10 years ago nagsimulang 'magparamdam' ang sinasabi nilang spirit ni Cleo. Well that makes sense.
I clicked a key until the data I need popped out the monitor.
So this is his reason huh? I turned off my laptop after closing all the application I run. I guess its time to put an end to this 'ghost story case'.
"Aaahhhh!!" umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong bahay.
Tumakbo agad ako sa pinanggalingan ng boses. It's from Jim.
"Ayos ka lang ba?" agad kong tanong sa kanya.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Theo na nagmamadaling nilapitan ang bunsong anak. "Nasaktan ka ba? Anong nangyari?"
"M-may biglang pumasok sa kwarto ko mula sa terrace a-at may dala siyang kutsilyo, s-sa takot ko tumakbo agad ako palabas! N-natatakot ako! Bakit niya ko gustong patayin?" Namumutla nitong sabi habang bahagya pang nanginginig sa takot. I exasperatedly sighed as I looked inside his room then back at him.
"Hmm.. siguro dahil may ginawa ka para pagtangkaan ka niyang patayin?" Sabi ko sa tanong niya.
"W-wala naman akong ginagawang masama ahh!" depensa agad nito.
"You have this bad habit na basta na lang magbukas ng room ng iba di ba? Tell me.. ginawa mo ulit yun, right?"
"H-ha? A-anong sinasabi mo? Eh ano naman kung may habit akong ganun?" Naguguluhan nitong tanong.
"There's a high probability that you've been involved in some private matters na wala ka dapat kinalaman. Na dahil sa bad habit mong yan, may hindi ka sinasadyang malaman?"
"Ahh? Ehh ano namang malalaman ko eh sandali ko lang naman binubuksan yung mga rooms nila?"
"Marami... pero ang mahalagang pwede mong makita ay... itinatagong identity. Hindi ba Claire Arale? Or should I say Clark Louis Locsin?"
"LOCSIN??!!" gulat na gulat nilang tanong.
Lumabas ito mula sa may pinto sa katabi ng kwarto ni Jim.
"A-anong sinasabi niyo Mr. Euclid? Hindi ko kayo maintindihan," pagmamaang-maangan pa nito.
"35 years ago, namatay si Cleo Locsin sa lugar na ito. It was during their school trip. They were on their last year in college, si Cleo, si madame Cassandra at si sir Theo. Tama po ba sir?"
"Ah o-oo tama, pero anong kinalaman nun dito?"
"Hindi ko alam kung alam niyo ito pero Cassandra and Cleo were married that time."
"Married? Teka imposible yan hijo... wala silang relasyon!"
Kinuha ko sa bulsa ko yung picture na nakita ko sa library kanina at inabot sa kanya.
"Ah alam ko tong picture na ito, may kopya kaming tatlo nito!" Tiningnan niya ang likod nito. "Teka, kopya ito ni.."
"C.Locsin. It's Cleo's copy. Ang camping niyong iyon, si Cleo ang nagsuggest hindi ba?"
"Oo! Kasi sabi niya para malapit lang daw sa vacation house ng--teka wag mong sabihing--"
"This house... is originally Cleo's. Pero dahil namatay na siya, ang lahat ng pag-aari niya ay napunta sa asawa nitong si Cassandra."
"Pero imposible! Papaanong hindi ko nalaman? Hindi ba dapat malalaman ko yung mga proseso nun?"
"Magaling ang asawa mo.. at ang abogado niya na siyang nagtago ng lahat--Atty. Ren Medina, your college professor na namatay seven years ago?"
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mystery / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...