CHAPTER 21: Dogs and Cats

7 1 0
                                    

Chapter 21

VIXIEN'S POV

"So magkakilala pala kayo?" kinuha ko ang first aid kit kay Manang at inilapag sa mesa.

Parang magkapatid na matagal na nagkahiwalay kung magbatian at magkamustahan ang dalawang ito.

"Arayyy! " Napasigaw si Austin sa hapdi nang sinimulan ko nang linisin ng alcohol ang sugat niya

"May betadine naman, bakit hindi iyon ang ginamit mo?" nagrereklamo ang pabibo.

"Matapang ka naman so kaya mo rin yan. Saka sayang sa betadine. " ngumiti ako nang pabiro at kumuha ulit ng bulak.

"Napano ka nga pala Austin at may sugat ka jan sa braso mo?" Si Kuya Ryle.

"He saved me from a holdaper Kuya. Sa mall. " sagot ko habang hinihipan ang sugat ni Austin bago pahiran ulit ng bulak na may alcohol.

Ngumiti na lang nang pilit si Austin dahil sa hapdi ng sugat niya.

"Thank youu little Aguas for saving my pamangkin." Kuya Ryle seems proud of Austin.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!" sabay-sabay kaming napatinging tatlo sa tili sa may pinto.

"RYLE MY LOVEEEE!!" nakakarindi ang pagtili niya.

Naibagsak na ni Kimmy ang mga paper bags na may laman na pinamili ko dahil sa pagkakilig dahil kay.. KUYA RYLE! SHIT!

Wala nga palang may alam na tito ko siya bukod kay Austin at sa pamilya ni Mommy at Daddy. Bukod pa doon, matagal ko nang alam na patay na patay si Kimmy kay Kuya Ryle kasi nga isa siyang sikat na mang-aawit sa buong mundo.

Parang palakang palukso-lukso si Kimmy na lumapit sa kinatatayuan namin si Kimmy. Kahit si Kuya Ryle ay nahihiya sa inakto ni Kimmy.

"Hi?" weird na usal ni Kuya Ryle.

Tumili na naman ang gaga at kinuha ang kamay ni Kuya Ryle. "Oh my god! Totoo ba ito?! Totoo ka ba?!" tumili pa ulit ang gaga nang mapagtantong totoo nga ang nakikita niya.

Pumasok na din si Nixiel na nilimot ang mga pinamili na naibagsak kanina ni Kimmy. Kahit siya ay napansin agad si Kuya Ryle. Hindi niya din pala alam.

Hindi siya tumili o mukhang naexcite pero imbes ay lumapit siya sa kinatatayuan namin at pinagkatitigan ang mukha ni Kuya Ryle para kumpirmahin kung totoo din si Kuya Ryle.

Hinawi ko na ang kamay ni Kimmy na nakasiklop na sa kamay ni Kuya Ryle na mukhang nahihiya at naiilang sa ginagawa ni Kimmy. Parang tanga.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na related ka kay Ryle ehh alam mo naman na die-hard Relic ako." reklamo ni Kimmy habang naglalagay ng pasta sa plato niya

*Relics ang tawag sa fans ni Ryle Hontiveros.

"Simply, ...kasi hindi kayo nagtanong" i smiled at her annoyingly.

"Che!" tampo ang gaga pero parang bulating inasinan kanina kung makapagpapansin kay Kuya Ryle.

Umiling-iling na lang ako sa kabaliwan ni Kimmy habang naglalagay ng pasta sa plato ko.

"So kayo ba ni Austin?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Kuya Ryle na ikinasamid ko.

"Hh...hhindi ah!.. kaklase ko lang siya!" depensa ko agad nang makabawi ako nang hininga.

"Sabi mo eh." ngumisi lang si Kuya Ryle na parang may kahulugan bago tumuloy ulit sa pagsubo ng pasta nang magring ang phone niya sa bulsa na sinagit naman niya agad at umalis sa dining room.

Nagkwentuhan at nagkulitan sa pagkagiliw kay Kuya Ryle si Nixiel at Kimmy. Para silang mga batang kung makahagikhik sa tawa. Kapag talaga nagkita ang dalawang magkalahi, alam na besh.

A Not So Flirty StoryWhere stories live. Discover now