Kabanata 17:
(Boses ni Max)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Be careful who you open up to. Only a few people actually care, the rest are just curious."
-SocialMeems.com
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kung hindi niyo pa din ako kilala, I'll formally introduce myself... I'm Maxine Gomez. Pinakamatangkad sa tropa namin at may pagka-morena. And oo nga pala, maaga akong lumayas ng bahay at nagpunta sa kalapit na McDo sa amin dahil napagkasunduan naming girls na dito na mag-breakfast. At isa pa, may mahalaga kasing pag-uusapan.
"Ohayou gozaimasu~!" bati ni Yumi sa akin. Ohayou gozaimasu is a Japanese phrase for "Good morning".
"Hey, Yumi! Stop speaking in Japanese, nasa Pilipinas ka!" asar na sabi ni Hails
"Gome-" napatakip ng bibig si Yumi dahil mag-jaJapanese na naman siya "..Sorry Hails."
"Aish!" sabay bagsak ng ulo ni Hails sa mesa.
"Anong problema mo Hails? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko
"Ha? Wala ah! W-Wala!" it took her a minute or so bago nag-respond sa akin.
"Obvious kayang meron...hmmm..Smells fishy." sabi ko pa
"Haha. Naku Max! Kung alam mo lang--asdfghagd" hindi ko na naintindihan yung susunod niyang sasabihin dahil tinakpan ni Hails yung bibig niya
Sinenyasan siya ni Hails ng shut up at akala ko naman titigil na magsalita si Yumi pero itinuloy niya pa din.
"--Haha! Alam mo ba, muntik na silang mag-kiss ni Dar." pang-aasar ni Yumi. Napa-facepalm na lang si Hails sabay irap niya.
"Gomene Hailey-chan!" Niyakap naman siya ni Yumi.
"Ayyie! Kaya naman pala. Hahaha. Sabi nga namin--"
"--The more you hate, the more you love." sabay kaming nagsalita ni Yumi kaya napa-facepalm na lang tuloy ulit siya. Haha! Tuwang-tuwa kami sa pang-aasar sa kanya eh.
Um-order na muna kami bago sinimulan ang dapat pag-usapan.
"So...ano na Max?" paninimula ni Yumi
"Something smells fishy kay Leo at Aya eh..." sabay halumbaba ko
"Wew! Paano mo naman nasabi, ha?" tanong pa ni Hails
"Hindi mo ba nakita? Nung nag-collapse si Aya eh ambilis niyang sinalo." sabi ko
"Bakit? Kung si Aya ba eh nag-collapse di mo sasaluhin?" tanong naman ni Hails then sipped on her hot coffee.
"S-Siyempre sasaluhin...pero may kakaiba talaga sa Leo na yun eh." pagpipilit ko. Sinabihan tuloy ako ni Yumi ng gutom lang daw to.
"Ewan ko sa inyo, girls! Ayaw niyo bang ilayo si Aya kay Chad?" asar na tanong ko at sumagot naman silang gusto daw nila.
"Yun naman pala eh! Then we should do something."
"Sabagay. Boto din naman ako kay Aya at Leo eh." Yumi
"Yeah. Eh ni hindi naman nagpaparamdam si Leo diba? Siguro nami-misunderstood lang natin yung sweet gestures niya." sabi pa ni Hails
"Psh. Bahala kayo. Basta malakas ang kutob ko na malapit ng magkagusto si Leo kay Aya."
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...