Kabanata 12:
(Boses ni Leo)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"A friend is someone who allows you distance but ie never far away."
-Noah benShea
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dalawang araw na mula nung nag-review kami ni Aya para sa long test mamaya at dalawang araw na rin mula nung tumawag si Sab.
*Pagbabaliktanaw*
"Hello?" seryosong sabi ko
"H-Hi. Atom." sabi nya
"Bakit?"
"U-Uhm. Gusto lang naman kitang kamustahin." sabi pa niya ba halatang paiyak na
"Sa tingin mo ba okay lang ako matapos mo akong ipagpalit sa BESTFRIEND ko? Sa tingin mo ba sa pangangamusta mo dapat akong matuwa?!" I balled my fist.
"A-Atom wag ka namang magalit. Nasasaktan ako." I heard her burst into tears.
"It's not my fault na nasasaktan ka ngayon. Blame yourself."
Oo. Mahal ko sya, hindi naman mawawala agad yun eh pero tanggap ko naman na. Hindi na ako interesado na makipagbalikan sa kanya.
"Atom. I'm--"
"We can't be friends anymore Sab, alam mo yun,"
"But--"
"Sorry. Bye."
I ended the call.
*Dulo ng Pagbabaliktanaw*
"Mukhang malalim iniisip mo ah?"
"Ikaw pala Kyd."
Nakasabay ko sya papasok ng school.
"Mukhang lutang ka ah?"
Kahapon pa ata kasi ako occupied ng mga sinabi niya. Naging harsh ata ako masyado.
"May iniisip lang ako."
"Naku! Wag mong isipin yun! Mahal ka nun!" biro nya
Yun na nga eh, kaso mas mahal niya si Jerick. Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang sagot.
"Oo nga pala. Kamusta kayo ni Yumi?"
Yeah, naalala ko. Yumi nga ung pangalan ng nililigawan niya na dating kaibigan naman ni Aya.
"A-Ah. Okay naman. May progress kahit papano."
"Maganda yan. Keep up the good work."
Pagkadating namin ng room eh halos busy lahat sa pagre-review. Ibahin lang natin si Darius na busy naman sa cellphone niya.
(Boses ni Yumi)
"Max, kamusta na kaya si Aya?" sabi ni Hailey as she relaxed her back sa upuan niya. Kanina pa kasi kami nagre-review
"Malay ko. As far as I know di dapat natin siya iniintindi dahil she pushed us away." Max said as she read her book again
"Pero Max, kaibigan pa din naman natin sya eh. Sila pa din ni Chad hanggang ngayon!" I exclaimed. May paki pa din naman kasi ako kahit papano kay Aya. We've been friends since we're kids.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...