CHAPTER 2.3: His deductions

17.5K 608 73
                                    

"There are many things worth living for, a few things worth dying for, and nothing worth killing for" -Tom Robbins

***

"Anong resulta?" Tanong ko.

"Negative po sir. Wala pong trace ng lason sa mga cups, spoons and plates nila."

"Ganun ba? Sige salamat"

How did he make Nico ingest the poison? Hmm..

Don't tell me...

Nilapitan ko yung officer kanina at binulungan.

"Salamat po," sabi ko.

Kung tama ang hinala ko...


"Nico may isang slice pa ng cake oh, kunin mo na!" Alok ni Eder dito.

"Hindi nakain ng cake si Nico," sabi ni Carl.

"Ganun? Ang sarap-sarap pa man din! Siya akin na lang!," kinuha niya yung natitirang slice at kinain ito.

"Bakit naman ganto timpla mo Mai? Ang tabang!! May asukal ba to?" Sabi ni Rachel pagkatikim sa kape.

"Eh matamis yung cake eh.. kaya hindi ko na nilagyan ng asukal yung kape," sagot ni Mai.

Kaya pala sabi ko parang may kulang sa kape...

"Pagpasensyahan niyo na.. hindi talaga naglalagay ng aukal si Mai sa kahit anong inumin. Nasanay kasi siya kay daddy, diabetic kasi yun!" Paliwanag ni Gray.

Tama! Siya na nga ang gumawa nun.. kung ganun.. bakit...

"Ano ba yan! Hindi na nga nadadagdagan yung mga clues para masolve yung kaso ni Chris, nabawasan pa tayo!" Sabi ni Eder.

Teka.. dagdag? Bawas?

A grin has formed in my lips. So that's what happened huh?

"Sir confirmed po! Positive nga po yun sa potassium cyanide!" Report sakin nung forensic officer.

"Great. Just great."

***

"Now let's end this game," I said. I've gathered everyone in the living room where the second crime happened.

Euclid Shellingford (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon