CHAPTER 14: The Owner of the Coded Messages

11.3K 345 63
  • Dedicated kay Dennis Jhones Limbag
                                    

(A/N: Dedicated kay kuya na nagbigay ng suggestion sa chapter na to haha, thanks kuya!! ^_~)

***

“What’s that?”

0000011010001100100100100111
0010000000000100101110110101
B-->D-->E

“Digital codes,” I answered.

“Ohh.. then itong B-->D-->E.. hmm... Binary to Decimal to... ano yung E?”

“Mamaya na yung E. Sa B-->D muna tayo.”

“Okay!”

Kumuha muna ako ng scratch papers at inabot sa kanya ang iba.

“Isulat muna natin yung codes. Dapat magkaiba tayo ng way ng pagdecode para mas mabilis, okay?”

“Aye aye!,” Nagsign pa siya ng pagsaludo at saka sinimulang isulat ang binary codes. Tsk! Childish!

Nagsimula na rin akong isulat yung digital codes sa papel.

0000011010001100100100100111
0010000000000100101110110101

So kung tama ang nasa isip ko, posibleng dalawang word or dalawang sentence lang ‘to. 56 digits of 0s and 1s… kung hahatiin ko sila by 4, pwede siyang madecode into hexadecimal!!!

Let’s see...

0000  0110  1000  1100  1001  0010  0111
0010  0000  0000  0100  1011  1011  0101

Then...

0  6  8  C  9  2  7
2  0  0  4  B  B  5

Jeez… these numbers do not make any sense!

(A/N: Ang pagconvert po ng binary to hexadecimal is first, you have to divide the bitstream by 4, then 8421 kasi yun.. so ibig sabihin kung anu yung may 1 dun, may value syang equivalent okay? Example: 0111=0421=4+2+1=7! 7 ang equivalent hexadecimal niya! In case na lumagpas ng 9.. ang kasunod na nito ay A-F. Example: 1011=8021=8+0+2+1=11=B!! gets? ^_^)

“Hmm.. Euclid, anong element ang may atomic number na 3?”

“Lithium,” sagot ko. So back to square 1 ako since mukhang mali ang hexadecimal conversion…

“Eh number 35?”

“Bromine,” sagot ko sa kanya. Kung B-->D talaga… pwedeng by 7 bits…

“No. 18?”

“Argon! Teka, para san ba yan?,” tingin ko sa ginagawa niya. Napakurap-kurap naman ako nang makitang malapit na siyang matapos sa pagdecode.

“Err.. nakita ko kasing by 4 na ang ginagawa mo kaya by 7 na lang ako. Since 28 digits yung dalawang row... tapos saka ko siya nirekta na convert sa decimal.”

0000011  0100011  0010010  0100111
0010000  0000001  0010111  0110101

To decimal...

3   35   18   39
16   1   23   53

“Tapos naisip ko.. baka elements yung E kaya tinanong ko sa’yo kung anong elements yung may mga atomic numbers na yan!”

(A/N: Halos same lang po ang conversion nito. 7 bits siya so hanggang 2^6 siya. 2^6+2^5+2^4+2^3+2^2+2^1+2^0 .. yan ay kapag 1111111 .. so pag may zero.. syempre 0 lang din yun! Para sa medaling pagconvert, pwede kayong gumamit na sci-cal!! This is for fx991ES.. click mode, no.4 (base-n), click BIN (log), enter nyo yung bitstream then click DEC (x^2)!)

“Nickan...”

“Yes?”

“Ang galing mo!,” I smiled at her.

Euclid Shellingford (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon