Kabanata 11

177 10 0
                                    

Kabanata 11:

(Boses ni Leo)



"Mom, baka may bisita po tayo mamaya." Sabay kagat ko sa pancake na luto niya.

"Oh! Bakit? Anong meron?"

Napatingin na din si Lei sa pagtatanong ni Mom.

"Yung kaklase ko po iire-review po ako dahil may long test daw po kami sa Friday. Eh dahil may mga lessons sila na di ko naabutan kaya ayun." sabi ko

"Oh! Buti naman meron silang ganyan. Fair enough sa mga transferees."

"Oo nga po eh..."


Naghuhugas si Mom ng palto ng naalala ko na dalawang lunch pala ang babaunin ko. Nag-prepare na lang ako ng tuna sandwich dahil di nakapagluto si Mom ng maaga. Kesa naman wala diba?

"Anak! Wag mo sabihing matakaw ka na?" biglang sabi ni Mom

"Di po Mom ah!" deny ko

"Oh! Eh bakit dalawa yan?" nagtaka na din siya

"Ah...Eh...Ibibigay ko po sana sa kaibigan ko." Napakamot-ulo na din tuloy ako

"Wow! Ambait naman ng anak ko. Hehe."

Nagulat ako ng parang nagningning ang mata ni Mom. Uh-oh!

"Teka teka! Babae ba yan? Babae ba?" taas-baba pa ang kilay niya pagkasabi niya niyan

"Ah op--"

"Kyaaah! Babae daw! Ahihi. Ikaw ah. Sana sinabi mo agad edi sana dadamihan natin yan."

"Mom!! Kaibigan ko lang sya. Kaya ko lang sya pinagdadalhan eh napansin kong di siya nagla-lunch."

"Weh? Eh wala pa ngang one week napansin mo agad?"

"Kaibigan ko nga lang sya Mom!!"

Nakakainis! Ang malisyosa pa naman ni Mom pagdating sa mga ganitong bagay >.<

"Eh wala naman akong sinabing hindi mo sya kaibigan ah! Wushu!" panunukso pa niya

"Indenial stage si Kuya!" biglang singit ni Lei

"Haynaku Lei! Atupagin mo na nga lang yang phone mo." Asar pang sabi ko

"Osya! Tama na yan Leo. Pumasok na kayo at baka ma-late pa kayo. Hihihi."

Kakaiba talaga ung mga tawa ni Mom -___-

"Mom naman!!"

"Oo na. Haha. Nakaka-fall pa naman ung binibigyan ka ng pagkain nung--*glares at her*Oo na nga. Bye!"


Umalis na din naman ako at nakarating agad ako sa school at pagdating ko eh nandun na sila Darius. Kinulit lang naman nila ako kaso ang weird lang dahil anseryoso masyado ni K ngayon. After ng first class namin eh nag-breaktime na din. Di ko napansin na nakalabas na pala si Aya kaya hinabol ko sya.

"Aya!!!" sigaw ko. Gulat na gulat pa siyang lumingon sakin.

"O-Oh? B-Bakit?" sabay iwas niya ng tingin sakin. Bakit naman kaya?

"Tara! Sabay ka na samin kumain." sabi ko

"H-Ha? A-Ayo--"

"Tara na. Dali!" sabay hatak ko sa kanya

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon