Kabanata 15:

138 9 0
                                    

Kabanata 15:

(Boses ni Kyd)


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"I will protect her no matter what."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nagulat talaga kami ni Darius ng malaman naming captain ball si Leo ng dati niyang school, ang North Ville Mary High. Ang balita ko eh undefeated ung basketball team nila, ibig sabihin magaling talaga si Leo lalo na nung in-announce pa siya na MVP kahapon sa laro. Sino naman kaya ang pumalit kay Leo sa NVM kung andito na siya?


''''''

Maaga akong nagising dahil susunduin ko pa si Yumi sa kanila. Madali na nga lang akong nakakapunta sa bahay nila dahil kilala na ako ng magulang niya.

"Magandang umaga po Tita." bati ko sa Mom niya. Oh wag kayo! Si Tita mismo ang nagbigay sakin ng permiso na un ang itawag ko sa kanya.

"Oh! Ang aga mo ata, Kyd? Ay teka, pumasok ka at umupo muna."

Pumasok naman ako at umupo sa sofa nila. Kaharap ko ngayon ung Dad niya na seryosong nahigop ng kape habang nagbabasa ng diyaryo.

"Yumi, andito na si Kyd." malakas na sabi ng Mom niya

"Opo Mom! Wait lang po."

Maya-maya lang ay nakita ko si Yumi na bumaba. Humalik lang siya sa pisngi ng Mom at Dad niya saka nagpaalam. Nagpaalam lang din ako kila Tita atsaka kami umalis.

"Sige, Kyd. Ingatan mo yung anak ko." sabi ni Tita

"Kyd." tawag naman sakin nung Dad niya

"B-Bakit po, Sir?" tensyonadong baling ko

"Pakibalik ng buo ung anak ko." sabi niya ng ibinaba nya ung binabasa niyang diyaryo

"Dad! Tinatakot niyo naman po siya." sabi ni Yumi

"Sige po, Sir. I will protect her no matter what and I'll make sure na ibabalik ko ho siya ng buo." matapang na sagot ko

"Good. Mabuti ng nagkakaintindihan tayo." sabi nito saka muling itinuon ang sarili sa diyaryo.

"Sige na po, Dad. Aalis na po kami." saka ako nagmamadaling hinatak ni Yumi

Nung nasa kotse na kami ay panay ang sorry niya.

"Pasensya na kay Dad, ha?" sabi niya

"Okay lang yun no. You're Dad is just being protective dahil ikaw lang ang babae sa inyong magkakapatid."

Yeah. Si Yumi ay may dalawa pang kapatid na lalaki. Si Kuya Yukito, ang pangay sa kanila, nasa Japan siya ngayon para mag-aral. SI Kuya Yuu, pangalawa, ay nag-aaral sa Maynila. Mabuti nga at wala din sila kanina sa bahay nila Yumi dahil mas protective ung mag-Kuya na yun eh. Tuwing nagpupunta nga ako sa kanila eh kabado ako pag nandiyan ang isa sa kanila, pakiramdam ko iluluto nila ako ng buhay eh.

"Sabagay." pagsang-ayon niya

"Aba! Kawawa naman ako pag niluto ako ng buhay ng mga Kuya mo pag nagasgasan ka. Eh sasagutin mo pa kaya ako!" mayabang na sabi ko

"Wow! Sure na sure kang sasagutin kita ah?"

"Oo kaya. Sa pogi kong to baka pagsisihan mo. Limited edition kaya to!" sabay turo ko sa mukha ko kaso hinawi niya ang mukha ko gamit ang palad niya

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon