Kabanata 2:
(Boses ni Leo)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Learn to forgive but never forget,
Learn from your mistakes but never regret."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*poke poke*
Ano ba?!
*poke poke*
"Ano ba?!"
"Nay! Zombieee!" sabi ni Lei tas umakto pang lumayo sa akin
"Tigilan mo ako Lei ha!" tsaka ko itinakip ang unan sa mukha ko
"Ah ganon?!"
Tumahimik sya sabay sigaw ng
"Mom! Maiiwan daw po si Atom dito forever!"
"Eto na! Babangon na! Don't call me Atom! "
She maked faces tsaka sya lumayas ng kwarto ko habang ako naman eh nagligpit muna ng hinigaan at saka dumiretso sa banyo at naligo.
Lilipat na nga pala kami ng bahay...
Pagkatapos ay bumaba na rin ako para tumulong na maghakot.
"Anak, ok ka lang ba?" Dad asked
"Opo, Dad." tsaka ko binuhat ung tv na nasa box at dinala sa truck na maglilipat.
Ilang minuto lang kaming nag-ayos at magbuhat ay natapos din. Paalis na kami at ako na lang ang di pa nakakasakay sa kotse nang...
"A-Atom..."
Boses pa lang...at paraan pa lang ng pagtawag ay alam na alam ko na kung sino...si Sab.
"Sorry. Please forgive me." umiyak na naman sya
"Pare, pasensya na nga pala kahapon." Si Jerick
Kahapon? Kahapon lang ba sila may kasalanan sa akin?
"Madaling magpatawad pero mahirap ang makalimot. Salamat sa lahat."
"Leo, aalis na tayo!" tawag sakin ni Dad at saka nya lang nakita na kausap ko sila Sab at Jerick.
"Aalis ka?" Jerick
"Oo."
"Wag mong gawin to ng dahil sakin." Sab
"Hindi ko to ginagawa para sayo. Ginagawa ko to para sa parents ko." dagdag ko pa
Mukhang napahiya sya ng di ko sinasadya dahil yumuko sya ng bahagya.
Nagsimula akong maglakad papalapit sa kotse pero bago pa man ako tuluyang makapasok...
"Mapapatawad ko kayo, pero di pa sa ngayon."
Pumanaog (wow! Lalim!) na ako sa loob. Nakita ko pa sa side mirror ng kotse na naiyak si Sab at pinapatahan sya ni Jerick. Tumingin sa akin si Mom at Dad ng worried look.
"Ok lang po ako." ngumiti pa ako
Napatingin ako kay Lei at as usual naman, hawak na naman ang phone nya.
"Learn to forgive but never forget, Learn from your mistakes but never regret." pagsasalita nya habang nakatingin pa din sa phone nya.
Tama ka Lei.
Ilang oras din na byahe ang nangyari ng narating namin ang bagong subdivision na titirhan namin.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...