Naupo ako sa tabi ni Austin habang si Mom naman ay sa seat na laging kay Dad. Wala si Dad kaya siya muna ang umupo doon. Parang nagpiyesta na naman ang aking mata dahil sa dami ng hinanda ni Manang. Amoy palang, ulam na.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Kuya Ryle at Vibrance na naupo sa katapat namin.
"Good morning Kuya, ang pogi mo po." Vibrance giggle and stared and Austin like a fangirl.
Austin chuckled. "Thank you.. ikaw din ang cute mo din."
"No need to mention that Kuya. I already know that." ani ni Vibrance bago ininom ang gatas na nilagay ni Manang sa harap niya.
Biglang baling sa akin ni Austin at ngumisi. "May pinagmanahan naman pala."
I just answered him with a little laugh. Nagsimula nang magsalin ng pagkain si Mom at Vibrance.
"Oh. Little Aguas, why are you here?" Dahan-dahan akong nilingon ni Kuya Ryle. "Oh. I see... Hmmm.. May date kayo."
"No." depensa ko agad.
"Your "No" sounds defensive enough and I should tell you that you two look together. " he chuckled. " Baka isipin ko na..." Napansin ko din sa gilid ng mata ko na napapangiti si Mom dahil kay Kuya Ryle.
YOU ARE READING
A Not So Flirty Story
Teen FictionSynopsis: "A snake always gets its prey" -that's the motto of a well -known flirt and certified playgirl, Vixien Laurice Arellano in the Manuel Vilarama University. Vixien randomly flirts with the students in th...