CHAPTER 24: The Cryptographer's Message (Part 1)

9.1K 231 22
                                    

“Anong nangyari sa’yo at nakasimangot ka diyan? Para kang naiwan ng bus ah!” pang-asar na tanong ni Nicolai pagkauwi ko. Nalimutan kong dito pa nga pala natuloy ‘tong isang ‘to.

“Mind your own business!” sabi ko sa kanya. Umupo ako sa sofa at pumikit. Naalala ko na naman kung paano ako natakasan ni JTR.

Asar! Pangalawang beses niya na kong natatakasan! Namumuro ka na JTR!

“Siya nga pala may nakita kong letter sa mail box kaninang umaga. Bubuksan ko na sana kaso baka love letter para sa’yo, sayang naman kung ako unang makakabasa,” narinig kong sabi niya.

Minulat ko ang mata ko at nahagip nito ang isang puting sobre sa may mesa. Inabot ko naman ito.

“White envelope love letter? Tss!” sabi ko sa kanya. Tumawa lang ito ng nakakaloko. Kanino naman kaya galing ‘to?

Tiningnan ko muna ang labas ng sobre, walang kahit anong nakasulat dito. Walang stamp? Ibig sabihin hindi dumaan sa post office. Hmm…

Binuksan ko ang sobre at binasa ang nakasulat dito. Now let’s see what we have here…

Scarlet plus time fret alto tremor borrow flat midnoon blackpark overview civil voila mage both weird airbus must drop.

Automatically, napakunot-noo ako. What the heck is this? Mukhang napansin naman ni Nicolo ang reaksyon ko kaya napalapit siya sa tabi ko.

“Tss… a cryptograph message eh?” sabi niya.

Tiningnan ko maigi ang nakasulat at pagkatapos ay ipinatong ko na ulit ito sa mesa. Tumayo na ako at kinuha ang coat sa sofa. Dumiretso ako sa hagdan.

“Oi, saan ka pupunta?”

“Matutulog na!” sigaw ko sa kanya.

“What? Eh pa’no ‘tong message? Baka importante ‘to sige ka!”

“I’m not needed this day so I’ll go take some rest now!” tinuloy ko na ang pag-akyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Bago ako pumasok sa kwarto, tinanaw ko muna ang reaksyon ni Nico. Nakatayo pa rin siya sa harap ng hagdan hawak yung letter. Napangiti ako at napailing.

Yosh! Need to take some rest!

I was about to close my eyes when I heard a knock from my door. Tinatamad man, bumangon na lang ako para pagbuksan siya.

“What?” tanong ko sa kanya.

“You figured it out right? Tell me! Anong ibig sabihin nung message?” hawak-hawak niya pa rin pala yung letter hanggang ngayon.

“Hindi mo pa rin nakukuha?” Mga 30 minutes na lumipas simula nang umakyat ako ahh…

“Magtatanong ba ko kung nagets ko na siya?” mukhang pikon na naman siya. Napabuntong-hininga na lang ako habang niluluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

“Pasok!”

Pagkaupo niya sa may sofa sinenyas niya agad yung sobre kaya wala akong nagawa kundi umupo sa sofa na nasa tapat nito.

“Una, anong napansin mo sa letter?” tanong ko sa kanya.

“It doesn’t make sense at all,” inis niyang sagot.

“You’re right. It doesn’t make sense when you leave it like that,” mukhang nagtaka siya sa sinabi ko.

“Sinubukan ko namang iscramble yung letters and words pero wala pa rin akong napala! And yet, pagkabasa mo sa letter kanina nakuha mo na agad yung message? Aish!”

“Wala ka na bang ibang nakita sa letter?”

“Ha? Wala naman na ahh! May nakasulat ba sa likod? Wala naman!” sabi nito habang sinisipat yung letter maigi. Mukhang natigilan ito saglit. “Anong—“

Euclid Shellingford (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon