Kabanata 6:
(Boses ni Aya)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Moving on is not bad."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Devastated pa din ako sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na kapitbahay ko sya!
Kakapasok ko pa lang ng bahay ng pingutin na ni Tiya ang tenga ko.
"Ikaw! Bakit napakatagal mo naman aber?!" sigaw nya sa mukha ko
"P-Pasensya n-na po Tiya." sabi ko
"Bumili ka ba naman ng karne't manok?" singit ni Ayeen
"O-Oo. Isang k-kilo nga lang."
"Ano?! Diba ang nakalista dyan tatlong kilo?! Ano ba,ha?! Boba!" sabi pa ni Trish
"Kulang na kasi ang pera—-"
"Walang kwenta! Hala sige! Mag-igib ka na ng tubig at maliligo na sila! Bilis!" sigaw ni Tiyang kaya nagmamadali akong kumilos
Nanag matapos yun ay naligo't nagbihis na din ako. Kakain sana ako kaso wala na akong nadatnan na kanin at ulan kaya hinayaan ko na lang.
Nag-iwan na lang ako ng baon nila Ayeen at Trish bago tuluyang umalis ng bahay. Titiisin ko na lang muna ang gutom at maglalakad na lang din ako papasok sa Southville High since walking distance lang naman ito.
Naglalakad ako ng biglang may bumusina sa akin ng malakas.
(Boses ni Leo)
Mula kanina di ko pa din maalis sa isip ko ung mukha nya ng natignan ko sya sa mata...napakalungkot nito.
Marahil nga aya dahil na din nawalan sya ng dalawang taong mahalaga sa buhay nya. Mukha naman syang masayahing tao? Sabagay,di ko din naman sya nakakausap ng matagalan.
*Kriiiing*
Dinampot ko agad ang phone ko at sinagot ito...
"..."
Huh?
"Hello? " sagot ko
"A-Ah...A-Atom..." sabi nya
Si Sab pala...
Muli kong naalala ang paghahawakan nila ng kamay ni Jerick...
'...pero mas mahal ko sya eh...sorry.' Un ang huling sinabi nya sakin na talagang nasaktan ako
Nangibabaw na naman ang galit na nararamdaman ko...
"Bakit?" cold na sabi ko
"W-Wala naman...n-na-miss lang—-"
"Pwede ba Sab! May boyfriend ka na at di ka dapat nakikipag-usap sa ex mo—-*sigh*"
"Atom, wag ka namang ganyan. Nasasaktan ako eh." sabay hagulgol nya
Hindi ba dapat kung may masaktan man sa amin ay ako yun?!
Sa halip ba sabihin ko iyon,wag na lang.
"Sige na. Bye."
Dumiretso na lang ako sa cr at naligo saka bumaba para kumain.
"Kamusta naman ang first day niyo sa school?" Mom asked "Ikaw Lei?".
"'twas great Mom! I already gathered a bunch of friends. They're kind." sabi ni Lei ng maligaya
"That's great. How bout you Leo?" Mom stared at me
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...