Kabanata 19:
(Boses ni Aira)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Minsan, kung ano yung hindi mo nakikita talaga ay yun pa ang talagang nag-eexist.
Parang hangin, hindi mo nakikita pero nag-eexist."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(P.M: Si Aira po yung katrabaho ni Aya sa Peppero)
"Good mooooorning~!" sabi ko with high pitch. Nginitian na lang ako ng ibang taong kasalukuyang nag-aagahan dito sa Peppero. Start your day with a smile para maghapon good vibes ka.
"Hindi ka pa din kumukupas, Aira! Energetic ka pa din kahit broken hearted ka." sabi naman ni Jimboy
"Grabe ka naman maka-broken! Isang araw ko lang naman iniyakan yun noh! Tsk." kaimbyerna tong lalaking 'to.
"S-Sorry na Ai." Ang weird nitong taong 'to. Kung maka-sorry kala mo talaga may kasalanan.
("Ai, yan yung tawag ni Jimboy sa kanya. Read as /Ay/ )
"Ang drama mo, Jim!" Maya-maya lang ay dumating na din si Aya at yung mukha niya? Parang biyernes santo.
"Anong meron, Aya? Bakit ganyan ang mukha mo?" kahapon lang eh medyo masaya pa siya. nag-half day nga lang siya kasi dumating yung mga kaibigan niya. Ang yayaman pala nung mga kaibigan nya.
"Wala lang 'to Aira. Wag niyo ako intindihin." saka siya dumiretso sa quarters namin. Nilingon ko tuloy si Jim sa inasal ni Aya.
"Jim, tignan mo si--O-Oh! B-Bakit nakatitig ka?!" A-Ano bang problema nito ni Jim?! Bakit siya nakatitig? "May dumi ba ako sa mukha??" dagdag ko pa.
"H-Ha? W-Wala!" saka siya pumasok sa quarters. Ano bang meron sa quarters at doon sila nagsisipuntahan? Tsk. Makapaglinis na nga lang. Habang naglilinis ako ay nagha-hum pa ako. Pagkatapos naming maglinis ay pumunta na ulit kami sa quarters at saka kumain. Kapansin-pansin talaga si Aya ngayon.
"Aya...alam mo namang nandito lang ako para making diba?" sabi ko sa kanya.
"Tama si Ai. Care to share?" dagdag naman ni Jimboy
"Ano kasi--Aira. Wala na akong kaibigan sa school eh. Kasalanan ko din naman kasi *sniff*" tsaka siya umiyak. Nilapitan ko siya at hinahagod ko yung likod niya.
"Ssh. Tahan na." sabi ko
"Hala ka, Ay! Pinaiyak mo." bulong sa'kin ni Jim. Inambaan ko siyang susuntukin at nag-sorry lang siya. Napa-tsk na lang ako.
"K-Kasi--si Atom naman ang nagsabi na may ibang babae si August *sniff* tapos-t-tapos nasampal ko sya. Hindi ko *sniff* naman sinasadya yun eh. A-ayoko lang namang *sniff* sinisiraan nila si Fudge eh." with that ay umiyak na naman siya.
"What do you mean? Natulad siya kila Max?" nagtatakang tanong ko. Nasabi niya na din kasi sa amin yung nangyari noon eh.
Tumango-tango lang siya saka sinabing "Totoo ba yung 'History repeats itself.' Kasi ayoko nang mawalan pa ng mas madaming kaibigan eh. Bakit ganun? Lahat sila eh ganun ang sinasabi." Nung tumahan siya eh saka lang ako ulit nagsalita.
"Wag kang magalit ha? Paano lang kung totoo yung sinabi nila?" with that ay mas lalo lang siyang umiyak "Hindi ko yun kaya Aira. Hindi ko ata kaya."
"Hala ka, Ay! Pinaiyak mo na talaga." pang-aasar pa sa akin ni Jimboy
"Isa pa Jim! Tatamaan ka na talaga sa akin." tsaka ulit ako tumingin kay Aya.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...