A/N: I just wanna remind all my readers that all the names I used in this story were just products of my wild imagination! Any resemblance to real persons' names may only be coincidence. Thank you! Next update will be after AT LEAST 5 votes! See yah! :)
***
"Words are like swords. If you use them the wrong way, they'll turn into ugly weapons. There are cases of broken friendship that could have lasted a lifetime if not for verbal abuse. Once you sever your ties, you might not see each other again."
--Edogawa Conan (Movie 15: Quarter of Silence)
***
Two weeks after the Code Quest...
I yawned for the nth time again this day. Nagiging antukin na yata ko these past few days ah. Nilingon ko naman si Nickan na kakarating lang.
"Agang-aga inaantok ka Euclid?" umupo siya sa tabi ko.
"So?"
"AHH!! Tara samahan mo na lang ako sa canteen para di ka na antukin!"
"Ha?T-Teka-" hindi na ko nakatutol nang hinila niya na ko palabas ng room.
"May 10 minutes pa naman kaya okay lang yan!" hyper niya pang sabi at saka ako hinila palabas ng room.
Bahala na nga siya...
Paliko na sana kami dun sa isang corridor nang may makita kaming nagtatalo.
"Sige hihiwalayan ko na ang kaibigan mo! Total yun naman ang gusto mo di ba?"
"Ha? Anung sinasabi mo?"
"Tsk! Nagmamaang-maangan ka pa? eh totoo naman di ba? Ayaw mo sa'kin para sa kaibigan mo!?"
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo okay? Aalis na ko't may klase pa ko!" aalis na sana siya pero tinulak siya pabalik nung lalaki.
"Hah! Akala mo kung sinong mabait! Nasa loob naman ang kulo! Plastic!"
"What?," mukhang maiiyak na yung babae.
"Bakit? Masakit bang marinig ang totoo ah? PLASTIC? Alam mo, ikaw na yata ang pinakamasamang taong nakilala ko!"
"ALDWIN!" siyang dating nung isang babae.
"S-Shanty.."
"Wag mo ngang awayin si Joanna! Ano bang problema mo ah?"
"Itong kaibigan mo kasi! Sinasabi ko lang naman sa kanya kung gaano siya kasama!"
"What?" mukhang napaisip naman ito at parang medyo nataranta.
"Hoy ikaw Joanna! Ang kapal ng mukha mong pahirapan 'tong girlfriend ko? Ginagawa mo siyang alalay? Ang kapal!!!"
"Anong sinasabi mo diyan?" tanong nung Joanna.
"Hah! Ang galing mo talagang magmaang-maangan! Plastic na, masama pa ugali!!"
"Stop it Aldwin! Tara na nga! Bwisit!!" hinila na nung bagong dating na babae yung lalaki. Naiwan namang natitigilan yung babae.
"Are you okay?" tanong ni Nickan dito. Mukhang nagulat naman yung babae sa paglapit namin. Ang intense ng dramang nasaksihan namin. Kung nauwi pa siguro sa pisikalan ang away, baka nangialam na kami kahit di namin sila personally kilala.
"N-Nakita niyo yung mga nangyari?"
"Ahh oo.. eh kasi padaan kami.."
"Ang lalaking yun.. wala siyang kasing-sama!!" maluha-luhang sabi nito.

BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mystery / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...