"Ate Nicole... ano ba talagang nangyari? Papa'nong iba yung natagpuang bangkay seven years ago?" tanong ni Nickan kay Nicole. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang round table.
"Ahh yun ba? Nung araw na kinidnap ako at dalhin ng Dark Chaos sa headquarters nila, nalaman nila agad na hindi ako ikaw. Their original plan was to get you again and disposed me pero nagbago ang plano nila nang dumating ang taong yun," tumigil siya saglit at uminom ng juice.
"Sinong dumating?" tanong ni Nickan dito.
"Vollfied, the Dark Chaos' boss that time," natahimik kami. Siya yung pinatay ni Huskar sa mismong birthday party ni Nickan months ago. "I was forced to undergo different trainings para maging isa sa kanila. I was so young that time and all I can do was to follow their orders. Sabi kasi nila, kapag may nagawa daw akong misyon para sa kanila at natuwa sila, palalayain na nila ko. So I really do my best. You know how good I am when it comes to programming right? I was trained to hack big security systems. Akala ko kasi, palalayain na nila ko pagkatapos. Pero hindi pala..."
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.
"Nung nagtry akong tumakas, naaksidente ako. I was in a coma for almost a year at pagkagising ko, wala kong maalala. So I lived like how they ordered me to live. Siguro yung nakita niyong bangkay na inakala niyong ako, malamang Dark Chaos din may gawa nun. Wala kong kaalam-alam na may pamilya pa pala ko. Kaya pala parang may kulang sa pakiramdam ko nang mga time na yun. And, Neil was the one who saved me that time. He was the one who noticed that there was something wrong with me that's why I'm really thankful with him," nakasmile siyang tumingin sa katabi niyang si Nessaj. "Tinulungan niya kong tumakas at lumayo. Lately, nalaman naming patay na si Vollfied at bumalik na rin ang alaala ko kaya naisipan na naming lumabas mula sa pagkakatago. At ngayon na nga ang araw na iyon... sorry for making you all worry."
"Ate... I didn't know kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo... If only I know...," sabi ni Nickan habang humihikbi. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at inabot sa kanya. Tumingin siya sa'kin na parang may gustong sabihin. Pinatong ko yung kamay ko sa ulo niya, "It's not your fault. Stop blaming yourself okay?" bulong ko sa kanya. Nagtuluy-tuloy pababa yung luhang pinipigilan nito. "Aish! Tumigil ka na nga sa pag-iyak! Pumapangit ka na ohh!" umiwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo. Nakita ko sa may isang sulok si Sven kausap si Razor. Tumayo ako para lapitan sila.
"Boss!" salubong sa'kin ni Razor.
"Happy birthday Razor!" bati ko sa kanya. "How's the investigation Sven?" baling ko sa kasama nito.
"I told the M.I agents to be alert if any suspicious thing happens but I haven't told the senior agents about the threat yet," mukhang problemadong sabi niya.
"Not even one?"
"I... well, you know their attitude. They won't easily believe junior agents like us!"
"Now that you mention it," hinanap ng paningin ko yung mga senior M.I agents, sila yung class of agents na more than 50 years ng nasa serbisyo. Kakaunti na lang ang population nila dahil yung iba, nagretire na.
And at that instant moment I laid my eyes on them, a chandelier from above fell.
"No way!" tumakbo kami nila Sven para tulungan yung dalawang matanda na nabagsakan. Punung-puno sila ng dugo. Nagsigawan ang iba pang bisita. "Razor! Call the ambulance!" sigaw ko sa kanya habang inaangat yung mga piraso ng chandelier na nakadagan pa sa katawan ng matanda. Mukhang nahihirapan na itong huminga. Patakbong lumapit papunta sa'min sila Nickan at tumulong.
"Sven! Roshan! Evacuate the guests!" sabi ko kay Sven at Roshan. Pipihit na sana sila paalis nang makarinig kami ng mga pagsabog mula sa isang side ng hall. Lalo pang nagkagulo ang mga tao. "Sh*t! Hurry!" kumilos na ang dalawa at nagmamadaling nilapitan ang mga guests para iguide papunta sa ligtas na lugar. Pagkadala ng mga staff ng ambulance sa dalawang matanda, hinawakan ko ang kamay ni Nickan at hinigit sa isang tabi.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mystery / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...