Back to Euclid's POV
"Hey Euclid naisip mo ba minsan kung anong dahilan ng Dark Chaos bakit nila ginagawa yung mga krimen nila?" narinig kong tanong ni Nicolai habang nagbubuklat ng dyaryo. Nakaupo kami sa may sofa ng living room.
"Criminals differ from one another. The reasons why they're doing that... doesn't matter to me," sagot ko at pagkatapos, humigop ako ng hot chocolate.
"Hmm... malay mo wala lang talaga silang choice kundi gumawa ng krimen?"
"No choice? Tss... They always have a choice. Parang ganito lang yan," binaba ko yung iniinom ko at umayos ng upo. "Anong favorite mong food?"
"Ha? Hmm... baked mac."
"Okay. So what if pinagbawal sayo ng doctor na kumain ng baked mac kasi makakasama sa kalusugan mo, kakain ka pa ba?"
"Halaa.. wait, as in hindi ako pwedeng tumikim man lang? Ganun?"
"Hindi ka naman mamamatay, manghihina ka lang. Ganun... So kakain ka pa ba?"
"Hmm... titikim pa rin ako aba! Mahirap tanggalin sa sistema ko yung baked mac! Parang yung sweets lang sayo di ba? Baka lagnatin ka pag di ka nakakain ng sweets sa isang araw! Hahaha"
"See? Kahit alam mong bawal, kakain at kakain ka pa rin! Ganun din sila... they know that what they're doing is wrong pero ginagawa pa rin nila dahil may something sa loob nila na nagsasabing gawin yun! I'm not saying na they're naturally bad, afterall wala naman talagang masamang tao. But because of some situations, people tends to change. If it was for the better or for the worse, it's their decision."
"You have a point there. Oo nga pala, hindi ba ang leader ng Dark Chaos ay si Vollfied? His right hand is Huskar... at pareho na silang patay? At dahil nag-eexixt pa rin hanggang ngayon ang Dark Chaos, ang ibig sabihin may bago na silang leader at members..."
"That should be expected. Nameet na natin si JTR and she was young. Si Moriarty, nakita ko na rin ang build ng katawan when he shot Nickan before and I can tell na hindi pa siya ganun katanda. Malamang may mga bago silang recruit na members na nasa age bracket na iyon"
"At si Moriarty ang leader?"
"Probably. Base dun sa sinabi ng witness nung pinatay si Huskar, tinawag ni Huskar na boss yung pumatay sa kanya. That 'boss', malaki ang possibility na siya si Moriarty base na rin sa description na binigay nung witness."
"So posibleng nagkaroon ng internal conflict sa kanila kaya nila ineliminate si Vollfied."
"Posibleng planado yun. Sa hierarchy kasi, kapag namatay ang pinakaleader, ang papalit dito ang kanang kamay. Kapag namatay ang kanang kamay, susunod sa panunungkulan ang sunod na may mataas na rank. Parang politics lang din," sumandal ako sa sofa at pumikit.
"Hmm..."
May naramdaman akong malamig na lumapat sa mata ko. Hinawakan ko ito. Kamay?
"Oi Nicolai You're into gay stuffs now?" pilit kong inaalis ang pagkakatakip sa mata ko.
"Ha? Stop imagining things Euclid! Never will I try to do that on you!" rinig kong sagot ni Nicolai. Nagmula yung boses sa kabila. So hindi ito si Nico?
My heart has skipped a beat.
"N-Nickan?" tanong ko.
"Surprise!!" tinanggal niya na yung kamay niya mula sa pagkakatakip sa mata ko at nakangiti siyang tumingin sa'kin. Lumipat siya ng pwesto at tumabi na sa'kin. "D'you miss me?"
"Ha? Asa ka!" kinuha ko yung throw pillow na nasa likod niya at niyakap ito.
"Tss di mo man lang akong namiss? Excited pa man din akong umuwi kasi baka nalulungkot ka na't wala ako sa tabi mo!" pakiramdam ko nag-init yung buong mukha ko.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mystery / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...