CHAPTER 23: The Case of Mysterious Death Threats

10.6K 266 25
                                    

(A/N: Back to present time na po tayo!)

“What kind of case is it? Argh!! Ang daya!” hinagis ko yung phone ko sa may kama pagkarating ko ng bahay. Sabagay, knowing mom and dad, they can finish any case in no time. I shouldn’t even bother worry.

Now, what to do?

I was about to pull a book from my shelf when I heard the knock from my door. It was yaya Fe holding the cordless phone.

“Si Inspector Dy po sir Euclid,” sabi niya bago pa man ako makapagtanong.

“Ahh okay po!” tinanggap ko na lang ito at pagkatapos ay sinara na ang pinto.

“Hello uncle?”

“Euclid, are you busy now?”

“Ahm.. not really… Why? Is there a new case?”

“Well, there is someone who wants to talk to you… will you give her a time?”

“Who is she?”

“About that… well, you should see her yourself..” I can sense a little bit of hesitation on him.

“Confidential case?”

“Sort of.”

“Text me the address uncle! I’ll go there! Bye.” I ended the call.

Yosh! My instinct is telling me that this case is gonna be fun!

…or not?

After I received uncle text message, I immediately grabbed my keys and hurriedly went on the garage to prepare for my car. And now, I’m… here. Kasama ko si uncle na dumating sa mansion. May lumapit sa aming medyo bata pang katulong.

“Good afternoon sir, hinihintay na po kayo ni Sir Greg sa living room,” sabi niya sa’kin. Nagpaalam na ko kay uncle Dy at pagkatapos ay sumunod sa kanya.

“G-good afternoon E-Euclid! I-I am—“

“Samantha! Ayusin mo nga ang pagsasalita mo’t nakakahiya sa bisita natin!”

“Ah y-yes papa! S-Sorry E-Euclid! Ahh k-kasi ang totoo—“

“This is enough! Euclid, let’s talk! You stay here Samantha!” mukhang iritableng sabi ng matandang lalaking katabi ng babaeng sabi ni uncle ay siyang ‘client’ ko. Tumayo na siya at wala kong nagawa kundi sumunod na lang dito. Pumasok kami sa isang room na hula ko siyang study room ng matanda. May dalawang mahabang sofa sa loob nito na may mesa sa gitna at sa may isang sulok ay may di kalakihang mesa na may mga libro sa ibabaw. May mga book shelves din sa isa pang sulok ng kwarto.

“Take a seat,” sabi nito pagkatapos maupo sa mahabang sofa. Naupo ako sa sofa kaharap nito.

“The truth is my daughter Samantha has been receiving death threats for a week now.”

“Death threats?”

“Yes. It was started last Monday. Someone broke the glass window in her room. Nang icheck ng mga maids kung anong nangyari, may nakita silang isang bato na nababalutan ng puting papel. Nang tingnan nila ito, may nakasulat ditong ‘DIE’. Gabi nang araw ding iyon, may nareceive na tawag ang anak ko na nagsasabi na ‘Magtago ka na, papatayin kita!’. Noong una hindi niya pa masabi sa’kin ang tungkol dito dahil natatakot siya, malamang binantaan siya nang kung sinumang tumatawag sa kanya na wag humingi ng tulong sa iba. Pero kagabi, nang makita ko siyang namumutla habang hawak ang telepono, napaamin ko siya. Umiiyak siya habang sinasabi sa’kin ang mental harassment na ginagawa ng kung sinumang walanghiyang iyon! Kaya agad kong tinawagan ang uncle mo para humingi ng tulong. At ikaw ang nirecommend niya.”

Euclid Shellingford (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon