“Ang pangalan ng biktima ay Marielle Garcia, 25 years old. Ang kinamatay niya ay ang saksak sa kanyang tagiliran na bumaon ng mga 5 cm. Ang tinatayang time of death ay sa pagitan ng 11 o’clock at 12 noon. Ang kutsilyong ginamit ay natagpuan malapit sa katawan niya kasama ng mga nagkalat niyang gamit. Base sa mga nakita naming ebidensya, mukhang isa itong robbery-murder case,” paliwanag ng police officer.
“Sa tingin ko hindi ito isang simpleng robbery-murder, Mr. Officer. Dahil kung titingnan niyo yung mga gamit na nagkalat, nawawala yung wallet niya pero yung cellphone niya nasa bulsa pa rin. Kung talagang magnanakaw yung nakapatay sa kanya, hindi ba dapat buong bag na yung dinala niya?”
“May punto ka diyan pero posible namang sa kamamadali ng magnanakaw, hindi na niya nagawang kunin yung ibang gamit ng biktima,” sabat ni Detective Martinez.
“Bakit siya magmamadaling umalis gayong hindi naman matao sa lugar na ‘to? Walang makakapigil sa kanyang kunin yung lahat ng gamit ng biktima. At isa pa, hindi ba ang mas nakakapagtaka ay kung bakit nasa ganitong lugar ang babaeng katulad niya nang walang kasama? I mean, hindi matao ang lugar na ‘to… Normally, hindi maglalagi ang babae sa ganitong lugar… unless…”
“Unless what?” tanong ni Detective Martines.
“Unless may inaasahan siyang dadating,” dugtong ko sa sinasabi ko.
“I see… kung may imimeet siya sa lugar na ‘to, hindi nakakapagtaka kung bakit siya nandito. At posibleng ang pumatay sa kanya ay ang kung sino man ang imimeet niya dito,” pahayag ng detective. Napangiti ako. “Officer Santos, alamin mo kung sinong dapat imimeet ng babaeng ito dito,” utos niya sa isa sa mga officer.
“Hindi na kailangan yan detective. Malalaman natin ang sagot sa tanong mo kapag kinausap mo ang tatlong yun,” turo ko sa tatlong nakatayo kasama ni Nicolai. Pinabantayan ko sila dito para masigurong walang tatakas sa kanila. Nilapitan sila ng detective at sinimulang kuwestiyunin.
“Ahh I’m Tess Herrera, natanggap ko ang sulat na ‘to kahapon kaya ako pumunta dito,” sabi niya sabay pakita sa puting papel na bahagyang gusot na.
“Teka nakatanggap ka din ng sulat? Yun ba yung may message na dapat munang idecode? Teka, tingnan natin kung pareho nakalagay!” sabi nung isang lalaki. Maya-maya pinakita niya yung puting papel at tiningnan kung magkapareho ang natanggap nila.
“Hmm… mukhang iisang rason lang kung bakit tayo nanditong tatlo ahh… at yun ay ang sulat na ‘to,” sabat nung isa pang lalaki habang hawak sa kamay yung puting sobre.
“So lahat kayo nakatanggap ng sulat mula sa biktima para magmeet sa lugar na ‘to ng ganitong oras?” tanong ni detective.
“Mukhang ganun na nga Mr. Detective. Mahilig kasi talaga si Marielle gumawa ng mga message na ganyan kahit noon pa,” sabi nito.
“Teka, kilala niyo personally ang biktima?”
“Nasa iisang club lang kami nung college, logic and arts club. Ang pangalan ko ay Troy Perez, magkaedad lang kami ni Marielle. Nang makita ko sa mail box ko ang sulat kahapon, naisip ko kaagad na siya ang nagpadala nito kaya excited akong pumunta. Dumating ako ng mga 11:50am at naabutan kong sumisigaw ang babaeng ‘to kaya napatakbo ako palapit. Halos kasunod ko lang din dumating si Leo. Nakita naming walang malay si Marielle kaya nilapitan namin siya’t pinulsuhan. Doon namin nalamang patay na siya kaya tumawag ako ng pulis. Tapos dumating yung binatilyo and the rest, alam niyo na nangyari,” pagkekwento nito.
“Ang pangalan ko naman ay Leo Famenial, at tulad nila, kahapon ko natanggap ang sulat. Halos apat na taon din kasi kaming walang balita kay Marielle kaya naexcite akong makita siya kaya mas maaga sa call time ako dumating. Dumating ako ng mga 11:40am sakay ng kotse ko pero nung tumanaw ako, wala pa naman akong nakitang tao kaya nagroad trip na lang muna ako. Bumalik ako ng mga 11:55 at nakita kong nagkakagulo si Tess at Troy kaya napababa ako at doon ko nakita ang katawan ni Marielle na walang malay,” paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mystery / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...