“The victim’s name is Eunice T. Lucero, 36 years old, plain housewife of Mr. Aaron R. Lucero. Cause of death—hemorrhage caused by the chest wound, ang tinatayang time of death ay nang oras na atakihin siya dito sa veranda ng mga 11am habang may kausap siya sa phone. Ang prime witness ay ikaw Mr. Lucero at Euclid, tama ba?” tanong ni Inspector Palma habang sinusulat sa maliit na notebook ang paunang impormasyon sa kaso.
“Ganun na nga... birthday niya kasi ngayong araw kaya naman may maliit na salu-salo dito. Pero dahil ngayon lang ako nagkaday-off sa trabaho, I decided na puntahan muna yung anak ko na nasa hospital. Gusto ko kasi sanang ipakausap siya kay Eunice since hindi pa pwedeng lumabas ang anak ko...” malungkot na sabi ni Mr. Lucero dito habang nagpupunas pa ng pawis sa noo.
“Hmm.. bago ka pumuntang ospital, nasa bahay ka lang ba?” tanong ni Detective Martinez.
“Ah hindi.. maaga akong umalis ng bahay para bumili ng regalo para sa kanya.. pagkatapos kong mamili sa Southern Mall, dumiretso agad ako ng ospital.”
“May patunay ka ba sa sinasabi mo?”
“Hah? Para san pa? Hindi ba namatay yung asawa ko nang mga oras na kausap ko siya sa cellphone?”
“Ahh pasensya na.. this is just a procedure kaya namin tinatanong...”
“Ito yung resibo nung binili kong kwintas sa jewelry shop ng mall, may date at time yan,” sabi nito sabay abot ng resibo kay Inspector. Lumapit ako dito para tingnan din ito.
10:38 am...
Mula sa Southern Mall, aabutin ng mga 10 minuto papunta dito, at mula dito, 15 minuto papuntang ospital. At dahil 11am ang time na nakalagay sa call register ng cellphone ni Mr. Lucero at ng asawa nito, dagdag pa na kasama namin siya nang tawagan niya ang asawa niya... lumalabas na perpekto ang alibi niya. Imposibleng siya ang pumatay. Pero ano ‘tong masamang kutob na nararamdaman ko? Pakiramdam ko may namimissed out ako sa kasong ‘to...
“Kayong tatlo naman, pwede niyo bang sabihin ang mga pangalan niyo’t dahilan kung bakit kayo nandito?” baling ni Inspector dun sa tatlo. Nagtinginan naman ang mga ito.
“I’m Arvin Certero, Eunice’s college friend. She invited me here kaya ko nandito,” sabi nung isang lalaki. Kasing-tangkad siya ni Mr. Lucero at may nakasabit pang headset sa leeg nito.
“Ganun din kaming dalawa ni Shierly. Tinawagan kami ni Eunice kahapon para sa birthday niyang ‘to!,” sabat nung isa pa.
“Your name, miss?,” tanong ni Inspector.
“Flerie Cruz, college friend din ni Eunice,” sagot ng babae. Matangkad ito at may mahabang buhok.
“At ikaw, miss?” tanong niya dun sa isa pang babaeng katabi nito.
“Shierly Rivera, classmate ko si Aaron nung college.” She was the one who opened the door for us a while ago.
“Teka, hindi kayo magkakaklase?,” mukhang nagulat sila sa biglaan kong tanong.
“Ahh hindi.. computer engineering kami ni Flerie at Eunice, sila Aaron at Shierly, electronics engineering,” sagot ni Arvin dito.
“Ahh..,” saad ko.
“At ano namang ginagawa niyo nang maganap ang krimen bandang 11AM?,” tanong ni Detective.
“Ahh nasa leisure room lang kaming tatlo nang mga 10:30, lumabas si Eunice nung mga 10:45, sabi niya kukuha lang daw siya ng drinks sa kitchen. Mga ilang minuto pagkatapos niyang lumabas, lumabas din si Shierly,” sagot ni Arvin.
“Nakita ko pa nun si Eunice na kumukuha ng drinks kaya tinulungan ko siyang magdala. Nagring yung cellphone niya kaya sabi ko mauuna na ko sa leisure room,”sabi naman ni Shierly.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 1)
Mystery / ThrillerA renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has been trained since he was a child. Much to his surprise, what welcomed him there is not exactly as the...