Kabanata 3:
( Boses ni Aya)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"The most important thing in communication is to hear what isn't being said."
-Peter Drucker
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maaga akong nagising dahil una sa lahat ay nagtatrabaho ako. Ung tatay ko ay walang trabaho at ung nanay ko ay wala na. May stepmom ako at Tiya ang tawag ko sa kanya, at may dalawang stepsis din ako.
Tama kayo ng rinig, nag-aaral pa ako and at the same time ay nagtatrabaho.
Student assistant ako pag weekdays and sometimes pag may papagawa ung teachers sakin sa school at pag weekends eh nagtatrabaho din ako sa isang kantina na di kalayuan sa bahay namin. Kaya nga kahapon eh pagod ako mula trabaho ko sa kantina tas pag-uwiko nadatnan ko si Tiya sa sugalan at kinuha ang pera ko para pangsugal. Ayaw ko mang ibigay eh baka ipagsigawan nya na naman na wala akong kwenta. Balak ko pa naman sanang ipanbili ng bagong sapatos dahil sira na din ang luma kong sapatos pero sige,pagttyagaan ko muna.
Kailangan ko ng katahimikan kaya pinuntahan ko na ang favorite spot ko sa subdivision na ito. Para ko na din kasing sanctuary yun. Dun din ako natakbo pag may problema bitbit ang para ko na ding bestfriend. Kaso....I totally freaked out nung mawala un. Sa dinami-dami ng mawawala ko ung diary ko pa!!! Di talaga ako magkandaugaga na hanapin yun. Di ko alam kung naiuwi ko nga ba o naiwan ko doon. Pero dahil kahit binaliktad ko na ata bahay namin eh wala pa din kaya malamang ay naiwan ko nga.
'Wag naman sanang kakilala ko makapulot nun. Okay lang kahit stranger wag lang talagang isa sa classmates or schoolmates ko...please Lord. *cross fingers*'
"Hoy Aya! Bilis-bilisan mo nga kumilos at baka ma-late ka pa sa trabaho mo!" sabay sinapok ako ni Tiya
Oo nga pala...nakalimutan ko magpakilala...Ako nga pala si Ariah Haira o "Aya" na lang para maiksi. Ang galing ng pangalan ko no? Parang polindrome lang.
(P.M: "polindrome", yan po ung tawag sa sentence or word na kapag binaliktad mo ang basa ay ganun pa din. Example nga ay yung name ni Aya which is 'Ariah Haira', pag binasa mo nang baliktad ay ganun pa din. Another example, 'Able I was ere I saw Elba', try niong basahin pabaliktad...ganun pa din diba? Oh! May bago kayong natutunan sakin XD)
Wala akong lahi at baka mapagkamalan niyo dahil 'Haira' ang apelyido ko. Sadyang ganyan lang yan.
Anyway, kumilos na ako at dumiretso na ako sa "Southville High", ang eskwelahan ko. Private school yan,kaya lang naman ako nakapasok jan kasi scholar ako yun nga lang...in return, dapat ay mag-student-assistant ako. Linggo ngayon kaya dapat ay nagtatrabaho ako sa kantina pero dahil pinatawag ako ng ilang teachers ay kailangan kong pumunta. Kakatapos lang kasi ng first grading period namin.
"Good morning Ma'am, Sir." bati ko sa teacher ko na sina Ma'am Liezel Gozon at Sir Pat Agustin. Teacher ko sa Math and Science.
"Good morning din." sagot nila
It really feels good na kahit papano ay may kasundo ako dito even though popular ako dahil poorita lang daw ako.
Pero back to real world, andami ngang dapat gawin. Nagmamadali na din kasi ang teachers para sa grades ng students at syempre ako ang taga-encode nila since mapagkakatiwalaan naman daw nila ako.
Nang matapos ko yun ay pinapunta naman nila ako sa may registration office dahil may bagong enrollee at hahabol daw sa second grading namin.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...