Bukas ang pinto ng kwarto papuntang terrace. Mga apat na metro ang taas nito mula sa pinakababa.
Walang bakas na may bumaba mula dito. May maliit na espasyong pwedeng malakaran sa may pader mula dito papunta sa kabilang silid.
Kung susuriin naman ang buong kwarto, wala namang makikitang kakaiba.
"Nakikiusap ako sayo hijo! Palayasin mo na ang masamang espiritung iyon! Hindi ko na makakaya pa ito na pati asawa ko namatay ng dahil sa kanya!!"
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. First and foremost, hindi ako paranormal expert. Hindi ako naniniwala sa mga paranormal activities. Second, this family are convinced na mga spirits ang dahilan ng mga nangyayari sa bahay na ito. How am I going to explain na maling matakot sa mga bagay o taong di naman natin alam kung talagang nageexist? Third, I need to gather clues here. May pakiramdam akong nasa malapit lang ang sagot sa misteryong nakapaloob sa bahay na ito.
"How is it uncle?"
"Hmm.. ang sabi niya may napansin daw siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Madame ilang minuto bago mawalan ng ilaw. Hindi niya daw ito pinansin kasi papasok siya nun sa kwarto niya. Maya-maya nakarinig daw siya ng tunog na parang may mabigat na nabagsak. Paglabas niya ng room nawalan ng ilaw tapos nung pinuntahan niya ang kwartong ito, kumatok daw siya ng sunud-sunod. Nang walang sumagot, pinihit niya ang seradura at dun niya nalamang bukas pala ito. Natagpuan niyang walang malay si Madame kaya nilapitan niya daw ito't nalaman nyang di na ito humihinga. And yun nga, sa gulat niya nagsisigaw siya. Pinuntahan siya ng maid na si Claire at yun na yung naabutan nating tagpo"
"Hmm.. kung tama ang pagkakaalala ko.."
"Alyssa!! Anong nangyari ah? Okay ka lang ba?" Napalingon kami ni uncle sa matangkad na lalaking bagong dating. Nilapitan agad nito si Alyssa at niyakap.
"Siya ba si Mr. Padua?"
"Ah oo.. siya si Engr. Gray Padua, kararating niya lang galing sa Manila."
Hmm.. kasingtangkad niya yung lalaking muntik ko nang mabangga.
Huh? May basa yung laylayan ng pantalon niya...
Teka... may kailangan nga pala akong icheck. Lumabas na ko ng kwartong iyon. Pumunta ako sa katabing silid nito.
Nakalock.
"Ahm excuse me, Claire.. may susi ka ba ng kwartong to?"
"Ah yes sir..pero para san po? Ano pong gagawin niyo sa room na yan?"
"Ahh..may gusto lang akong tingnan, kung pwede?"
"Ahh sige po," pagkasabi niya, inabot niya na sakin yung susi.
So it was a storage room..
Puro mga lumang gamit ang nandito. Maalikabok.
May mga lumang books din dito. Chemistry, Physics, Electronics.. nagbuklat-buklat lang ako sa mga ito.
(Grin) Now I know the trick.
Sinarado ko ang libro at nagtuloy-tuloy palabas. Dumiretso ako sa may kusina.
Mainit pa ito.. tama ang hinala ko.
Now as for the 'ghost', I just only have to look for some files.. I went to my room and turned on my laptop.
Identity confirmed.
Identity confirmed.
Identity denied.
Sabi na ehh!
Searching for identity..
Complete.
The data is confirmed to match with
Clark Louis A. Locsin.
Great.
Just great.
***

BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mistero / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...